𝑲𝒂𝒃𝒂𝒏𝒂𝒕𝒂 𝑰

152 93 64
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


[ Nate's POV ]


Pasado alauna na nang dumating kami ng pinsan ko na si Lotie sa probinsya ng mga lolo't lola namin at doon pa lamang sa gate ay makikita na namin ang uncle Tony na hinihintay ang aming pagdating. Buntong hininga na lamang ang nagawa ko habang tinititigan ang kabuuan ng bahay na titirhan ko ng isang taon.


Hindi maitatanggi na lumang-luma na ang bahay, ito yung mga klase ng bahay na nakikita ko lang sa mga teleserye na historical ang genre. May pagka-hunted din ito ngunit sabi sa 'kin ni Lotie, konkreto ang pagkakagawa dito kaya kahit na ilang dekada na ang lumipas ay nakatindig pa rin ito. Kwento nya pa na binili raw ito ng pamilya ni lolo kasama ang mga lumang gamit ng tunay na may-ari.


" Nate! Lotie! sa wakas ay nakarating din kayo! Pasok kayo at ako e nagluto. Alam kong kayo e gutom! " salubong sa amin uncle Tony para tulungan sa mga dala naming gamit.


Pumasok kami ni Lotie sa loob ng lumang bahay at pareho kaming namangha sa loob nito. Para kasi kami nasa ibang mundo. Mula sa TV hanggang sa mga gamit sa kusina ay puro sinaunang kagamitan. Sa sobrang mangha namin ay nilibot namin ang buong bahay mula sa unang palapag na may tatlong kwarto hanggang sa ikalawang palapag na doon matatagpuan ang aking magiging kwarto.


" kung pwede lang na dito na muna ako. " wika ni Lotie habang tinutulungan ako na ayusin ang ilan sa dala kong gamit.


" bakit hindi ka muna tumugil dito? Paalam ka kayna tita. " tugon ko.


" hindi pwede e'. Alam mo naman ang mga yun. Bilisan mo na dyan para makakain ka na. Puntahan ko lang si uncle sa baba." palam ni Lotie.


" sige, susunod ako. Tapusin ko lang imisin ang mga 'to. "


Ako nga pala si Nate Santiago Jr, dalwapung taon at isa na sanang graduating student pero kailangan ko tumigil ngayong taon dahil sa kalusugan ko. Isa akong working student. Estudyante sa umaga at crew sa isang fastfood tuwing gabi. Akala ko kaya ko pero isang gabi, habang nasa trabaho ako ay nawalan ako ng malay. Mabuti na lang ay nadala agad ako sa ospital. Pinayuhan ako ng doktor na kailangan ko ipahinga ang katawan ko at dahil sa matigas ang ulo ko, naisip ni uncle na patirahin muna ako dito para mabantayan nya ang kalusugan ko.


" Nate baba na, kakain na tayo! " tawag sa 'kin ni uncle Tony.


" pababa na po! "


Inimis ko ang natitirang libro sa maliit na cabinet na katabi lang din ng kama ko bago tumayo. Palabas na ako ng kwarto nang mapansin ko ang isang ancient telephone na nakapatong sa table na malapit sa bintana. Namangha ako dito dahil kung hindi ako nagkakamali ay ganito ang itsura ng candlestick telephone na ginagamit ng mga tao mula 1890's hanggang 1940's. Hindi ako mahilig sa mga sinaunang gamit dahil para sa 'kin ay hunted ang mga ito. Nakakatuwa lang isipin na kahit na matagal na ang mga kagamitan na ito ay tila bago pa. Wala man lang gasgas o kung ano.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 27, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Year 1920, 2019 (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon