Chapter 2 - New Home

3.4K 182 90
                                    

Note: Unedited.

"Aki? Akira Georgina?" gulat na usal ko habang nakatitig sa mukha ng babaeng kakapasok lang.

"M-miss Merge? What are you doing here? Are you...are you okay?" nag-aalalang tanong nito nang makabawi sa gulat at saka ito napatingin kay Nicolo na ngayon ay palipat-lipat ang tingin sa amin.

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa direksyon nito at nang makaramdam ng hilo ay mabilis akong kumapit sa balikat nito.

I noticed her body stiffened when I leaned my body against hers. "Just call me Ven, Aki. And please...get me out of here." I whispered in her ear before I held her waist to support my body.

Nahihilo na talaga ako!

"But-" narinig ko ang mahinang pagsinghap nito nang isubsob ko ang aking mukha sa leeg nito at saka pumikit.

"Get...me...out...of here, Akira. Please." utal-utal kong saad dahil nag-iiba na talaga ang pakiramdam ko.

"It's okay, Miss..." naramdaman ko ang pagtingala ni Aki nang magsalita si Nico mula sa likod ko.

"dela Isla po, Ma'am." I heard her said kasabay nang paghigpit ng hawak nito sa akin. But what? Ma'am?

Mabilis akong umangat ng tingin kay Akira at kunot-noong tinitigan ito. "What?"

Muli itong napayuko sa akin at napalunok bago muling nagsalita. "I...I'm working here, Miss-"

Pinandilatan ko ito ng mata kaya napahinto ito saglit.

"I'm working here, Ven." kagat-labing pahabol nito.

I heaved a deep breath and held her tighter. "Get me out of here, Akira."

"You can go, dela Isla. It's okay." sabat ni Nico mula sa likod ko before she caressed my back in a sensual way. Fuck no! Dahil mas lalo lang nag-iiba ang pakiramdam ko!

Sa mga nanlalabong mga mata, napasunod ako nang iginiya ako ni Akira palabas ng cr. Maya-maya pa ay ramdam na ng balat ko ang preskong hangin tanda na nakalabas na kami.

I reached for my pocket and groaned when I couldn't find my car key. Narinig naman iyon ni Akira kaya napatigil ito.

"Are you alright, Miss Ven?" halata sa boses nito ang pag-aalala.

"My car key-"

"Kotse ko na lang po muna ang gagamitin natin, Miss Ven. Pagpasensyahan niyo na lang din at second hand na kaya baka hindi kayo maging kumportable."

"Okay." I mumbled. Hindi naman ako pwedeng magreklamo dahil ako na nga ang tinutulungan ngayon.

Nang mai-pwesto ako nito sa loob ng sasakyan ay napamulat ako ng mga mata. Sa nanlalabong mga paningin, I took a quick glance at the woman beside me and I stiffened when our eyes met. Mabilis naman itong napabawi ng tingin kasabay nang pagpapatakbo nito ng kanyang sasakyan.

"Miss Ven?" I heard someone called my name and tapped my cheek. Nakatulog pala ako sa byahe.

"Miss Ven, gising po. Nandito na tayo."

I slowly opened my eyes and my brow creased nang mamulatan ko ang hindi pamilyar na paligid sa labas ng sasakyan.

"Where are we?" tanong ko at napatingin kay Akira. Nang mapansin ko ang pagkagat nito sa kanyang ibabang labi ay napamura ako sa isip nang maramdaman ko na naman ang pag-iiba ng aking pakiramdam. Para bang kinakalikot ang loob ng tiyan ko and I don't have any other choice but to release it.

Remind me to slap Nicolo next time!

I heaved a deep breath and shook my head na mabilis ko ding pinagsisihan nang mas lalong sumakit ang ulo ko. I groaned in pain at naramdaman ko na lang ang pagpulupot ng mga braso ni Akira sa katawan ko mula sa labas ng sasakyan nito. Hindi ko man lang namalayan na lumabas ito at nakaikot na sa passenger's seat.

The Great Pretender (GirlxGirl)Where stories live. Discover now