Chapter 10 - Hacienda Sobrequilla

2.5K 132 115
                                    

A/N: Hi. After 3 months(?) nakapag update na rin. Sorry na, busy lang talaga. Babawi ako. :)
Not Edited.

Ven

I slowly parked my car and took a deep breath. As my eyes glanced at the familiar small house, I took my black cartier sunglasses at muli itong isinuot.

It has been three months simula nang mangyari ang komprontasyon sa pagitan namin ni Flare at tatlong buwan na ring hindi ko nakikita si Akira. Napag desisyonan nitong umalis na sa poder ko at umuwi sa bahay ng nanay nito para doon na manatili kasama na ang anak nitong si Achilles.

Tatlong buwan na kaming walang komunikasyon dahil na rin sa masama ang loob nito sa akin, at sa aminin ko man o sa hindi, sa loob ng panahong iyon ay namimiss ko ang presensya ng mga ito.

I heaved a deep sigh when I remembered why I am here. Nandito ako at nakatayo sa labas ng bakuran nito matapos mabalitaang nagkasakit si Achi. Masyado nang napamahal ang bata sa akin at kailangan ko itong kumustahin dahil ilang araw na rin akong hindi mapakali sa kalagayan ng mga ito.

Nagsimula akong humakbang papasok sa bakuran nito nang mapakunot-noo ako. The place was empty and the house was locked up. Nilinga ko ang paligid bago ko muling ibinalik ang tingin sa nakakandadong pinto ng bahay nito.

Where are they?

Walang katao-tao ang paligid at mukhang ilang araw na ring walang naglalagi rito dahil na rin sa bakurang hindi nalilinisan.

Nang masigurong wala ngang tao sa loob ay muli akong napabuntong-hininga.

Laglag ang balikat na muli akong humakbang pabalik sa aking sasakyan habang iniisip kung nasaan ngayon ang mag-ina.

Hindi pa man ako nakakarating sa aking sasakyan nang may umagaw ng atensyon ko. It was the woman na nakakausap at nahihingian ko ng balita. Ito rin ang nagbalita sa akin na may sakit si Achi.

"Hello po, Ma'am." Bungad nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa bahay nila Akira.

"Hi. Uh. Walang tao sa loob. Where are they?" I asked as I took off my sunglasses.

"Hala. Sorry po. Nasira po kasi yung selpon ko noong nakaraan kaya wala akong naibalita sa inyo. Pasensya na po." Kakamot-kamot sa ulong sagot nito.

I nodded my head and smiled a little. "Pero alam mo ba kung nasaan sila?"

"Opo. Saglit lang po." May kinuha ito sa kaniyang bulsa at doon ay inilabas nito ang coin purse nito. Mula rito ay may dinukot itong isang maliit na papel at saka iniabot sa akin.

"Eto po."

Mabilis na kinuha ko ito at binuksan. My brows creased when I read that it was a familiar place.

"Hacienda Sobrequilla, El Ignacio, Davao City." I read. Napakunot noo ako nang mabasa ang Munisipyo ng El Ignacio. Sobrang layo nito sa siyudad at ilang oras din ang babyahiin mo makapunta lang dito.

Nagtatanong ang mga matang napataas ako ng tingin at tinitigan ang kaharap ko at para namang nabasa nito ang nasa isip ko nang tumikhim ito.

"Si ate Akira po ang nag iwan niyan sa akin in case raw po na umuwi si mama niya at hanapin sila."

Tumango ako matapos nitong magsalita. "Salamat." Ang tangi kong nasabi.

"Walang ano man po, Ma'am." Sagot nito at binigyan ako ng malawak na ngiti.

Bago umalis ay dumukot muna ako ng ilang libo sa aking dalang bag at ibinigay dito na sinuklian naman nito ng hindi na mabilang na pasasalamat.

---

The Great Pretender (GirlxGirl)Where stories live. Discover now