Kabanata 2

140 7 3
                                    

"Ikaaaaw lamang ang aking minamahaaaaal, ikaw lamang ang tangi kong dinadasaaaal makapiling ka—" Hinagis ko ang isa kong unan sa ere. Nagsisimula na naman itong kapatid ko.

"Pwede ba, Alisse. Kung magvi-videoke ka dun ka na lang sa kuwarto mo!" Sigaw ko. "Hindi mo lang alam kung gaanong trauma ang naranasan ko sa shift ko kanina!" Dugtong ko.

"Habang buhay, ikaw lamang sintaaaa, wala na kong hihingin pa~ Walaaaaa naaaa~" At hindi pa rin talaga siya tumigil.

Huminga ako nang malalim bago bumalikwas nang bangon para sitahin at sabunutan na talaga si Alisse. Hindi ko 'to bibigyan ng baon, sure na!

"AAAHHHHHHH!" Nagising lahat ng diwa ko nang makita ko si Zuriel Gideon de Paz na nakatayo at nakatitig sa akin habang tumatawa. Siya pala 'yung kumakanta kanina at hindi si Alisse.

Inirapan ko ito. "Hoy, mult-" Pinutol nito ang sasabihin ko.

"Gid-yon. Gideon ang pangalan ko. Ang hard mo naman sa akin." Humalukipkip ito at ngumuso.

Bumuntong hininga ako. "Eh 'di, Gideon. Bakit ayaw mo ng Zuriel? Cool naman pakinggan?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko nga. Tunog babae." Napanganga na lang ako sa reasoning nito. Niyakap ko ang sarili ko nang makaramdam ako ng kilabot.

Agad namang nag-react si Gideon. "Bakit ba takot na takot ka sa akin? Disente naman akong multo? I mean, hindi naman ako duguan, hindi rin naman kita tinatakot?" Tanong nito.

"Eh, multo ka pa rin!" Sigaw ko.

Napahinto ito at tinitigan ako. "Ayy, may discrimination na nagaganap dito." Iling nito.

Napanganga ako sa sinabi nito. Gusto kong tumili sa takot, pero sa sobrang daldal nito ay hindi niya na ako binibigyan nang pagkakataong matakot. Nakakaloka.

"Bakit ka ba kasi nandito? Bakit mo ba ako sinusundan? Sa mga movies, sinusundan ng mga multo ang tao kapag gusto nila ng katarungan sa pagkamatay nila at 'yung bida lang ang nakakakita sa kanila. Eh comatose ka pa naman, ah?" Tanong ko rito.

Pumalakpak naman ito at ngumiti. "Exactly!"

"Huh? Kailangan mo ng katarungan?" Tanong ko.

Umiling ito, "Hindi iyon! Minurder ba ako?" Nag-make face ito. "What I meant was, ikaw lang ang nakakakita sa akin, kaya susundan talaga kita." Ngumiti ito. "At saka, sa 'yo ko kukunin ang updates about my condition." Pagkukumbinsi nito sa akin.

Inirapan ko ito. See? Wala na akong time matakot. "Manahimik ka. Mukha ba kong 8888?"

Kumunot naman ang noo niya na parang nagtataka. "8888? 'Yun na ba ang bagong number ng mga demonyo? 666 'yun ah?" Tanong nito.

Ginulo ko ang buhok ko dahil sa frustration. "Tanga! Wala ka bang cellphone? 8888? Like, Malapit nang ma-expire ang iyong TM Combo 20." Paliwanag ko.

Marahan itong tumango. "Ahhh, gets. Naka-plan kasi ako. Hindi 'yan uso sa akin. Hindi nag-eexpire load ko." Siya naman ang ngumisi.

"Ang yabang mo! Eh, ikaw naman mismo ang may chance ma-expire." Natutop ko ang bibig ko. Napasobra ata ako roon.

Hihingi na sana ako ng tawad nang muli itong magsalita.

"Ouch naman, nurse!" Hinawakan nito ang kanyang dibdib at umarteng nasasaktan. "Ang hard mo talaga sa akin." Ngumuso ito. "Kapag ako nagising, makikita mo!" Dagdag nito. Hindi ako sigurado pero parang may lumihis na lungkot sa mga mata ni Gideon.

Muli ko itong tinitigan para kumpirmahin ang nakita. Sinubukan kong basahin kung ano ang nasa isipan niya pero hindi ko na ito mabasa. Bakit ba bigla akong nagkaroon ng paranormal ability? Kanino ko ba 'to namana? At gosh! 24 na ako, ngayon lang lumabas?

Goodnight, GideonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon