Kabanata 4

178 8 5
                                    

Dalawang linggo na rin simula nang dumating sa Sto. Domingo Community Hospital ang coma patient na si Zuriel Gideon de Paz. Ibig sabihin, dalawang linggo na ring nangungulit sa buhay ko ang kaluluwa niyang daig pa ang 7 years old sa dami ng energy. Talaga bang 26 years old na 'to?

Nakakalungkot man, pero hindi pa rin ito responsive, kaya nung dumating ang ika—11 na araw nito sa ospital ay tuluyan na ngang nagpasya sila Doc Josh na isailalim si Gideon sa mga tests.

Alam naman ni Gideon ang kalagayan nito. Ina-update ko naman siya kung ano ang nangyayari sa kanya sa ospital. Ilang beses ko na rin siyang pinipilit na sumama para makita niya mismo ang kalagayan niya, pero lagi siyang nagdadahilan ng kung anu-ano. Busy daw siya. At kailan pa naging busy ang mga multo?

Katulad na lang ngayon na sinubukan kong yayain siya na sumama ulit sa akin sa ospital. Ito na ang last graveyard shift ko dahil sa umaga na ulit ako magdu-duty. Kasama ko pa rin naman sila Roseanne, Jennie, at Lisa. Si Paco at Doc Luis ang naiwan sa GY shift.

"Mas kaunti ang tao sa gabi kaya sumama ka na. Importanteng makita mo rin mismo ang kalagayan mo." Pangungulit ko.

Napakamot naman sa batok si Gideon. "Ayaw ko nga. Next time na lang kapag nag-GY shift ka ulit!" Sabi nito sabay labas ng kuwarto ko. Napabuntong hininga ako. Mas pipiliin siguro talaga nitong ma-stuck sa bahay kesa makita ang sarili sa ganoong kalagayan. Hay.

Nang sundan ko si Gideon ay nakita kong nakaupo na ito sa isa sa mga sofa sa living room kasama si Alisse. Mukhang manunuod na naman ng Snowdrop.

Wala akong time manuod ng mga Kdrama, pero dahil ata sa kadaldalan ni Gideon, pakiramdam ko ay nakakasabay ako sa bawat episodes.

"Ate, pakuha naman ako ng jacket sa kuwarto." Utos ni Alisse. Niyakap nito ang sarili at hinaplos-haplos ang braso. "Hindi mo ba feel? Parang ang lamig-lamig ngayon. Nakakakilabot." Dagdag niya pa.

Gusto ko sanang matawa sa sinabi ni Alisse. Kung alam lang niya na hindi lang siya ang mag-isa at hooked na hooked sa pinapanuod niyang Kdrama. Ang swerte pala ng mga walang third-eye no?

Naagaw ang atensyon ko nang dahan-dahang tumayo si Gideon at lumipat ng sofa, 'yung medyo malayo na kay Alisse. Mukhang na-conscious ata.

Hindi ko na napigilan at napalakas ang tawa ko.

"Ate, ba't ka tumatawa?" Takhang tanong ni Alisse. Umiling-iling naman ako at mabilis na dumiretso sa kwarto niya para kumuha ng jacket.

Bago ko isara ang pinto ay tiningnan ko si Gideon na nahihiyang nakatingin kay Alisse na hanggang ngayon ay yakap-yakap pa rin ang sarili.

Gusto niyo 'yun? Considerate na multo. Hahaha!

🌙🌙🌙

Nang dumating ako sa SDCH ay kumpleto na agad ang tatlo. Si Nurse Lisa ay abala sa kanyang chart, samantalang si Nurse Jennie and Roseanne naman ay tila kinikilig sa pinag-uusapan.

"Huy! Ang agang chismis ah!" Bati ko. Nahinto naman ang tatlo sa kanilang ginagawa.

"Good morning, Nurse Tatty!" Sabay-sabay na bati nila.

"Ewan ko d'yan kay Nurse Jennie at Nurse Roseanne, kanina pa kinikilig sa bisita sa Room 207." Napapailing na kwento ni Nurse Lisa.

Nilingon ko ang dalawang kinikilig pa rin hanggang ngayon. "Aba, hindi pa rin talaga sila tapos..." Biro ko.

"Eh, kasi naman Nurse Tatty, alam ko namang maraming gwapo rito sa Sto. Domingo, pero super breath of fresh air makakita ng bagong mukha." Halos patili na sabi ni Nurse Jennie. "Amoy Johnson's Baby Powder pa!" Dagdag nito.

Goodnight, GideonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon