SPECIAL CHAPTER: ANNIVERSARY SPECIAL (PART 1)

255 17 12
                                    

"Kyron! Anak? Let's go na. Pupuntahan natin si daddy sa office niya."

Inaayos ko ang mga pagkain na ginawa ko para kay Ryken ngayong tanghali. Hindi niya alam na pupuntahan naming siya ng anak niya sa opisina niya ngayon. Ang sabi ko kasi sa kaniya ay lalabas kami nina Syndy, Max, at May pero bigla naming nag cancel si Max kaya hindi kami natuloy.

Nang maayos ko na ang dadalhin namin ay pumunta ako sa sala at doon nakita ko ang anak ko na naglalaro habang nakaupo sa sahig. Kanina ko pa siya binihisan para mabilis kaming makaalis agad pagkatapos kong mag ayos ng pagkain.

"Kath, aalis na ba kayo? Tatawagan ko na ba ang driver?" Tanong ni Nanay Ester.

Nakangiti akong tumango. "Sige po. Salamat, 'nay Ester."

Naupo muna ako sa sofa at pinanood si Kyron na maglaro habang naghihintay ng driver. Simula noong maikasal kami ay bumalik kami dito sa dati naming bahay. Iyong lumang bahay namin dati ay muli niyang binili at ipinaayos...ngayon ay dito na kami nakatira. Iyong bahay niya naman sa probinsiya ay sina tatay Bert at nanay Nenita na ang nakatira. Si Camille naman ay isang taon na ring kasal kay Justin. Nasa America na sila ngayon nakatira nina Cedie. Paminsan-minsan ay umuuwi pa rin naman sila dito tuwing holidays at baksyon ni Cedie sa school niya.

Tinulungan ako ng driver namin sa pagdala noong packed lunch na ginawa ko para kay Ryken. Buhat-buhat ko na kasi si Kyron kaya hindi ko na 'yon madala lahat ng maayos. Habang nasa sasakyan kami papunta sa opisna ni Ryken ay kinuha ko ang cellphone para itext siya na pupuntahan naming siya ngayon. Pero nakarating na kami ni Kyron sa harap ng building ng pinagtatrabahuhan niya ay wala pa rin siyang reply. Napanguso ako. Hindi kaya nasa meeting pa siya? Pero past twelve na ng tanghali, dapat ay lunch break na nila ngayon, eh.

Hawak ko ang isang kamay ni Kyron habang mabagal kaming naglalakad papasok ng building. Sa isang kamay ko naman ay bitbit ko iyong lalagyan na may laman ng pagkain ni Ryken. Mabuti na lang at nakasalubong naming ang sekretarya ni Ryken.

"Ma'am, tulungan ko na po kayo." Mabilis siyang lumapit sa amin at akamang kukunin sa kamay ko iyong hawak kong lalagyan ng pagkain pero tumanggi ako.

"Ako na lang nito." Mabigat kasi. Nakakahiya kung ipapadala ko sa kaniya. "Pakibuhat na lang si Kyron. Baka kasi madapa lang siya, eh."

Agad niya naman sinunod ang sinabi ko at maingat na binuhat ang aking anak. Nakangiti kong tiningnan si Kyron na titig na titig sa mukha ng sekretarya ni Ryken. Kinikilala niya yata.

"Nasaan nga pala si Ryken?" Tanong ko sa kaniya. "At saka kumain na ba siya ng lunch? Nag dala kasi ako ng lunch niya."

Nakangiting umiling ang sekretarya niya. "Hindi pa po, Ma'am. Hindi pa nga po siya lumalabas ng conference room kasi may pinaguusapan po silang bagong project nina Engr. Roxas."

Nakagat ko ang labi at saka dahan-dahan na tumango.

"Samahan ko po kayo sa conference room, Ma'am. Si Engr. Roxas lang naman po ang nandoon na kasama ni Sir..."

Mas naunang mag lakad sa akin ang sekretarya ni Ryken. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa makasakay kami ng elevator. Nang makarating kami kung saang floor naroon ang conference room ay sinabihan ko siyang dalhin na lang muna sa opisina ni Ryken si Kyron at doon na lang ako hintayin. Naglakad na ako papunta sa pinto na nasa may pinaka dulo ng hallway.

Dahil medyo may kabigatan nga ang dala ko at nangangalay na din ang kamay ko ay walang pag-aalinlangan na itinulak ko ang pinto ng conference room pabukas para sana maipatong at maibaba na ang dala-dala kong tanghalian ni Ryken.

"Baby-'' Naputol ang lahat ng sasabihin ko at agad akong natigilan ng makapasok sa loob ng conference room.

Nakaawang ang labi ko sa gulat ng makita ang hindi bababa sa sampong tao sa loob at lahat sila ay nakatuon ang paningin sa akin ngayon. Shit! Parang gusto ko na lang mamatay sa kahihiyan! It was obvious na nagkakaroon sila ng meeting ngayon. May projector sa harap at nakatayo doon si Engr. Roxas samantalang si Ryken ay nakaupo sa pinakaunahan na upuan. Bakas din sa mukha niya ang gulat. Iyong iba naman ay isa-isa ring nakaupo sa kani-kanilang upuan. At ako naman ay parang gaga na nakatayo sa may harapan nilang lahat habang dala dala 'yong lalagyan ng pagkain na dinala ko para kay Ryken.

The Unplanned (Holy Heart High School Series #1)Where stories live. Discover now