CHAPTER 7

291 20 3
                                    

It's been such a hard week for all of us. Malapit na ang 3rd examination namin at si Maxine masyadong distracted. Hindi na sila nag papansinan ni Jon jon. Nag-usap na sila pero hindi ko alam ang napagusapan nila. Kung ano man yun sigurado akong hindi maganda ang kinalabasan.

Nandito kami ngayon sa bahay nina Maxine. Pinuntahan namin siya dito para sabayan mag review para sa exam namin sa lunes. Nandito si Syndy, Ako, si Ryken at Xavier. Wala si Randy dahil malamang ay kasama siya ni Jon jon ngayon. Okay naman kami ni Randy.

“Kath paano nga 'yong ganito?” Tanong ni Syndy sa akin.

Math ang inaaral namin ngayon. Ito kasi ang pinakamahirap.

“Ganito..” Pinaliwanag ko sa kanya yung tinatanong niya.

“Eh ito Kath?” Tanong niya ulit.

Sasagot na sana ako ng magsalita si Ryken.

“Tama na nga, ako naman.” Nakangusong sabi niya kay Syndy atsaka bumaling saakin.
“Turuan mo ako My,”

Inirapan ko siya at kinuha ang notebook niya.

“Nako ang landi mo,” sabi ni Syndy kay Ryken.

Hindi siya pinansin ni Ryken bagkus ay nakatingin lang sa ginagawa kong pagbuklat sa notebook niya. Hindi pa rin kami naguusap tungkol dun. Masyadong naging busy at nakaka-stress yung mga sumunod na araw. Yung kay Max at Jon, tapos ito pang examination.

“Alin dito?” Tanong ko sabay bigay sa kanya ng notebook niya.

Kinuha niya sa akin ang notebook at itinuro yung lesson 3.

Well, mahirap talaga itong lesson na ito. Hindi ako magaling sa math, sa totoo lang ay ito ang pinaka ayaw ko na subject. Kahit na ganon ay naiintindihan ko pa din naman yung mga lesson kahit na papano.

Sinimulan kong iexplain sa kanya yung lesson. Ipinaliwanag ko ang pasunod-sunod na pag solve ng formula. Nung matapos ako sa pagpapaliwanag ay tumingin ako sa kanya para itanong kung naintindihan na ba niya.

“Gets mo na?” Tanong ko.

Wala sa sarili siyang tumango dahil nakatitig siya sa akin. Bahagya kong sinampal ang mukha niya pero nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at pinanatiling nakadikit sa pisngi niya ang palad ko. Nakangisi siyang nakatingin saakin. Nanlaki naman ang mata ko at hinablot ang kamay ko sa kanya. Hinampas ko siya sa braso. Buti na lang at walang nakakita dahil busy sina Syndy sa pagrereview.

Sinamaan ko siya ng tingin, “Napakalandi mo.  Magreview ka na nga lang,” sabi ko.

Ngingiti-ngiti naman niyang kinuha ang notebook niya at nagsimulang magbasa ulit. Naiiling na lang ako sa kakulitan niya.

Lagi siyang nandyan para saakin. Hindi lang para saakin kundi para sa buong barkada, sila ni Xavier. Alam ko sa sarili ko na masaya ako kapag kasama ko siya, lagi ko siyang gustong makita. Kung dati ay pumapasok ako ng school dahil gusto ko lang mag aral ngayon ay bukod sa pag aaral ay gusto ko din siyang makita. Alam ko sa sarili ko na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya, pero kasi.....

Natigil ako sa pagiisip ng pitikin niya ang noo ko. Sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

“Bakit ba?” Inis na tanong ko sa kanya.

“Kanina mo pa ako tinititigan. Nakakadistract,” masungit kunwari na sabi niya.

“A-anong...bakit kita t-tititigan? Kapal mo ah,” sabi ko at nagiwas ng tingin.

“Sus may gusto ka na sakin noh,” pang aasar niya pa.

Sinamaan ko na naman siya ng tingin, “Asa ka.”

The Unplanned (Holy Heart High School Series #1)Where stories live. Discover now