Part-43

6 4 0
                                    

***

Hila-hila kami ni jin papasok sa sa room namin nakasunod naman ang lima na tinutukso pa rin si Axel.  Tumingin naman ako kay Louise na parang kamatis na ang mukha sa kulay.

"Kinilig ka dun noh!?" Tudyo ko dito na lalong kinamula nito, tinawanan pa ito ni Jin.

"Bakit mo ba gustong makausap si ian?. . .itatanung mo ba na kung boyfriend nya si Axel?" Tanong  ni Jin dito,mabilis naman na umiling ito saka tumingin sa akin ng deretso.

"I'm j-just want to say S-sorry!. . .S-sorry sa ginawa ng best friends ko. . .Sorry kung diko sila napigilan"Maluha-luhang wika nito.

"Bakit ka mag so-sorry?. . .wala ka naman kasalanan saka wala na yun. . .wala na rin naman akong magagawa kung magagalit pa ako o gaganti hindi na maibabalik yung nawala sa akin." sagot ko dito, hindi ko alam kung anong dahilan  kung bakit ito biglang umiyak pinagtinginan tuloy kami ng ilang mga studyanteng naruon na. 

"Tumigil ka nga!. . .mamaya sabihin pa nila inaaway ka ni ian eh!" Singhal ni jin dito, lumapit naman ang lima sa amin saka nag  tanong kung ano an nangyari?.

"Inaway mo Zoe noh?!. . ." Pang bubuska na naman ni Wyatt.

"Oo!. . .Hinampas ko sya nitong bag ko!. . .ngayun nga ihahampas ko sayo para ikaw naman ang umiyak!" singhal ni jin kay Wyatt saka hinampas ito ng bag, Mabilis naman umilag ito.

"Zoe naman hindi ka na mabiro!. . . ."sabi nito na hinahaplos ang braso na tinamaan ng hampas ni jin. Pinabayaan na lang namin sya saka tinuon na ang pansin sa umiiyak na si Louise.

"Tahan na Louise!. . ."Pananahan ni Axel sa babae saka binigyan ito ng panyo. Kinuha naman ito ni Louise saka mahinang nag pasalamat kay Axel.

"Sorry talaga ian aahh!. . .mabait naman ang best friends ko hindi ko nga alam kung bakit nangyari yun" Malungkot na sabi pa nito nginitian ko lang sya saka naupo na ako sa tabi ni Jin.

Tinatamad ako ngayung araw, kaya naman ginaya ko na lang si Jin sinubsob ko na rin ang aking mukha sa lamesa namin wala pa naman ang aming guro kaya may oras pang matulog.

"Grabe!!!. . .yung mga kaibigan ko mga puyat!!. . .aba dinaig nyu pa ang may night shift ah!" Malakas na bulalas ni Wyatt kaya naman tinaas ko ang aking ulo para tingnan ito. Kaya pala si Tyler at Lincoln katulad din namin ni Jin na nakasubsob ang ulo sa lamesa ng mga ito.

Maya-maya pa dumating na ang aming guro at inumpisahan ng mag turo, pag katapos ng klase pinaalam ng guro namin na alam na nyang aabsent ako ng isang linggo sinabi daw iyun ng Dean.

Kaya nung lunch kinukulit ako ng anim kung bakit di ako papasok, nasabi ko na lang na may aayusin ako.

"Sino nga pala sa inyu ang  free bukas?" Tanong ko sa mga ito.

"May practice kami bukas bakit? "Tanong ni Lincoln

"Ako wala!" Sigaw ni Wyatt na tinaasan ni Tyree ng kilay "Wag mo akong taasan ng kilay   Darna! . .wala akong practice diba?. . .exempted ako sabi ni couch!" Dagdag pa nito na naka pamaywang pa.

"Haha!. . .Darna!" Mahinang bulong ni Jin sa tabi ko "ako free din" Sabi pa ni Jin na tinaas pa ang kamay na malapit sa mukha ko.

"Okay!. . .samahan mo ko ha!?. . .Jin please! Need ko ng tulong " Sabi ko  sa dalawa.

"Pwede akong mag absent ian!" Sabi ni Tyree na nginitian ko naman.

"Naku! Wag na  pa-kopyahin mo na lang ako ng notes natin okay!" Ngiting tugon ko dito.

"Maghihintay kami ni Zoe dito ha!?" Excited na wika ni Wyatt.

"Sige!" Sagot ko naman saka tiningnan si Louise na tahimik na kumakain sinama na namin kasi nag iisa lang sya di pa kasi napasok sila Charlotte.

"Gusto ko sanang sumama kaso may exam daw eh! Hindi naman ako kasing talino mo" Malumanay na sabi nito sa akin.

"Ayus lang. . .Take note nyu na lang ako"  tugon ko dito saka nahiga sa upuan ang ulo ko nakapatong sa hita ni Jin, pumikit lang ako saglit pero laking gulat ko ng gisingin ako ni jin na time na, Kaya naman nag mamadaling pumasok na kami.

Makalipas pa ang mga oras. . .na sa tingin ko ay napaka boring sa wakas uwian na. Agad akong nag paalam sabi ko mag lilinis ako ng unit ko kaya kailangan ko ng umuwi.

Nag reklamo man pero wala silang nagawa kundi ang mag paalam pinaalalahanan pa ako ni Wyatt na hihintayin nila ako after lunch bukas.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon