C H A P T E R 2

12 1 1
                                    

Daydreaming - Paramore


Nag bihis lang saglit si Patrick na pam bahay. Tiningnan niya muna sarili niya sa salamin at inayos ayos ang kanyang buhok na medyo mahaba na, aabot na ito hanggang leeg.  Medyo wavy papuntang curly na ito at natatakpan kaunti ang kanyang mga mata.

Pinapahaba niya buhok niya para sa cosplays, hilig niya kasi mag cross dress minsan (babaeng characters). Mahigit 30k na ang mga followers niya sa isang sikat na social media. Syempre, suportado siya ni Kinna. Mga magulang niya, hindi naman siya pinag babawalan. 'Kung san raw siya masaya go lang.'

He's glad na sa panahon ngayon medyo katangap-tangap na yung mga straight guys na maging feminine. Meron naman medyo judgy pero hinahayaan nalang niya. Pero tinatarayan at pinapakyuhan ni Kinna kapag may nang aasar kay Patrick.

Pag dating niya sa bahay nila Kinna, sinalubong siya ng kuya ng kaibigan niya.

"Pat. Gusto mo bibingka?" Tanong ni Kuya Kellin.

"Sige po." Excited na sagot ni Patrick at lumapit agad papuntang breakfast nook.

"Kumain kalang jan ha. Mag lilinis pa ako ng kotse. I just took a break." Paliwanag ng nakakatandang binata.

"Oki." Tango lamang ni Patrick habang lumalagok ng ice tea.

Sumulpot naman si Desmond at tumango kay Patrick at hinablot ang bibingka sa plato at tumakbo upang di pagalitan ng kuya dahil di siya tumutulong mag linis ng kotse sa labas.

Naparami ng kain si Patrick at biglang napaubo siya nang makita si Kinna sa may hagdan na nakatuwalya lang, bagong ligo. At pumasok sa kwarto ng parents niya. "Weirdo naman ng bruhang yon."

Hindi pa napansin ni Kinna si Patrick dahil busy siya mag hanap ng susuotin na heels sa kwarto ng parents niya para sa 'party' ni Tina.

Dumirecho siya sa walk-in-closet at nag hanap ng 3 inched heels.

"Party. Party. Party. Hmm." Bulong pa niya habang pumipili ng susuotin na sapatos.

Habang busy si Kinna sa pipiliin niyang heels si Patrick naman na pa hilamos ng mukha at natulala sa plato.

"Bat parang may lakad yung bruhang yon?" Nag hugas siya ng kamay at winisik wisik pag ka tapos at pinunas kamay sa gilid ng shorts niya.

Dumirecho si Patrick sa 'gaming cave' (katabi lamang neto sa kwarto ni Kinna, may access rin derecho kwarto papuntang gaming cave. At from hallway direcho gaming cave na dinaanan ni Patrick.) ni Kinna at naupo sa bean bag.

Nag sscroll siya sa social media and nakita niya na may nag tag kay Kinna sa isang post.

Party later with them.
-Tina_smitten05

Kaya pala aligaga si Kinna, may party palang pupuntahan. 'Di man lang ako sinabihan. Tss, pag ako ang umaaya ayaw pag si ano. Ayyy ambot.'

Sumimangot ichura ni Patrick at binuksan ang spare pc (na siya ang gumagamit matagal na) para mag laro na hindi kasama si Kinna.

Habang kinakausap pataray ang mga random teammates, dahil 2nd round palang talo ulet sila, biglang napatili ng bahagya si Kinna kay Patrick. "Ay! Palakang ginto. Ginagawa mo Jan? Pupunta na tayo."

"Ha? Pinagsasabi mo? Di mo nga ako niyaya. Tsaka busy ako dito oh." Saad naman ni Patrick habang naiinis sa teammates.

"Talaga?" Kinamot na lamang ni Kinna ang kanyang ulo. "Sorry. Hehe." Habang may hawak hawak na itim na heels at para hindi malaglag tuwalya niya sa bewang, dahil naka baggy shirt na siya.

Lumapit siya upang tingnan bat highblood ang starfish patpat.

"Baiter tong isang to, namatay nanaman ako." Sabi ni Patrick habang nag spectate ng kasama sa laro.

Pinatong ni Kinna baba niya sa ulo ni Patrick at nag masid ng laro. "Chill. Pag uwi ko laro tayo maya. Babawi ako. Sorry ulet." Pacute na di sadya ni Kinna bigkasin.

Kinurot lamang ni Patrick pisngi ng kaibigan dahil nanggigigil siya sa kacutean neto. "Oo na. Btw, sino mag hahatid sayo?"

"Susunduin daw kame ni Tina. Ako, si Nadia, Yvonne, Shine, and Luke; jowa ni Shine. Oo nga pala, kung gusto mo sumama go ra daw." Bilang ni Kinna sa daliri.

"Well, ingat. Text lang kung may emergency or what. Matanda kana alam mo na yan, duh! And I'm not going." Pag iinarte ni Patrick dahil naiinis na siya sumama. Pero nag dadalawang isip si Patrick.

"Ha? Ayaw mo sumama? Kala koba nangangati ka mag party. Dami chix dun. Hanap tayo, respectfully. Hehe." Tinaas taas pa ni Kinna mga kilay niya. Habang hawak parin ang heels.

"Ganyan lang suot mo, Nana? Pang bahay payan ah. Dapat bongga ka doon." Tanong ni Patrick, pang aasar niya.

"Di ah. Andun sa kama yung susuotin ko mamaya. Also, andito ka naman tulungan moko mag make up, mas expert kana sakin. Besides, mamaya pa naman kame susunduin. Tapusin mo muna yan jan." Kinna explained.

"Ok." Tipid na sagot ni Patrick at ginagawa ang lahat para ma talo ang kalaban.

"Nako, tampororot kapa. Di bagay sayo." Dumirecho na si Kinna sa vanity sa gilid ng walk-in-closet niya gilid ng kama nya, umupo at kumuha ng blow drier.

💨💨💨

Habang nag papatuyo ng buhok, nag dadalawang isip siya kung pupunta pa ba, bigla siya kinabahan. "Pambihira, ngayon pa talaga ako susumpungin ng sakit ng ulo?"

Di napansin ni Kinna ang oras dahil tinatawag siya ni Patrick kung dito na siya mag didinner or what.

"Earth to Nana." Tapik ni Patrick sa balikat niya.

"Ha? Sorry, I haven't been paying attention." Mahinang sagot ni Kinna.

"Sabi ko, gusto mo dito mag dinner? Your brothers had some Chinese takeouts." Lumapit si Patrick at sinuklayan buhok ni Kinna. "Ok ka lang? Bat naka shorts and shirt ka pa rin?"

"May fried rice pa ba?" Tanong ni Kinna habang naka pikit. She likes it when someone is brushing her hair.

"Yep. May siomai rin akong tinira for you."

"Oh. Don't worry I'm good." Biglang defensive na sagot ni Kinna.

"Sure." Tumango na lamang si Patrick at inalok ang kamay niya. "Tara, kain."

Binaba ni Patrick yung brush at tapos na niya inayos buhok ni Kinna. Space buns na may konting spikes sa dulo at na e emphasize bangs ni Kinna.

"There you go. You look cute, bessywap." Ayos pa ni Patrick sa buhok ng kaibigan.

Naka tulala lang si Nana kay Patrick.

"Uh, what's wrong with my face?" Tanong ni Patrick.

"Nothing." Nag blink ng mabilis si Kinna. Nang biglang nag vibrate phone nya. Si Tina.

Biglang hinalikan ni Kinna ang mukha ni Patrick habang nag mamadali sa pag kuha ng mga gamit palagay sa fanny pack niya.

"Bish, gotta go. Sunod ka if you want. I'll wait you there." Paalam niya kay best friend.

"Okay." Napatango nalang si Patrick. Sumilip siya sa bintana at nakita ni yang nag mamadali sumakay si Nana sa kulay puti na kotse.

"Babaeng yun, aatakihin ako sa puso." Napahawak siya sa dib dib niya tapos sa pisngi nya.

~
A/n: Sup! It's been awhile. May nag babasa paba neto? HAHAHAHA. Comment kayo if meron. Mwaa. Any suggestions? Violent reactions? charrrr Miss you you all.

DEAD ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon