Smells Like Teen Spirits - Nirvana
Isa sa mga favorite spot ni Kinna Herrera ang Avalone Records and Book Store dahil pwede sya tumambay dun kahit anong oras nya gusto. It was his bestfriend's Mum. Si tita Pachi o mas kilala sa lugar bilang The one and only madam P.Andon siya upang mag palipas ng oras dahil maaga natapos ang klase niya. Malapit lang naman ang store sa school, kaya perfect spot iyon tuwing free time.
"Yo, Nana. Here's your juice." Bungad ni Patrick, best friend niya anak ng may ari.
"Wassup, starfish." Pang aasar niya sa kaibigan. Panigurado hindi nanaman palalagpasin ni Patrick na asarin pabalik si Kinna.
Tinaas lamang niya ang kanyang mga kilay at dahan dahan ininom ang juice sa box para hindi matapunan yung mga gamit niya na nasa lamesa.
"San tayo mamaya?" Tanong ni Patrick dahil nangangati siyang gumala. "Party?" Sunod pa niya.
"Ugh. Yoko sabi, maingay don." Tinaas ulit ni Kinna ang kanyang mga kilay.
"Laro nalang tayo video games." Bawi pa ni Kinna.
"Nanaman? Hindi kaba nag sasawa mag pataas ng rank at manlampaso ng kalaban? Ayyyyshh." Tumabi na si Patrick sa malambot na upuan kung san nakaupo si Kinna.
"Please. Papunta naakong Platinum. And I need my best duo." Pagmamakaawa ni Kinna na natatawa ng konti.
"M'kay. Okay. Alam na alam mo talaga na hindi kita kayang tiisin hinayupak ka." Pinisil ni Patrick mukha ni Kinna.
"Ow!"
Binuklat ni Patrick yung art journal ni Kinna. Si Patrick lang ang pwede tumingin non, kahit mama o kapatid niya di pwede sumilip.
"Naks naman. Kelan mo ba ipopost mga to?" Tanong ni Patrick habang inisa isa niya ang mga pahina, habang iniiwasan mag smudge o madumihan yung mga sketches. Meron rin ibang medium tulad ng watercolor at mga papel na pinag gupit gupit para ipag dikit, upang maka gawa ng mood page. Depende iyon sa mood ni Kinna kung ano gusto niya iguhit o gawin sa journal kaya espesyal ang mga journal niya.
"Nah." Sagot ni Kinna habang nag checheck ng phone.
Napag desisyonan nila na umalis na sa store at nag paalam kay madam P.
"Ma, alis na po kame." Saad ni Patrick at nag beso sa kanyang ina.
Lumapit rin si Kinna at nakipag beso. "Babye, Tita."
"Ingat kayo, dear." Kaway pa ni Madam P. At tumuloy siya makipag kwentuhan sa mga customers.
Kumaway nalang ang dalawa at pumunta sa parking lot.
"Ikaw na mag drive." Bungad ni Kinna kay Patrick.
"Ako naman talaga nag dadrive neto pag mag kasama tayo." Tumaas pa kilay ni Patrick.
"Duh. Buti alam mo." Tumaas rin kilay ni Kinna, habang inaasar si Patrick at binigay ang susi.
"Malditang palaka." Bulong ni Patrick.
"Hoy. Nairinig ko yun ungas." Hinampas pa ni Kinna ang kaibigan.
"Bruh. Don't touch me. I'm untouchable." Pag iinarte ni Patrick.
"Untouchable my ass." Hampas pa ulet ni Kinna habang tumatawa at niyakap si Patrick para di makawala.
"Ano? Di pa tayo aalis? Andami na nakatingin. Baka akalain mag jowa tayo." Sabi ni Patrick.
Wala naman talaga siyang pake sa sasabihin o iisipin ng iba. Nag paparinig lang siya sa manhid niyang "best friend". Sa katunayan, gustong gusto niya niyayakap siya ni Kinna.
BINABASA MO ANG
DEAD END
Romance(TAGALOG) Paano nga ba aaminin ni Patrick na matagal na niyang gusto si Kinna na kababata niya? She's indecisive, neutral and doesn't give a shit sometimes. Pero ini-spoil mga friends and mga nagugustuhan niya. His eyes are only fixated to his chil...