NANGINGINIG ang katawan ko habang nag lalakad.
Unang pasokan.
Pilit kong hindi pinapahalata ang kabang nararamdaman ko. Binuksan ko ang pinto ng classroom namin.
Magsasaya na sana ako dahil wala pang tao sa loob ng masilayan ko ang lalaking nakatunganga lang sa kawalan.
Nasa bandang kaliwa ito kaya doon ako umupo sa kanan. Umayos ako ng upo at nilabas ang libro ko.
Habang nag babasa. alam kong nakatitig siya saakin. naiilang man pinilit ko pa ding hindi siya pansinin.
' J.L Larson?' alam kong ako ang kinakausap niya dahil bukod sa paboritong author ko si larson ako lang ang tao dito sa classroom.
'a-ah oo' nahihiya kong sagot sabay balik ng tingin sa libro. Pilit kong magbasa ulit ngunit hindi ko na magawa.
naramdaman kong tumayo siya. at naglakad patungo sa tabing upoan ko.
'kailan ka nagsimulang mag basa ng libro ni larson?' naka upo na siya ngayon sa tabi kong upoan.
'matagal na' hindi ako lumingun sa kanya.
Bumuntong hininga siya. 'bago kalang dito diba?' sabay sabi niya.
Binitawan ko ang paghawak sa librong hinahawakan ko at tinignan siya.
diko inasahang napaka gwapo niyang lalaki. agad akong napalingun sa ibang direksyon. may naramdaman akong kakaiba sa tyan ko. hindi bolate kundi .... kilig? Tika kilig?-
'hoy! Hahaha' bumalik ako sa katinuan ng magsalita ulit siya.
'a-ano?' nabubulol kong sabi. Litshogas naman oh. Nakakahiya!.
'ang sabi ko bago ka lang ba dito hahaha' hindi ko alam kong ako ba ang pinagtatawanan niya o potik ako nga lang pala tao dito edi ako talaga pinagtatawanan niya! Bakit ang lutang ko ngayon?
'oo hahah halata ba?' tumawa ako ng peke.
'halatang halata hahaha' sabay tawa niya. ' therence nga pala' inabot niya ang kamay niya.
Agad ko itong tinanggap. 'd-david'
'parang takot na takot ka saakin ah' sabay tawa niya. 'wag kang mag alala tol kahit mukhang basagulero tong mukhang to' itinuro niya mukha niya. 'mabait ako pangako'
'pasinsya na hindi lang ako sanay.. mukha ka kasing nangangagat' biro ko sa kanya.
Nagtawanan kaming dalawa hanggang sa may dumating na na istudyante.'Goodmorning' bati saamin ng babaeng kakadating pa lang.
'good morning din' balik na bati ni rence.
'Taga saan ka nga pala dave?' tanong niya bigla.
'dave?' ulit ko. Siraulo iniba pa pangalan ko.
'haba kasi ng david eh kaya dave nalang' sabay ngiti.
'just call me vid'
'vid? Pangit!' saba tawa niya.
'abay tarantado ka ah' sabay batok ko sa kanya.
'Sge vid na vid! Okay na tayo?' sarkastiko niyang sabi sabay pigil ng tawa.
'ikaw ba tt taga saan ka?' pag ganti ko sa kanya.
'gago anong tt?'
'tt meaning non therence!' sabay tawa ko.
'pangit naman non''okay lang yan pre mukha ka namang bolbol eh' agad akong tumayo at tumakbo.
'tanginamo hahahaha' sigaw ni tt at hinabol ako.
Nagpalibot libot lang kami sa classroom hanggang sa napagod.