Friends pa rin ang status ng magka-loveteam na James Reid and Nadine Lustre.
Maligaya na sila sa set up nila ngayon ayon sa magka-loveteam. Besides, nasa trabaho raw ang concentration nila.
"We've said it before na talagang friends lang kami. And we're both focused on our career, on our work, and we're happy to just being friends," pahayag ni James sa presscon ng pelikulang Para sa Hopeless Romantic, ang third movie team up ng JaDine.
This time, kasama nila ang bagong loveteam na sina Julia Barretto and Iñigo Pascual.
Maging si Nadine ay ganun din ang dialogue tungkol sa set up nila ng aktor na pareho na ngayon in demand na endorser.
Feeling ni Nadine sa ngayon hindi naman kailangang maging sila.
"But there's chemistry between us and we don't know where it's coming from. Like whenever people ask us kung bakit nagwo-work ang JaDine and kung saan nanggagaling ang chemistry, we keep saying na hindi namin alam kung saan.
"I don't know, maybe natural," sabi ni Nadine na kahit siya ay gulat sa acceptance ng fans sa kanilang loveteam. In fact, kahit sa May 13 pa ang showing ng pelikula nila nagte-trending na ito sa Twitter.
Pero ngayon, close sila at pareho silang nagkukumpisalan sa isa't isa sa mga problema nila.
Say ni Nadine, si James na ang pinaka-closest guy friend niya. Si James naman ay ganun din.
"She always gives me love advice and she always listens to me. She's really a good friend," pahayag ni James.
BINABASA MO ANG
Facts About JaDine, KathNiel and NLex
Teen FictionFacts About Nadine Lustre & James Reid, Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, Alexa Ilacad and Nash Aguas. Enjoy Reading Guys. All Rights Reserved 2015 by AnakNgManhid