Chapter 2.10

333 49 4
                                    


Napabuntong-hininga na lamang ang batang si Li Xiaolong ng malalim matapos niyang makabalik sa loob ng manor na tinutuluyan niya.

Hindi kasi siya tinigilan ng magkambal na si Pollux at Adhara sa pangungulit at pang-uusisa sa kaniya na talaga namang labis niyang ikinairita.

Masyadong madaldal ang magkambal na ito at hindi talaga niya pwedeng sabihin ang mga pribadong bagay sa mga ito.

Pero pasalamat parin siya at marami siyang nalamang impormasyong patungkol kay Lady Meifen lalo na at nalaman niya sa mga ito na isang malakas at kinatatakutang eksperto ang nasabing matandang ginang.

Marami ang nakakakilala rito noon pa man at naging tanyag din ang pangalan nito sa buong Dou City sa nangyaring kaguluhan noon. Matapang ito at walang inaatrasang mga bagay-bagay. Ngunit ang mas nakakakapagtaka lamang ay bigla na lamang raw itong nawala sa kinaroroonan nitong posisyon noon at nabalitaan na lamang na namalagi na raw ito ng permanente sa loob ng  maliit na bayang iyon.

Yun nga lang ay wala siyang alam kung paanong nagtamo si Lady Meifen ng malubhang pinsala at mukhang hindi ito ordinaryong sugat o internal injuries lamang dahil hindi ito gumagaling at mas lalong nagiging sagabal lamang ito sa kasalukuyang cultivation ni Lady Meifen.

Wari niya ay ang kalaban ni Lady Meifen na siyang naglagay ng marka sa loob ng dantian nito ay isang malakas na inscriptionists lalo na at mukhang eksperto ito sa pag-iwan ng markang tila buhay at patuloy na namamahay sa loob ng katawan ng nasabing ginang.

Malaki ang pinsalang dulot ng naiwang markang iyon lalo na at mukhang hindi magiging madali ang pagpapawalang-bisa o pagpapawala nito sa loob ng katawan ng ginang.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Li Xiaolong na interesado siyang malaman ang nasabing markang iyon ngunit hindi niya kailanman gugustuhin mang gayahin ang nasabing ekspertong naglagay nito kay Lady Meifen dahil isang aggressive move ito at pinag-isipang mabuti.

Alam ni Li Xiaolong na masyado pang mababa ang lebel ng cultivation niya at kakayahang meron siya para magawa ang mga bagay na katulad nito. Ramdam ni Li Xiaolong na hindi basta-bastang indibidwal ito at mukhang may lihim na sikretong tinatago si Lady Meifen dahil sa mga kilos nito.

Delikado ang nasabing inscriptionists na iyon lalo na at nagawa nitong mag-iwan ng marka sa loob ng katawan ng isang nilalang.

Magkagayon pa man ay masasabi ni Li Xiaolong na binigyan siya ng ideya kung paano niya gustong paghusayan pa ang pagiging inscriptionists niya na maaaring makatulong sa kaniya sa hinaharap lalo na sa mga kaaway niyang maaari din siyang pagbantaan o ilagay sa bingit ng kamatayan. Who knows, maaaring makatagpo siya ng kaaway na malalakas and he is no way to escape them. Mas mabuti ng handa kaysa maging talunan o bawian ng buhay sa kamay ng mga kaaway niya.

...

Makalipas ang ilang mga araw at dumating na nga ang itinakdang araw upang magsimula ang pasukan sa loob ng Cosmic Dragon Institute. Makikitang tanging si Li Xiaolong lamang ang nagcucultivate sa mga oras na ito habang mayroong dalawang nilalang na nasa hindi kalayuan mula sa pwesto niya.

Wooh!

Mabilis na natapos ang pagcucultivate ni Li Xiaolong habang tahimik lamang na nakatingin sa kaniya si Pollux habang si Adhara naman ay namumula sa sobrang inis.

"Oh, nandito pala kayo Pollux at Adhara? Ano ba sadya niyo sa umagang ito?!" Nagtatakang wika ni Li Xiaolong habang nakatingin sa magkambal na ilang metro lamang ang agwat mula sa kaniyang kinaroroonan.

Mabilis siyang tumayo at pinagpag ang kaniyang sariling roba upang ayusin ito.

"At may gana ka pang magtanong Xiaolong? Ano'ng oras na ho, nakalimutan mo atang pasukan na ngayong araw." Inis na sambit ni Adhara na mukhang hindi maipinta ang mukha nito.

"Tama ang aking kapatid Xiaolong, mabuting igayak mo na ang sarili mo dahil malapit ng magsimula ang unang araw ng pagbubukas ng ating paaralan."

Napakamot na lamang sa kaniyang batok si Li Xiaolong sa narinig niyang sinabi ng magkambal na mahahalatang concern lamang ang mga ito.

"Pasensya na, nakalimutan ko lamang ang takbo ng mga araw. Hindi ko aakalaing pasukan na pala ngayon." Hinging paumanhin ni Li Xiaolong sa magkambal. Masyado ata siyang nakatuon sa pagcucultivate at pag-eensayo kaya nakalimutan niya ang importanteng araw ngayon.

"O siya, gumayak ka na Xiaolong at magkita na lamang tayo kung libreng oras. May inaasikaso kasi kami ni Pollux at magiging abala kami for the time being." Seryosong saad ni Adhara upang ipaalalang hindi sila maaaring maistorbo sa mga oras na ito at di sila makakabisita ng anumang oras kay Li Xiaolong.

"Ah ganon ba? Sige-sige. Kung gayon ay masyado pala akong nakakaabala." Nahihiyang sambit ni Li Xiaolong habang kitang-kita ang awkwardness sa mukha nito.

"Hindi naman sa ganon, talagang isa sa mga gawain namin ngayon ay ang i-inform ang mga estudyanteng baguhan pa lamang kaya no need to worry about it." Sambit ni Adhara na makikitang gusto lamang nitong gawin ang bagay na naaayon sa kagustuhan ng paaralan.

"Sige Xiaolong, mauna na kami ng kakambal ko hehe." Nakangiting wika ni Pollux at makikitang gusto na nitong umalis na rin.

Tumango na lamang ang batang si Li Xiaolong at pagkuwa'y nakita lamang niya ang papalayong pigura ng magkambal. Masasabi niyang mabuti talaga ang magkambal na sina Pollux at Adhara and he didn't feel sad about it. Tunay ngang dapat tularan ang mga ito. Hindi lamang sila malakas kundi responsable din sa iniatang na tungkulin sa kanila sa mura nilang edad.

...

Naglalakad pa lamang si Li Xiaolong patungo sa direksyong tinatahak niya kung saan ang mismong silid niya ngunit maraming mga batang martial artists lalo na ang matatagal na atang estudyante ang tila masama ang mga tinging ipinupukol sa kaniyang gawi.

Hindi niya alam ngunit batid niyang ayaw ng mga ito sa kaniya at kung makatitig ay parang nakakamatay at parang gusto siyang tirisin ng buhay. Ganon na ganon ang datingan sa kaniya ng mga nilalang na tila ba hindi siya iwini-welcome ng mga ito bagkus ay gusto ata ng mga ito ng gulo kasama niya.

Kahit ano'ng iwas ng batang si Li Xiaolong na hindi pakinggan ang mga sinasabi ng mga ito ngunit tila ba lapitin siya ng gulo simula sa araw na ito.

"Diba siya si Little Devil? Ang nangunguna sa ranking? Himala at pumasok pa ang walang kwentang nilalang na iyan!"

"Palibhasa dukha at hindi alam ang oportunidad na ibinibigay ng Cosmic Dragon Institute sa kaniya. Mas gugustuhin atang bumalik sa lusak kasama ang mahina nitong angkan!"

"Sinwerte lang siguro ang maralitang iyan kaya nanguna sa kabuuang rankings. Isa pa ay hindi pa rin ako kumbinsido sa kakayahan nito!"

"Porket malapit ito at malakas ang kapit nito sa Huang Clan ay magpi-feeling hari na siya rito. Hindi mangyayari iyon!"

Ito ang naririnig ng batang si Li Xiaolong sa mga agresibong bibig ng mga estudyanteng tila ba pinupuntirya ang presensya niya sa lugar na ito. Ni wala man lang takot ang mga ito sa maaari niyang gawin sa mga ito.

Napakuyom na lamamg ng kamao ang batang si Li Xiaolong dahil sa mga narinig niyang tila kabaliktaran ng pagiging mabuti niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 7] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon