part 2

106 1 0
                                    

Umuwi sila gaya ng sabi ng lolo ni luis at pumasok sa bahay at biglang umingay ang tyan ni luis sa gutom nung na amoy nya ang luto ng kaniyang lola. Tumawa ang kaniyang lolo dahil sa narinig nito
Lolo; mahal ko bilisan mo na dyan at nagugutom na yung apo natin.
Luis; la parang ang sarap ng ulam natin uh, pati yung tyan ko hindi na makapaghintay tikman yung luto mo hahaha(pabirong sabi nito)
Lola: (natuwa naman ang matanda) sandali nalang ito apo.
at kumain na nga silang tatlo sarap na sarap si luis sa luto ng kaniyang lola, habang sila'y kumakain ay narining nilang umiingay ang mga manok at ang kambing, nagtaka si luis, tatayu na sana sya para puntahan ang mga alagang hayop ng kanyang lolo, ng bigla syang pinigilin ng kaniyang lola.
Lola; hayaan mo na
Luis; eh la baka ninanakaw ang mga alaga ni lolo, titingnan ko lang po, kong ayus lang ba sila
Lola; apo walang magnanakaw dito, siguro mga lobo iyan dahil sila yung umubos ng mga kambing naming noon,
Luis; hahayaan nalang natin na ubusin ang mga alagang hayop? Hindi po yan makatarungan dapat alam ng mga lobo kong san sila lulugar(galit na sabi)
At tumayo si luis at kinuha ang nakitang patalim sa kusina at nagtungo siya sa bakuran para tingnan kong mga lobo nga ang may gawa ng pag iingay ng mga manok at kambing, nang malapit na si luis sa bakuran ay narinig nya ang isang kambing na parang bang nagmamakawa ng silipin nya ito, nanlaki ang mga mata ni luis ng Makita nya ang itim na lobo na kasing laki ng bus, habang minumukbang ng lobo ang kambing ay nakita nya si luis sa gilid bahay kubo ng mga manok, nanginig sa takot si luis ng Makita nyang papalapit sa kanya ang lobo, paatras ang lakad ni luis at paabanti naman ang lobo, habang palikod na lumalakad si luis ay natumba ito at umupo sa putik, hindi na kayang gumalaw ni luis sa sobrang takot at pumikit nalamang ito dahil papalapit sa kanya ang lobo. Palapit ng palit ang lobo sa kinauupuan ni luis at tinitigan ng lobo ang mukha ni luis, habang nakatingin ang lobo sa mukha ni luis ay dahan dahan si luis dumilat at pagbukas ng mga mata ni luis ay nagkatitigan silang dalawa (eye to eye) Nakita ni luis kong gaano ka ganda ang mga mata ng lobo Nawala ang kaba sa kanyang dibdib nung nagharap ang kanilang mga mata at biglang sumigaw ang lola ni luis nung nakita nyang si luis ay nasaputikan at ang lobo ay nasa harapan ni luis,
Lola: wag (sigaw nito)
Tumalikod si luis para sabihin sa kaniyang lola na ayus lang sya at pagbalik nya ng tingin sa kaniyang harapan ay mabilis na umalis ang lobo, at mabilis ding lumabas ng bahay ang kaniyang lolo na may dalang pamalo,
lolo; luis kinagat kaba? Ayus ka lang ba? Luis sumagat ka(pag aalalang sabi)
Luis; ah ah yos lang po ako (putol putol nyang sagot)
Lolo; Mabuti naman ay hindi ka kinagat ng lobo na iyun, kung may mangyari sayu hindi naming alam kong ano ang isasagot sa mga magulang mo.
Luis, ok lng po ako
lolo; halikana at pumasok na tayo sa bahay at baka bumalik siya at kainin kana
At pagpasok nilang dalawa sa bahay ay pinagalitan sya ng kaniyang lola

ang boyfriend kong loboWhere stories live. Discover now