CHAPTER 5: Archer's plan

40 2 6
                                    

KAI'S POV

KAI'S POV

"Yawnnnnnn" grabe inaantok pa ako, hindi kasi ako nakatulog ng maaga nanood pa Kasi ako ng K-drama buti na nga lang hindi ako nahuli ni lola, dahil paniguradong pingut ang aabutin ko nun.

Papasok na sana ako sa classroom ng biglang......




"Putik! Sino may gawa nito?!" Sigaw ko, paano ba naman eh binuhusan ako ng tubig take note may mga maliliit na yelo pa pero sobrang dami, kaya napakalamig.

Bwisit, Si Kailina Xia Martinez na paligo sa tubig part two ba ito?!

"Ay! Sorry akala ko kasi walang tao eh" Saad nung isang lalaki na may hawak na balde, siya ata yung nagbuhos sa akin ng tubig.

Nakangisi pa siya eh halata namang inaasar lang ako neto.

"Ayos lang, alam ko naman na hindi mo SINASADYA." Sarkastikong saad ko.

Tumingin ako sa iba naming kaklase at lahat sila nakatingin sa akin habang nagpipigil ng tawa, maliban kay Tonton at Nath na nakatingin sa akin at halatang nagaalala tsaka yung lalaki na umawat sa amin ni Unggoy nung first day ko dito ay nakatingin lang sa akin na walang expresyon.

Tumingin naman ako kay Unggoy na ngising asong nakatingin sa akin sabay kibit balikat.

Alam ko naman na siya ang nagutos na gawin yun tsk! Tarantadong Unggoy talaga siya!.

Umirap ako sa kaniya bago umalis para pumunta sa CR at nang-makapagpalit na ng damit buti nalang may extra t-shirt at pants ako tsaka alam niyo na yung....panloob.

Hindi nabasa ang mga gamit ko sa bag kasi water proof ang bag na ginagamit ko.

Pumasok ako sa isang cubicle tsaka nagsimulang magbihis.

*****************

TONTON'S POV

Nakatingin lang ako kay Kai habang naglalakad siya paalis naawa ako sa itsura niya dahil basang-basa siya.

hayysss nagsisimula palang si Boss Archer sa plano niya at sigurado akong may mas-malala pa siyang gagawin.

( FLASHBACK....... )

Kanina pa kami nagaasaran ni George isa sa mga kaklase ko, pero hindi pa din dumadating si Boss Archer.

Nandito kami ngayon ng buong Section Sky sa hideout maliban kay Kailina dahil hindi niya naman alam ang lugar na ito.

Eleven lang kaming magkakaklase pero dumating si Kailina sa Section namin kaya Twelve na kaming lahat.

Nagtataka ba kayo kung bakit ang unti namin? Well itanong niyo nalang kay author hehe

Author bilis sabihin mo na.

(A/N: ikaw na tinatamad ako)

Tsk! tamad mo talaga author!

O siya! Ako na nga!

Eleven lang kami kasi eleven lang kaming magbabarkada ngayon, kasi noon ay Twelve talaga kami kasi kasama si....oops bawal sabihin pangalan niya kasi bad yun.

Gusto naman ni Boss Archer na may sarili kaming section kaya nagkaroon ng section sky sa school namin dahil hiniling iyun ni boss kay Dean a.k.a tatay niya.

Twelve kami tapos naging thirteen kasi dumating si Lovely.

Cassiopeia Lovely Thompson.

Ganda ng pangalan pero manloloko naman kaya wag magpapalinlang kahit maganda pangalan niyan at maganda ang mukha masama pa din ang ugali niya kasing sama ng nabubulok na basura kaya mabaho... parang siya hehe.

"Ayan na si Boss!" Tumingin ako sa pinto at nakita ko si Boss Archer na may kausap sa phone, tumatango pa siya bago patayin ang tawag tsaka dumeretso sa pwesto niya kaya't lahat kami ay napaayos na ng upo.

"Were here to talk about that girl, Kailina Xia Martinez" Panimula niya.

"Because we are gonna kick her out of our section, i already know that dad is not gonna chage his mind and kuya ori can't do anything about it so tayong lahat ang may gagawin para mapaalis siya" Hindi na ako nagtaka kung bakit gagawin niya ito dahil alam naman namin ang dahilan at ang nangyari noon.

Pinagpatuloy niya pa ang pagsasalita at sinabi niya lahat ng mga gagawin namin para sa pagpapaalis kay Kailina.

Ayokong gawin itong pinapagawa niya ayokong magalit si Kai sa akin dahil kaibigan na ang turing ko sa kaniya tsaka napakagaan ng loob ko sa kaniya na para bang konektado ang aming buhay at ayokong pahirapan siya.

Kung pumalpak ang planong araw-araw na may ihahandang prank ay may mas malala si Boss Archer na gagawin at yun ang pagtatangka sa buhay niya at sa pamilya niya.

( END OF FLASHBACK.... )

"Nath ayoko sa ginagawa nila kay Kai" Saad ko.

"Me neither but what can we do.... si Archer ang nagutos" Kahit playboy to si Tatay Nath ay mabait naman ito.

"Sundan na natin" Tumango ako sa kaniyang sinabi bago tumayo at sinundan si Kai.

*****************

KAI'S POV

Tapos na ako mag-bihis kaya't inayos ko na ang mga gamit ko bago napagpasyahang bumalik sa classroom.

Lumabas na ako ng CR at bumungad sa akin ang dalawa kong kaklase.

Si Nath at Tonton.

"Oh ano ginagawa niyo dito? sinundan niyo ako?" Tanong ko.

"Ayos kalang? / Are you okay?" Sabay nilang tanong.

"Oo ayos lang ako, buti nga nagdala ako ng extra damit eh."

"Sorry hindi ka namin natulungan" Ngumiti ako kay Tonton bago mag-salita.

"Ayos lang" Saad ko.

"Let's go to the clinic." Wika ni Nath.

"Bakit?"

"May sugat ka sa braso oh, gawa ata yan nung nilagay nilang yelo." Napatingin ako sa braso ko ng sinabi niya iyon at meron nga itong sugat ngunit maliit lang.

"It's just a scratch Nath"

"Oo nga naman Tatay Nath gasgas lang yan , wag kana masyadong mag-alala at nagiging inglesyera natong si Kai baka dumugo pa yung nose ko!" Natawa nalang kami ni Nath sa sinabi ni Tonton.

"Tara na nga baka nandun na si Sir Ori mapagalitan pa tayo." Tumango silang dalawa, nagsimula na silang maglakad pero hindi ako sumunod kaya napalingon sila sa akin.

"Kai? Tara na" Saad ni Nath.

Nginisian ko sila bago naglakad papunta sa kanilang pwesto sabay takbo.

"KAILINAAAAA HINTAYIN MO KAMIIIIII" Sigaw ni Tonton pero patuloy lang ako sa pagtakbo.

HAHAHAHHA nakakatuwa talaga pag sila ang kasama ko.

************

TBC.......

Sorry po ngayon lang ang update nagaadvance studying po kasi ako hehe.

A/N:

Hope you enjoy it!

Sorry for the wrong grammar and typos because this is not edited.

Please Vote and leave a comment






You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only Cloud in Section SkyWhere stories live. Discover now