CHAPTER 4: Lovely

32 2 4
                                    

KAI'S POV

Nakahiga ako ngayon sa aking kama 6:30 na ng umaga pero hindi pa ako nabangon para mag-ayos ng sarili. Naiinis pa din ako sa nangyari kahapon lalo na dun kay Ivy a.k.a Slendrina.

Slendrina ang tawag ko sa kaniya dahil may pagkakahawig siya doon ang pinag-kaiba lang ay ang mukha nitong si Ivy ang kapal kasi ng make-up niya.

"Apo bangon na! Mag-ayos kana diyan at may pasok ka pa! Nandito na din si Tansyo at ihahatid ka daw sa paaralan mo!" Sigaw ni lola kaya't bumangon na ako at tumungo sa banyo para maligo.

**************

"Kumain ka ng madami Xia Apo para may enerhiya ka." Saad ni Lola at tumango lang ako, lumingon pa ako sa katabi ko na si Mang Tansyo na todo tingin kay Lola habang nakangiti.

"Tansyo kumain kana diyan at wag mo akong titigan." Sabi ni Lola. Napatawa naman ako ng mahina ng biglang bumusangot si Mang Tansyo.

**************

Natapos ang aming umagahan ng matiwasay, Hindi lang maiwasan na maging masungit si Lola sa tuwing natutulala ulit si Mang Tansyo sa kaniya. Haystt playing hard to get pa kasi ang Lola niyo..ay Lola ko pala hehe.

"Dito na ho ako la."

"Sige magiingat ka ha" Nakangiting sabi nito sa akin, Napalingon naman siya kay Mang Tansyo kaya bumusangot ulit. "Ikaw Tansyo dahan-dahan lang sa pagmamaneho." Saad nito bago bumalik sa bahay.

"Sungit talaga ng Lola mo Xia." Kamot batok na sabi ni Mang Tansyo.

"Hindi na ho kayo nasanay Kay Lola Mang Tansyo eh lagi naman masungit yun sayo....lang" Sinadya kong hinaan ang pagkakasabi ng huling salita dahil baka malungkot si Mang Tansyo hehe totoo naman kasing kay Mang Tansyo lang siya masungit, love life nga naman ng matatanda oh tsk.

"Pasalamat nalang ang Lola mo dahil mahal ko siya kaya, kayang-kaya kong tiisin ang pagiging masungit niya." Nakangiting saad nito at ang masasabi ko lang ay..........

Cringe.......

"Tara na nga po Mang Tansyo at baka ma late po ako." Sabi habang nakatingin sa aking relo.

"Ay oo nga pala, sige tara-tara."

*****************

"GOOD MORNING KAILINAAAAA!!!" Sigaw ni Tonton.

"Ang ingay mo Ton alam mo yun?" Ngumiti lang ito sa akin kaya't umupo na ako sa aking upuan.

"Uhmm Kai" Tawag ni Nath sa pangalan ko kaya nilingon ko siya.

"I'm sorry about what happened yesterday." He said but I just nodded. Pak! inglis yun mga pare inglis.

"Ayos lang hindi mo naman kasalan, si Ivy ang may kasalan nun Kasi siya yung nangbuhos ng tubig." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.

"Pero ako ang dahilan kung bakit." Mahinang saad niya pero narinig ko pa din.

"Basta hindi mo kasalanan kaya wag ka nang malungkot diyan."

"You are really different, hindi ka katulad ng naunang babae dito dahil kung sa kaniya nangyari yun panigurado ako na sisigawan pa ako nun at Hindi papansinin for weeks." Naunang babae? So Hindi pala ako ang kauna-unahang babaeng nakapasok dito?.

"Madami na bang ibang babae na nakapasok dito noon maliban sa akin?" Tanong ko.

"Nope iisa lang, siya ang kauna-unahang babae na inilagay ni Dean dito."

"Pwede mo ba ikwento kung bakit wala na siya dito?." Tanong ko ulit at tumango naman siya.

"We were so happy that day kasi finally magkakababae na sa Section Sky we treat her as our princess kasi nagiisang babae nga lang siya, ayaw namin ng may nananakit sa kaniya at ayaw namin ng magagalit siya sa amin kasi grabe magalit yun, gusto niya siya lagi ang kinakampihan kahit siya ang may kasalanan but wala kaming magagawa kasi kahit ayaw namin siyang kampihan dahil Mali siya sa ginagawa niya ay kailangan pa rin because she was Archer's girlfriend nagkagusto Kasi si Archer sa kaniya then he confessed first and Lovely confessed too." Lovely? I think I heard that name before.

"Everything's get out of control when Archer found out that Lovely was cheating on him at ang mas Malala ay sa bestfriend niya pa which is Section Thunder's Classroom President slash Section Sky's EX Vice president." Grabe may cheating palang nangyari sa buhay ni Unggoy aaminin ko naawa ako sa kaniya pero slight lang.

"Laging pumapasok si Archer sa school na panay sugat at pasa ang mukha minsan bali pa ang kamay at nalaman din namin na lagi siyang nag-iinom kaya napapaaway."

"Eh ano ng nangyari?"

"Na-ospital siya once alalang-alala ang buong Section Sky nun kaya naisip namin na alisin Yung bestfriend niya at si Lovely sa Section namin na Section mo na din." Pagpapatuloy niya pa sa pagkwekwento.

"Ginawa namin yun para maka-move-on na siya at nangyari naman pero may pagbabago he became cold minsan nalang niya kami kausapin maliban kay Hades na bago niyang bestfriend but then you came ang cold na si Archer ay naging hot tempered HAHAHA." Tumawa siya ng bahagya kaya napatawa na din ako.

"Pero teka bago niyo paalisin Yung si Lovely at si.... Anong pangalan nun?." I asked.

"Wag mo na tanungin pangalan ng gagong yun baka marinig pa ni Archer, magwawala yun." Saad niya ako naman ay napangiwi.

"So bago niyo paalisin yung dalawa may ginawa si Unggoy sa kanila?" Tanong ko ulit hehe.

"Unggoy? HAHAHAHHAAH" Ay happy si Nath grabe.

"Sorry HAHA natawa lang ako sa sinabi mo." Natatawang saad niya pa din.

"Ganito na nga, nung malaman yun ni Archer ay sinugod niya ang dalawa at saktong magkasama sila sa bahay ni Lovely, bubugbugin na sana ni Archer Yung Ex Bestfriend niya pero may mga Kasama pala Yung gagong yun kaya si Archer ang napuruhan." Napatango nalang ako ng sabihin niya iyon.

"So yung dalawa ay nasa Section Thunder na sila?." Tanong ko at tumango siya.

"Yan nasabi ko na sa iyo may tanong Kapa ba?" Umiling ako bilang sagot sakto namang dumating na si sir at bumati siya sa amin kaya bumati din kami nagsimula na si sir magturo ng lesson for today's vedyow kaya nakinig na kami.

Sila lang pala Hindi ako hehe.

************

TBC.......

Sorry po ngayon lang ang update nagaadvance studying po kasi ako hehe.

A/N:

Hope you enjoy it!

Sorry for the wrong grammar and typos because this is not edited.

Please Vote and leave a comment

The Only Cloud in Section SkyWhere stories live. Discover now