CHAPTER 2

1 0 0
                                    

PAGDATING namin sa school, pumunta agad kami sa room ng grade 12 at hinanap namin ang kaniya kaniya naming section.

Pumunta kami sa pinakamalapit na room, at hinanap ko ang aking pangalan kaso ang pangalan ni Kai at Bella ang nakita ko.

"Hoy panget, classmate na naman kayo ni Bella. Hiwalay na'ko sa inyo. Sumulat kayo ha, mamimiss ko kayo." I said to Kai.

"Maka panget ka naman, maganda ka ha, maganda ka?" Sabi ni Kai.

"Oo naman maganda ako no, ikaw lang namin ang pangit satin." Sabi ko sabay fliphair at nag walkout, kaso kaka talikod ko pa lang sa kanya ng     

*PAK*

"ARAY gag*, 'bat kaba na nanapak ha?" Sabi ko kay Kai.

"Wala eh, trip ko lang." Sabi nya at pumasok na sa room nya, mamaya talaga yun sakin.

Kaya nagpatuloy na ako sa pag hahanap, kaso name naman ni Lili nakita ko sa kabilang room.

"Lil, dito ka." sabi ko sa kanya.

"Ay mag isa na naman ako? 'Bat ba lagi nalang ako nag iisa?" Pang da drama nya.

"Ay wow manahimik ka nga, umagang umaga nag d-drama ka." Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Ay sorna madam ha, sungit naman nito." Sabi nya.

"Tch, pumasok ka na nga ingay mo." Sabi ko.

"HAHAHA Ina mag iingat ka baka bugahan ka ng apoy." Sabi nya kay Ina sabay takbo papasok sa room nya.

"Aba isa din yun, mamaya talaga sila sakin." Sabi ko pa.

"Chill ka lang bhie." Sabi ni Ina.

"Aish, tara na nga." Sabi ko at pumunta na kami sa last section at hinanap namin ang pangalan namin.

"Naks, classmate na tayo bhie." sabi ni Ina.

"Kita ko nga." Pangbabara ko, kaso mukhang sasapakin na ako kaya naman binawa ko na mahirap na baka matanggal ulo ko. Chosss.

"Joke lang, tch tara na nga baka may pogi tayong kaklase, charot." Sabi ko at umagree naman siya.

Pag pasok namin sa room may nakita kaming alien hahaha charot, nakita namin ang mga classmates namin kaso kunti pa kami ok lang naman since 7:00 A.M pa.

"Bhie 'san tayo uupo?" Tanong ni Ina.

"Sa last row nalang." Sagot ko at sumangayon naman siya kaya pumunta na kami sa last row at umupo.

Nang maka upo kami nag cellphone lang kami since wala kaming ma gawa, kaso na bored ako kaka cellphone kasi wala akong ka chat eh buti pa tong katabi ko, joke lang. Dun ko napansin na, dumadami na kami kasi dumating na pala ang iba pa naming kaklase.  Nahagip nang paningin ko ang isang lalaking huling pumasok sa room namin, sinundan ko siya nang tingin hanggang sa makaupo siya sa pinaka dulo nang first row, sakto naman at  tumunog na ang bell, meaning mag sisimula na ang klase namin.

Since first day of school naman, ito na naman kami sa INTRODUCE YOURSELF na stage hays kina kabahan ako HAHAHA.

"Pst, Ina di kaba kinakabahan?" Tanong ko sa katabi ko.

"Kinakabahan din syempre." Sagot nya.

Buti nalang at nasa last row kami, talino ko talaga chos. Kaso kung mamalasin ka naman.

"Okay so the last row will be the first to Introduce there self." Sabi ng adviser namin.

So nag introduce na yung classmate namin then next sa kanya si Ina, kaya kinakabahan na ako dahil magkatabi lang kami ni Ina at ako na ang  susunod huhu lord.

"Hi guys, uhm My name is Seraphina Harper, you can call me Ina, I'm 17 years old, born on October 3, 2005 that's all thank you." Pag papakilala ni Ina.

"Thank you Ina, next." Naka ngiting sabi nang adviser namin.

"Good morning everyone, My name is Astraea Dawnary Mackenzie, you can call me Rea or Dawn kung san kayo comfortable, 17 year's of age, born on 5th of July 2005, That's all Thank you." Seryoso kung pag papakilala, at umupo.

"Hm what a nice name, okay next." Nakangiting sabi nang adviser namin, at ngumit naman ako pabalik.

Nag papatuloy lang sila sa pag papakilala hanggang sa pina ka dulo na nang first row, siya yung lalaki na tinitignan ko kanina.

"Goodmorning, My name is Akir Jace Lee, you can call me Akir or Jace, 17 year's old, born on May 4, 2005, that's all." Pag papakilala niya.

Ah so Akir pala yung name niya, hmm okay lang kaya sa kanya pag tinawag ko siyang Aki? Cute kasi eh parang ako charot  joke lang. Siya pala yung huling pumasok kanina, sa lahat nang pumasok siya lang yung naka kuha nang attention ko, ang pogi niya mga bhie kahit moreno siya ang pogi niya, di ko sinabing crush ko siya ah pero parang ganon na nga HAHAHA admiration lang naman ang crush, and I admire him.

"Thank you Akir, so okay class since today is your first day, bukas ko nalang e-arrange ang  seats ninyo, alphabetical tayo bukas." Sabi nang adviser namin, at lumabas na dahil yun lang muna kasi first day of school pa daw at gusto muna nilang makilala kami.

Nang makalabas na ang aming adviser para nang naging palengke ang aming classroom, may iba na nag papakilala sa isa't isa meron ding nag c cellphone lang at nag lalaro nang ML , 'tas 'tong katabi ko naman ngumingiti lang mag isa habang nasa cellphone yung tingin aba sana all may ka chat huhu reto niyo nga ako dun kay Aki charot lang HAHAHA.

"Hi." Inangat ko naman ang aking paningin nang may nag salita.

"Uh hello." Sabi ko naman sa kanya then tinignan ko si Ina na ganun padin nag c-cellphone padin tch sana all na lang.

"Nathalie nga pala." Sabi nya at nilahad ang kanyang kamay.

"Rea." Sabi ko at inabot naman ang kanyang kamay, tas nag shake hands kami.

Pag bitaw namin sa isa't isa lumingon siya sa katabi ko.

"Ah si Ina nga pala." Sabi ko tas binatokan ang katabi kong nag c -ellphone.

"ARAY! P*ta 'bat ka nambabatok." Singhal niya sakin.

"Wala deserve mo eh, joke, may nag pakilala oh di mo ba naririnig? Cellphone ka nang cellphone tch, sa una lang yan." Sabi ko at inirapan siya.

"Che, ang sabihin mo wala ka lang ka chat tch." Sabi niya at bumaling kay Nathalie. Aba tong babaeng to pag ako talaga may ka chat papa fiesta ako sa baryo namin choss joke lang wala akong fera huhu.

"Hi Ina nga pala." Sabi niya nang may ngiti sa labi.

At yun nag usap lang sila hanggang tumunog ang bell.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon