CHAPTER 1

3 2 0
                                    

NAGISING ako sa tunog ng alarm ko. Panibagong araw na naman, self. Bumangon nako at pumuntang banyo para maligo, medyo natagalan ako kasi you know girl thing, pero okay lang kasi maaga pa naman.

So pagkatapos ko maligo, nagbihis ako ng uniform, nagsuklay, and then I wore my shoes pagkatapos tapos na haha.

Lumabas 'nako sa kuwarto at dumiretso sa kusina para kumain, "Good morning, po." Sabi ko sa lola ko at nagmano. "Good morning." Sagot ni lola.

"San po si mama?" Tanong ko kay lola at umupo. "Bumalik muna sa kuwarto niya, may kinuha 'ata." sagot ni lola.

"Ah." Sabi ko habang tumatango. "Pakiabot nga po nung hotdog, my." Sabi ko kay lola sabay bigay niyon sakin, actually mommy talaga tawag ko sa kaniya then sa mama ko is mama.

"Buti naman maaga kang nagising, ast." Sabi ni lola sakin. Grabe naman 'tong si mommy, wala ba 'kong karapatan gumising ng maaga? Charot.

"Syempre po nagpaalarm ako, first day of school tas late ako." Sabi ko habang kumakain.

"Good morning, anak." sabi ni mama sabay halik sa pisngi ko.

"Morning din po ma, ano po bang kinuha mo?" Tanong ko.

"Baon mo, ito oh"  Sagot nmn ni mama sabay bigay sakin ng baon ko.

"Naks 200, bat malaki baon ko ngayon ma?"  Tanong ko.

"Bili ka na lang ng ulam mo dun sa school nyo." sabi ni mama.

"Okay po." sabi ko at pinag tuloy ang pag kain.

Pag ka tapos kung kumain nag toothbrush agad ako, tapos nag paalam na sakanila.

"Ma, my, pupunta na po ako sa school."  paalam ko.

"Sige anak mag iingat ka, gigisingin ko muna kapatid mo." sabi ni mama.

"Sige apo mag iingat ka ha." sabi naman ni mommy.

"Opo." sabi ko at lumabas na ng bahay at pumunta muna sa tindahan ng isa sa tropa ko.

"Tao po." sabi ko.

"Oh ikaw pala Ast, teka tatawagin ko muna si Ina." sabi ng mama ni Ina.

"Ina andito na si Astraea." narinig kung tawag ng mama ni ina sa kanya.

"Opo ma teka lng nag susuklay pa." sagot naman ni Ina, jusq tong babaeng to ang tagal talaga kumilos.

"Nag susuklay pa daw." sabi ni tita.

"Okay po tita, pupuntahan ko po muna si Kai." sabi ko naman. Note ah babae po si Kai, mukha nga  lang siyang lalaki chos joke lang baka sapakin nya ako pag nalaman niyang sinabi ko yun mahirap na.

Papunta pa lang sana ako sa kanila kaso nakita ko na siyang palabas.

"Hoy Kai, tagal mo naman." sabi ko sa kanya pag dating nya sa pwesto ko.

"Ay, sensya na madam ha medyo natagalan ako sa pagkain." sagot nya pa.

"Ay sana kinain mo na lang din yung plato." pambabara ko sa kanya.

"Sige sa susunod gagawin ko." sarcastic niyang sabi.

Habang nagbabardagulan kami nakita namin si Lili papunta sa direksiyon namin, kumaway siya samin at kumaway naman kami pabalik.

"Hoy! Himala at medyo napaaga ka ngayon, sabay nalang tayo." Sabi ko kay Lili.

"Syempre naman, first day of school eh. Dapat good record." Sabi ni Lili.

"Ay agree ako jan." Sabi ko sa kaniya sabay tawa at nag-apir  kami. Agree na agree ako, yan din kaya sinabi ko kay lola kanina. Kaya kaibigan ko 'to eh, tsk, walang duda.

"Oh asan si Ina?" Tanong ni Lili kay Kai. "Andun nag–" pinutol ni Ina ang sasabihin ni Kai.

"Nandito nako bhie, kalmahan mo." Pambabara ni Ina kay Kai, at inirapan lang siya nito.

"Hep hep" Sabi ni Lili.

"Hooray?" Tanong nang dalawa, at tumawa ako.

"HAHAHAHAHA" Tawa ko, at sinamaan agad ako ni Lili nang tingin kaya nag peace sign ako.

"Wag na kayong mag bardagulan baka ma late na tayo." Sabi ni Lili kina Kai at Ina.

"6:30 pa lang bhie, kalma lang." Sabi ni Ina.

"Puntahan na lang natin si bella since maaga pa naman." Sabi ko.

So ayun pumunta na kami kila Bella since di naman ganun ka layo ang bahay nila. Pag dating namin sa bahay nila nakita namin ang mama ni bella kaya nag tanong kami.

"Tita, san po si Bella?" Tanong ko.

"Ah teka lang iha, tatawagin ko muna." Sabi nya at pumasok muna sakanila.

"Bella dito na mga kaibigan mo." Tawag ni tita kay Bella.

"Opo ma 'anjan na po." Sabi nya at lumabas na.

"Tara." Sabi niya na may malaking ngiti, grabe tong babaeng to sino kaya ka talk nito kagabi at ang laki nang ngiti? Joke lang, pero ma tanong nga mamaya pag wala na si tita.

Pag dating namin sa jeep tinanong ko kaagad si bella, hehe chismis na to joke.

"Pst hoy." Tawag ko kay Bella.

"Sino ako?" Tanong nya at tinuro sarili nya.

"Ay hindi si Kai tinawag ko, si Kai." Sarcastic kung sabi.

"Tawagin mo kasi pangalan ko, may pangalan naman ako." Sabi nya.

"Ay meron pala?" Inosente kung sabi.

"Aba ang ganda kaya nang pangalan ko noh." Sabi niya at nag flip hair.

"Mas maganda ako." Sabi ko at nah flip hair din.

"Edi wow ikaw na, Ano ba kasi yun?" Tanong nya.

"Sino ba kausap mo kagabi at abot langit yung ngiti mo kanina?" Tanong ko pabalik.

"Ay kausap agad, di ba pwedeng namimiss ko kayo?" Tanong nya din.

"Hoy babae wag ako lokohin mo." sabi ko.

"Chismosa ka ha." sabi nya.

"Sabihin mo na nga kasi." Sabi namin.

"Atat na atat? Si basta hehe di ko muna sasabihin name niya." Sabi niya at nag peace sign.

"Edi wag, sa una lang yan" Sabi ni Kai.

"Ay bitter lola niyo." Sabi ko.

"Lola ka jan, mas matanda ka kaya samin noh." Sabi niya din.

"Mukha ka kasing matanda eh, pang senior." Sabi ko at tumawa naman sina lili maliban kang kai.

"Che." Sabi nya, at umandar na pala yung jeep.  Sabi ni Kai.

HERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon