Gale x Roxy: Varsity

10 0 0
                                    

[Year 2010 at Greenfield University]

Sa kalagitnaan ng klase ay matatagpuan si Gale sa gilid ng Football Field. Sa halip na makinig sa loob ng kanilang silid-aralan ay mas pinili nitong humawak ng papel at lapis sa labas upang makalanghap ng sariwang hangin habang iginuguhit ang anumang makita niya roon.

Maya-maya pa ay tumunog na nga ang kampana ng eskwelahan, hudyat para magsilabasan na din mula sa kani-kaniyang silid ang mga mag-aaral. Napuno ng ingay at presensya ng mga estudyante ang kaninang tahimik na kinaroroonan ni Gale, kaya naman ay naisip nalang nitong iligpit ang kaniyang gamit at maghanap ng mas tahimik na pwesto.

Habang inaayos ang kaniyang mga gamit ay bigla namang dumating si Elly.

Elly: ''Galeeeyy!!!!''

Sigaw nito at tsaka agad na umakbay kay Gale habang nakaupo sa damuhan.

Gale: ''Aray! ano ba yuuun?''

Elly: ''Alam mo na ba??''

Excited na tanong ni Elly.

Gale: ''Ha? Ang alin? 

tanong ni Gale habang isinusuot ang bagpack sa kaniyang likuran.

Elly: ''C.O.S.T!!!!!''

Gale: ''Cost? You mean Price? Ano ba kasi yon??''

Elly: ''Anong price?? Hindi!! COS--''

Bago pa man matapos na magpaliwanag si Elly ay bigla naman dinumog ng maraming estudyante ang palibot ng football field. Marami ang naghihiyawan, at nagtatakbuhan hanggang sa isang iglap ay halos mapuno na ng estudyante ang paligid.

Elly: ''Sh*t! Andyan na yata sila.''

Gale: ''Huh? Sino? Teka nga, ano'ng nangyayari? Ano'ng meron?''

Gulong-gulo naman na tanong ni Gale

Elly: ''C.O.S.T! College Of Science and Technology!''

Pasigaw na sagot ni Elly at tsaka hinila si Gale para makatayo.

Gale: ''Ah! Yung kabilang Campus?''

Elly: ''Oo. Dito daw sa'tin mag p-practice yung women's football team nila hanggang bago ang Intramurals. Halika, maghanap tayo ng magandang pwesto.''

Pag-aya nito at sabay na hinila si Gale sa mas malapit na pwesto kung saan mas malapit at mas kitang-kita ang mga nasa gitna ng Football field.

Gale: ''Sandali nga. So nagkakagulo kayo ng ganto dahil sa women's team nila?? So ano, May artista silang player? Kaya kayo natataranta ng ganyan??''

Muling tanong ni Gale na gulong gulo parin sa nangyayari sa kaniyang paligid.

Elly: ''Alam mo ikaw, matalino ka lang pero 'di ka talaga usisera no? Minsan maging tsismosa ka 'rin ha? kailangan mo yan minsan, para may alam ka sa nangyayari sa paligid mo.''

Pabiro naman na suhestiyon ni Elly sa kaibigan.

Bagama't magaling sa klase at sa ibang academics, ay wala naman itong kainte-interest sa sports kaya malaking palaisipan sa kaniya ang nangyayaring iyon, kung bakit ganoon na lamang ang excitement ng mga kapwa n'ya estudyante at ng kaibigan'g si Elly sa pag-gamit ng COST Women's football team sa kanilang field.

Elly: ''Tingnan mo yun''

Sambit ni Elly at tsaka itinuro sa kaibigan ang isang player na nag w-warm up sa gitna ng field.

What happened to the butterflies?Where stories live. Discover now