Chapter 9

3.1K 129 33
                                    

It's been two weeks since the coffee shop incident with the duo and natapos ko na yung bagay na pinakiusap sa akin. Wala daw alam ang tigre according to Miss Real. Dahil anonymous daw ang nilagay niya. Natawa nga ako dahil kaming tatlo lang daw ni Miss Shean ang nakakaalam.

Madali lang naman ang pinapagawa eh. Isasali daw kasi sa isang national exhibit. Just a simple painting. Madami naman akong spare na paintings pero dahil sinipa ni Madam Professor ang ego ko, edi na highlight ang mata ng tigre sa background ng main subject ko. Hindi makikita kung hindi talaga busisiin.

"Psst. Bata." Napalingon ako seeing Miss Real and Miss Shean na nakasiksik sa gilid.

"Po?" Agad nila akong hinila sa isang office? Kanino kaya to.

"May recognition na magaganap bukas. Anong gagawin?" Natawa ako dahil problemado silang dalawa.

"Para po saan?" Sabay silang napalingon sa akin.

"Hindi mo alam?!" May kalakasang saad nila. Anong meron?

"Yung ginawa mo yung napili. So, the school decided to put it sa school museum and there's a  recognition nga for the one who made it." Napatango ako. Maliit na bagay pinapalaki nila.

"Edi one of you will have it or di kaya po kayo dalawa." Nakangiting saad ko.

"I'll extend my gratitude nalang po, simple letter?" Dagdag ko kaya they both sighed and nodded afterward.

Lumabas kami na parang walang nangyari. Great actresses kami eh. Sabay pa kaming pumasok sa cafeteria, they both go to the professors table while I go to Kampana who's already fine. Natanggal na ang cast niya and maayos na rin maglakad.

"Did you know the EU won a national award?" Chismis agad nito at iniusog ang isang pinggan sa akin. Suhol niya siguro to sa pagbuhat-buhat ko sa kanya.

"Really? That's nice then." Sagot ko at sumubo.

"Ang galing ng gawa kaya. Have you seen it?" I shook my head so she handed me her phone.

"It's great nga. Maybe one of the fine arts students." Baliwalang saad ko because why not? They had me invited to a little exhibit nila three weeks ago? And seeing their works were all great. They even said they knew me through their Professor who attended a conference in NZ and he saw me there.

"No one knew who made it. Even the University. Diretso na kasi sa event yung gawa." Saad pa nito while slicing her steak. Sosyal ang cafeteria dahil may steak ang menu.

"Nasa museum na pala ng University ang piece. Gusto mong puntahan?" Tumango ako kasi vacant ko naman after lunch and baka siya rin. Tapos na kasi midterm eh. Malapit na rin mag pasko.

When we got inside the University's Museum ay marami ang estudyante sa loob. Siguro para matingnan ng personal ang piece. Yung Kampana nga excited din. Sabi kasi, ngayon nalang daw ulit naka award ang EU after a certain someone graduated.

"Ang ganda nga, babe." Saad nito and took a picture of it. May pirma naman sa lower part but I never used the usual signature I used. I used the signature no one knew.

Nauna na si Kampana lumabas while I stayed inside. I am sitting on the floor habang nakatingin sa piece. 'Flare of the hidden pairs' that's what I named it. Kaya hindi talaga makikita ang mata kung hapyaw lang ang tingin mo. You need to look beyond the outer in order to see the within.

"What's your point of view?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. She's standing not so close to where I am sitting.

"The art that only some admired." Maikling sagot ko at tumayo isang dipa ang sa kaliwang bahagi niya.

Hidden Conviction (2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon