Winterins Academy 2

5K 102 5
                                        

CHAPTER 4 : WINTERINS ACADEMY 2

[TRIXIE]

While Allequiane explaining what happened 3 years ago, lahat kami ay nagugulat because of their story. I mean sinong hindi? A 12 and 13 years old kids fighting a big and powerful enemy of Winterins Academy and yet they managed to kill few of them and escaped just like wow.

"Pagkatapos naming tumakas ay naghanap na po agad kami ng bagong lilipatan, kahit maliit na bahay ay okay na basta't hindi kami mahanap ng mga iyon, after that nag-train kami ng sarili namin dahil kung hindi ay baka mapatay kami nang wala sa oras" sabi nito sa amin.

I agree dahil walang mga puso iyon.

"Kung alam niyo lang pinagdaanan namin sa training nitong Ali namin, mapapasuko ka talaga Head Master!" kunwaring sumbong pa ni Nathalie.

"Ikaw ba naman patakbuhin nang patakbuhin, tapos pahinga mo 1 hour lang?!"

Natawa naman ang iba sa amin dahil sa reklamo ni Jea.

"I agree, tapos gagawin pa namin assignments namin habang nagte-training kami, sinong tatagal doon?" Reklamo rin ni Xaphia.

"Hoy! Binubuking n'yo 'ko eh um-agree rin naman kayo, kesyo baka mapatay tayo ng dark magic ng mga 'yon, kesyo ganito gan'yan, FYI isa rin 'yon sa nagpalakas sa inyo noh, mas doble pa ngang training ang ginagawa ko para lang sa teleport at magamit natin lagi hmp" kunwaring pagtatampo ni Allequiane sa tatlo.

Nagtawanan naman kami habang ang iba'y napapangiti.

"Wait, out of topic na tayo, so, ayon na nga head master, kaya kami hinahabol non hanggang ngayon, may mga pinadala pa Lord nila para lang mapatay kami, imagine sinasayang niya mahigit sampung elders, myghad" sabi ni Nathalie.

Damn, sampu? Tapos natalo pa nila? What the hell? Gaano ba sila kalakas?

"I see.. okay, let me ask you one more time, when did you awakened your power?" Head Master asked.

Napatingin naman kami sa apat.

Nagkatinginan sila bago sagutin ang aming tanong.

"When I turned ten, ako ang naunang nag-awake ng power sa aming lahat. Then si Phia naman, at sumunod agad ang dalawa pa, both nine years old that time, I don't know if coincidence lang 'to, pero sunud-sunod kaming nag-awake ng power. Ang nakakapagtaka lang, bakit hindi nangyari noong around seven or eight pa lang kami? And exactly one week after my birthday, nang mag-awake ang power ko, that's when their powers followed suit din." tila'y nagtatakang sabi ni Allequiane sa amin.

Kaming mga elders rin ay napaisip sa kaniyang sinabi. Although nakaka-shock kasi gano'ng edad nag-awake na agad power nila eh nakakapagtaka rin.

"Tsaka na iyan, as of now, ipapaliwanag ko ang regulations dito at ang sched niyo nama'y ipapadala ko. Ipaparegister ko rin kayo, magsisimula kayo sa Higher Elite kaya ihanda n'yo na rin ang inyong sarili."

WINTERINS ACADEMY: SCHOOL OF MAGICIANS (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon