Remarkable Love [COMPLETED]

3 0 0
                                    

"Muli natin ibabalik ang matamis na sandali, na kahapon lang nanumbalik."

Hindi ko maisip-isip na siya ang una at huling babae na mamahalin ko. Kapansin-pansin ang busilak niyang puso na dahilan kaya ako napa ibig. Ang pagmamahal niya ang dahilan kung bakit na rito ako sa kaniyang harapan para alalayan siya.

Ito ang araw kung saan nag simula ang aming pagmamahalan. Kasama ng ilang mga malalapit na tao sa amin. Ikinasal kami noong Siyeptembre 23, 1987 ito na ang araw na pinaka masaya dahil nasa kamay ko na ang babaing matagal ko ng inaasam na makasama ngunit siya rin ang dahilan kung bakit minsan ako nasaktan.

Sa sandali panahon na ito. Muli ikwekwento ko kung paano nag simula ang aming pagmamahalan.

Ako si Gregorio Enrique o mas kilalang Gorio at ang aking kasintahan si Maria Fuensellan na nakilala ko lamang nitong nag aaral pa lamang ako ng medisina sa pribadong paaralan ng Pangasinan. Siya'y matalinong estudyante at masayahin nakuha niya ang loob ko dahil sa pambihirang pangyayari na tulungan niya ako sa aking proyekto.

Ang proyekto ang naging daan para makilala ko siya ng husto. Palagi ko siya kasama sa pag gawa kung kaya't marami nakakapansin sa amin na akala nila ay mag nobyo at nobya na kami. Pero simula pa lang naman iyon. Lumipas ang ilang araw ganoon pa rin ang pag sasamahan namin bilang isang kaklase at matalik na kaibigan. Masaya ako dahil nakilala ko siya at siya na rin ang naging inspirasyon ko para tapusin ang naithala sa aking proyekto.

Huwebes ng umaga sa silid aralan na ako'y makapasok, akala ko bubungad sa akin ang magandang umaga ngunit nabigo ako dahil nasilayan ko ang mamahalin ko dapat kasama ng aking kaklase si Fernan.

Masaya sila nag uusap dahilan para ako'y mag selos. Naitiklop ko ang dalawang kamao ko at umupo na lamang sa aking upuan. Hindi maalis sa aking isipan na patuloy pa rin ang masayang pag uusap nila mukang na agaw na ni Fernan ang atensyon ni Maria.

Matapos ang ilang oras sa klase lalapit na sana ako kay Maria ngunit naunahan na naman ako ng hamak na si Fernan. Niyaya niya ito kumain sa labas at si Maria naman ay sumang ayon sa gusto ng binata.

Nabigo na naman ako sa pag lapit kaya't mag isa na naman ako nito. Inaasahan ko babalik si Maria sa lalo madaling panahon. Habang sa pag hihintay ko nakaramdam naman ako ng pagod kung kaya't nag pa hinga muna ako sa hardin ng aming paaralan.

Pinapakiramdaman ko ang preskong hangin at pinag mamasdan ang paligid. Marami ako kasama rito iba't ibang estudyante ngunit isa lamang ang nahagip ng mata ko.

Tama bang makita ko ito o tama bang umalis na lang ako rito. Masakit makita na masilayan ang mamahalin ko dapat na kasama ng ibang tao na masayang kumakain at nag uusap.

Gusto ko sila lapitan. Gusto ko siya agawin kay Fernan. Pero paano at saan ako mag uumpisa.

Kinabukasan muli ako papasok sa paaralan akala ko ay hindi ulit magiging maganda ang araw ko pero ito ngayon kaharap ko si Maria kasama si Fernan. Kinakabahan ako dahil sa mga tingin nila sa akin, hindi ko alam kung tama ba hintayin ko ang sasabihin nila.

Kinausap ako ni Maria habang si Fernan nasa tabi lang niya.

"Gorio may gusto sana ako sabihin sayo." sabi ni Maria.

Mahirap man sagutin ang sinabi ni Maria ngunit kailangan ko malaman kung ano nga ba ang gusto sabihin ng dalaga.

"Ano yun Maria." sagot ko.

"Kaibigan naman kita kaya maari ko sabihin sayo ang tungkol sa amin ni Fernan." sabi ni Maria at ngumiti ito sa akin.

Mukang alam ko na ang gusto ipahiwatig ni Maria masakit man pero kailangan ko tanggapin.

REMARKABLE LOVE [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon