Mission 2
◆◆Bomi's Pov
Nagpakulay ako ng color red ng buhok. Hindi ko alam basta red na iyan.
(/Multimedia/)
Naglalakad ako sa hallway at agaw attension ako sa style ko. Hindi katulad ni Taeyeon, nagdadamit ng mahinhin sa harap ni Baek. Ang haba kaya nung uniform niya, duh? Pero hindi naman sobrang iksi ng akin ah!
Talk about Baek nasa gym siya. Nagba-basketball, his the MVP. At kailangan kong pumunta doon sa gym para ma-cheer siya.
Tumatakbo ako papuntang gym at agaw attension na naman ako dahil mukha akong timang na tumatakbo. Sobra naman kasing layo nitong letcheng gym na ito, sunugin ko kaya ito?
Nakarating nako sa mga upuan at tinignan ang sarili ko. Hinahabol ko yung hininga ko dahil mamamatay ako ng hindi naka-abot sa first game.
Pero bago pa ako maka-upo ay may humatak sa akin sa harapan at pagkatingin ko. Si Chorong na busy sa panonood habang kumakain ng tacos. Tapos binigay niya sa akin yung isang piece na mukhang reserve sa akin.
"Thank you" sabi ko at nanood na rin. Pero napa-sulyap ako sa kanilang dalawa ni Hayoung. Oo,nandito si Hayoung. Magkasama silang dalawa.
Nakita ng dalawang mata ko na may dalawa silang tubig. Then kinalabit ko si Hayoung dahil nasa gitna naman ako.
"Bakit dalawa tubig niyo? Kailan pa kayo naging water master?" Tanong ko at tumingin siya sa akin habang nilulunok yung isang parte ng tacos.
"Syempre ibibigay namin kay Sehun at Luhan bago pa kami maunahan nung dalawang Epal" sabi niya at nagulat ako. Wala nga pala akong tubig na dala! Sh*t, ang bobo ko talaga.
Tumayo ako sa upuan ko at kumaripas ng takbo sa canteen. Nako, siguro nasa school newspaper na ako. Takbo ako ng takbo eh baka isipin nila nasa Minion rush ako. Pero sa akin, pretty rush. Joke.
Nakarating na ako ng canteen at nakita ko si Taeyeon na nandun bumibili ng tubig kasama yung mga evil minions niya. Siya kasi si El Macho, xD.
Pumila ako at nakita ko sa Peripheral Vision ko na nakatitig sa akin si Taeyeon ng masama. Wala akong pakialam, hindi naman siya reyna eh. -_-
"Ate, pabili po ng tubig" sabi ko at umalis na si El Macho kasama ang evil minions niya. Pero alam kong pinapanood nila ako dahil pasimple akong sumulyap sa pinto ng canteen at nahalata ko na late ng atras si Tiffany pero syempre hindi ako nagpahalata na alam ko. Matalino issues.
"Oh eto na, bhe" sabi ni Ate sabay abot sa tubig at sinuot yung cap niya na floral. THEN kinuha ko yung marker sa bulsa ko sabay sinulatan yung water nang..
Baek! Take care!
Tumingin ako sa orasan ko at.. damn! Malapit na sila mag-break. Yung batch nila Baek ha. Pero mamayang finals ay lalaban ulit sila. First round kasi sila eh tapos yung iba naman nilang kakampi/batch yung lalaban. Tumakbo ako ng mabilis at pagdating ko doon. Sakto naman na nagpapahinga si Baek.
Tumingin ako sa likod ko at mabilis na tumatakbo si Taeyeon habang hawak yung dalawang tubig.
Kaya tumakbo ako papunta kay Baek sa gitna ng court. Pero may nagpa-practice at..
"Miss! Tatamaan ka!" Sigaw nung isang lalaki at napatingin ako sa bola. Pero nung umiwas ako ay tumama nasa akin yung bola. Napahiga ako sa lapag dahil ang lakas ng impact nung nabato sa akin. Hindi ko tuloy nabigay kay Baek yung tubig T.T malas me!
"Bomi ok ka lang ba?" Hayoung na nag-aalala pero hininaan yung pangalan ko
"Bomi gising" Chorong na nag-aalala pero hininaan yung rin pangalan ko.
BINABASA MO ANG
Mission: Destroy BaekYeon (Baekmi FF)
FanfictionMas cute kaya ako dyan sa Taeyeon na iyan. Che!