Chapter 1

22 0 0
                                    

"And the salt in my wounds isn't burning anymore than it used to~"

Kasalukuyan akong kumakanta nang biglang nagring yung cellphone ko. Inabot ko yung cellphone ko at tinignan kung sino yung tumatawag

Papa calling..

Bigla ako napatalon sa gulat nang makita yung caller pero agad ko rin itong sinagot.

"Pa! Buti naman tumawag ka. Nasan ka na ba pa?! Kelan mo balak umuwi?!" Hindi ko napigilan ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman. Miss ko na siya. Miss ko na ang papa ko.

"Anak, Dash pagpasensyahan mo na ang Papa. Hayaan mo, oras na maayos ang lahat uuwi na ako. Ikaw na ang bahala sa kapatid mo" Sagot nito sa kabilang linya

"Kailangan ka namin dito pa! Nakakahiya na kay tita. Siya na nga nagpapakain sa amin, siya pa nagpapa-aral. Ano ba naman yan pa!" Napabuntong hininga ako. Bakit ba kasi naging ganito yung buhay namin?

"Magpapadala rin ako ng pera, intayin mo lang. Sige ikaw nang bahala kay Kyle. Mag-iingat kayo diyan. Mahal kayo ng papa" Magsasalita pa sana ako pero naputol na yung tawag. Napabuntong hininga ulit ako at tumayo. Lumabas ako ng kwarto ko at lumakad pababa ng hagdan. Bago ako lumabas ng bahay sinulyapan ko muna yung anim na taon kong kapatid na nanonood ng tv.

"Kyle labas muna ako. Pupuntahan ko si tita. Lock mo yung pinto at wag ka magpapapasok kahit sino" Bilin ko sa kaniya pero tinignan lang niya ako at binalik na agad ang atensyon sa tv. Hay, kanino kaya ito nagmana? Ts

Lumabas na ako ng bahay dahil wala naman ako mapapala sa kapatid ko at naglakad papunta sa malapit na bistro dito. Naglakad na lang ako dahil malapit lang naman ito.

Habang naglalakad napaisip ako kung ano na mangyayari sa amin ni Kyle. College na ako sa pasukan at grade 1 naman ang kapatid ko. Hindi ko naman kayang pag-aralin ang kapatid ko at ang sarili ko sa maliit na sweldo ko sa bistro ng tita ko. Hay, ito siguro ang pag-uusapan namin ni tita.

Nagulat ako nang may biglang bumusina na parang wala ng bukas. Tinignan ko kung sino yun at tumambad sakin ang kulay pulang sasakyan. Tinted yung sasakyan at kahit hindi ko makita yung driver ay sinamaan ko ito ng tingin.

Biglang bumukas yung pinto at lumabas ang isang lalaki. Ts kaya pala ganoon na lang kung bumusina. Lalaki ang driver. Sinamaan ko agad siya ng tingin

"Woah miss easy. Ikaw itong nakaharang sa daan. Nagpapakamatay ka ba? Paano na lang kung nagmamadali ako edi nabangga kita? Tapos makukulong ako?" Ano bang sinasabi nito? Ang oa. Inismiran ko lang siya at tinignan

"Who cares?" Sabi ko at tumalikod na. Istobo

"What the--" Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya dahil nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Subukan lang niya ituloy. Napabuntong hininga siya at umiling. Pumasok na ulit siya sa sasakyan niya at mabilis itong pinaandar. Napanganga ako sa nangyari

O MY GOD. Did he jus-- The H?! Tinignan ko yung binti kong basang basa ng tubig. Buti na lang hindi ako nagjeans at nagskirt na lang. Kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at inis na inis na pinunasan yung basa sa binti ko. Walang modong lalaki. Argh how dare him!

Pinaypay muna yung sarili ko gamit yung dalawa kong kamay at huminga ng malalim ng ilang beses.

"Calm down Dash. Hindi mo na ulit siya makikita" Sabi ko sa sarili ko bago mag-umpisa ulit maglakad. Sira na ang mood ko. Agh

I swear, hindi niya gugustuhin na makita ako ulit!

-To be continue.

Beautiful DreamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon