Chapter 6: Pinky promise

187 28 26
                                    

"Sino ba 'to?? Lecheng 'to, anong oras na eh! Hoy, kung manggagago ka lang, lubayan mo 'ko ha!!"


Napagusot nalang ako ng mga mata ko nang tuluyan na akong magising. Lintek na tawag 'yan, anong oras pa lang ba?! Wala manlang akong maaninag na liwanag sa paligid. Hating gabi pa lang ata, jusko!


"Ms. Rodriguez, where are you?!!"


Halos mapatalon naman ako sa higaan ko nang tumagos sa kabilang tenga ko 'yung boses ng kausap ko sa kabilang linya. Doon naman ako natauhan kung sino 'yung kau-kausap ko ngayon.


Bhiebhie Erm


Doon na ako tuluyang nagising nang malaman ko na kung bakit tumatawag si sir Marcos nang ganitong oras... may caravan siya mamayang alas-nuwebe!!


"AY SORRY, SIR!!" nagpapanic na sabi ko agad at napatayo ng higaan ko. "A-ano kasi, sir... Bali ano, pagayak na 'ko, hehe." kinakabahang sagot ko sa kabilang linya at dali-daling bumangon para dumiretso sa CR.


"But why do I hear panic noises-"


"NO, SIR! NO KAYA!" putol ko at binaba na ang tawag niya agad.


Dali-dali akong naghubad at nag-take ng shower nang mabilisan kahit na sobrang lamig ng tubig. Hindi ko rin kasi alam pano buhayin 'yung heater kaya tiniis ko nalang. Nagsuot nalang ako ng red polo na kasusuot ko lang nung nakaraan at pantalon naman sa pambaba since mainit-init na naman ang pupuntahan namin mamaya.


Napatingin naman ako sa orasan. Gaga 'te, alas-kuwatro pa lang ng hating gabi. Pero sabagay, kasi umaga din simula ng caravan eh, huhu. Natandaan ko na tuloy 'yung sinabi ni sir Marcos sa 'kin kagabi... na may caravan daw siya at kailangang alas-kuwatro pa lang ay nasa HQ na ako.


"Jusko, alas-kuwatro mahigit na. Paano naman ako pupunta sa HQ ng alas-kuwatro sakto?" nagpapanic na tanong ko habang inaayos na ang bag na gagamitin ko.


Hindi ko na ginising si lola para magpaalam since anong oras pa lang. Ayoko namang maabala pa siya sa pag-tulog niya kaya lumabas na ako agad ng unit at bumaba ng building para maghanap ng taxi.


Papara na sana ako nang taxi na paparating na sana sa puwesto ko nang biglang may bumusina. Napalingon naman ako agad at doon ko nakita ang sasakyan na ginamit ni sir Marcos nung nabangga niya 'yung kotse ko noon. 'Yung Rolls-Royce na 'yung gamit niya ngayon.


Binabaan naman niya ako agad ng bintana kaya lumapit ako agad sa kaniya. "Sakay." utos nito sa akin at sinenyasan akong pumasok sa loob.


"Sir?" nagtatakang tanong ko dahil sa gulat na sinundo niya pa ako sa bahay namin.


Isa pang pinagtaka ko rin ay bakit sasakyan niya ang gamit niya ngayon at hindi van na kasama ang iba pang staff. Bakit nakahiwalay pa 'to ng sasakyan? Ang nakakatawa pa, naka-shades pa siya kahit na hating gabi ngayon. Wala namang araw pero naka-shades, hahaha. Angas ng trip nitong taong 'to, ah?


Sasakay na sana ako sa likod nang bigla niyang ni-lock 'yung pinto. Napabalik naman ako sa bintana para silipin siya dahil sa ginawa niya.


"Sir, sabi niyo sakay ako d'yan??" nagtatakang tanong ko.


Binaba naman niya 'yung shades niya para tignan ako. Tingin na dismayado. "Oo, sinusundo kita. Pero hindi ko sinabing maging driver mo 'ko." seryosong panimula nito. "Sakay. Sa tabi ko." utos pa nito at pinagbuksan na ako ulit ng pinto.


Napakamot naman ako ng ulo. Oo nga, 'no. 'Pag sa likod ako sumakay, ginawa ko naman siyang personal driver ko, hahahaha.


"Good." bulong nito at ngumiti.


Once Upon a SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon