Part 8 (part 1)

18 2 0
                                    

Alyanah's POV

Nagising ako nang mugtong mugto yung mata ko.... Di ko alam pero talagang tumagos yung sinabi sakin ni Reyster eh.

Di ko alam kung ano o bakit nya ko ginamit at ano ang dahilan kung bakit nya ako ayaw makita. Masakit, oo kaibigan ko sya pero hindi ko alam kung bakit sobra akong apektado sa pangyayari. Hindi ko dapat maramdaman eh. haayy

Bumaba na lang ako nang hagdan para kumain, wala akong balak pumasok dahil wla akong gana.

"O, anak bakit parang ang tamlay mo? saka bakit namamaga yang mata mo? umiyak ka ba?" Tanong sakin ni mama

"Ma, wala lang 'to wag mo kong intindihin, saka mama di nga pala ako papasok ngayon, masama kasi ang pakiramdam ko eh"

"Anak? may nangyari ba sayo kahapon?" Nakatingin nang deretso sa mata ko si mama. Agad naman akong umiwas nang tingin

"W-wala ma, okay lang naman ako sa school" okay lang naman ako haha tama okay lang ako.

"Alyah, tumingin ka sa mata ko magsabi ka nang totoo, na heart broken ka ba?" Mama

Nagulat naman ako sa tanong sakin ni mama, na heart broken haha baka nga.... Haha oo tama masakit. Hindi ko nga alam kung pano nangyari yun eh nagising na lang ako na mahal ko na sya

Tumigin ako nang deretso kay mama "Mama, alam ko pong masyadong mabilis pero sa tatlong araw ko pong nakasama yung taong yun, ewan oo mahal ko na sya ma, akala ko nung una hindi pero ewan ko ba"

Napangiti si Mama nung narinig nya yung sinabi ko. "Dalaga na ang anak ko, Alam mo ba ganyan din ang naramdaman ko sa Papa mo dati, akala ko hindi ko sya mahal kaya di ko sya pinapansin pero ilang araw lang ay narealize ko na mahal ko na pala ang papa mo, Alyah pag isipan mong mabuti, pakiramdaman mo kung ano talaga yan sinisigaw nang puso mo, Hala! sige na tama na drama ikaw ay papasok ngayong araw na 'to"

"Pero Mamaaaaa~ ayaw kong pumasok" pag mamaktol ko kay mama

"Hindi mag-ayos ka na para makapasok kana" Agad akong tinulak ni mama para makapasok sa banyo saka sinara yung pinto.. Wala na akong nagawa kung hindi mag ayos nang sarili at pumasok sa school.

------

Lunch na ngayon at lutang na din. Kasama ko si Shia kasama yung boyfriend nya. ewan ko kung saan nakapulot yan nang boyfriend...

"Alyanah kumain ka na" Sabi nung boyfriend ni Shia James yata pangalan nito

"Ahh eh, kung yung gelfrend mo kaya ang atupagin mo? nakuuu James" Sabi ko sakanya sabay subo nang carbonara ko.

"Sus bitterrrrrrrr" Pang-iinis ni Shia

"Wala kasing boyfriend kaya ganyan kasungit" Dagdag pa nya sabay ngisi

"Pwede ba wala pa sa isip kong mag boyfriend" Sabay irap ko sa kanya

"Susss akala ko ay magiging kayo ni Reyster eh" James

Napahinto ako nung sabihin nya yung pangalan ni Reyster at nag flashback yung mga sinabi nya sakin kahapon, ewan ko bigla akong nag-init dahil sa sinabi nya
Masakit kasi eh di ko matanggap

"WALA AKONG PAKIELAM SA REYSTER NA YUN! WALA LANG SYA SAKIN, AT NEVER KO SYANG MAGUGUSTUHAN!" Sabi ko kay James

Parang naging yelo naman yung dalawa habang nakatingin sa likod ko, dahil curious ako kung ano yung nakita nila lumingon ako sa likod

Shet si Reyster nasa likod ko....

_____________________________________________________________________

Guys sorry very late update wala kasi akong maisip na pede kong isunod sa last chapter.. ayun lang guyssss Thankyou kasi nag tyatyaga kayong basahin 'tong story ko alam kong hindi pa 'to umaabot sa 400 reads pero sobrang natuwa ako nung nalaman kong umabot to nang 300, yep mababaw ako noh? pero syempre di ko kaya inaasahan na may mag babasa nito

GUYS COMMENT OR VOTE NAMAN DYAN. HINDI NAMAN KAYO MAKOKORAP DIBA? DI RIN NAMAN KAYO MAGUGUTOM KUNG I KLIK NYO YUG VOTE SA TAAS DIBBA???? SAKA DI NAMAN KAYA MAUUBUSAN NANG PERA SA PAG COCOMMENT

ayun sorry sa mga late and lame ud

Three DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon