Part-48

9 3 0
                                    

***


Ian PoV *




Nang marating na namin ang naturang mall agad na niyaya ako ni jin papasok, sakto ang pag dating namin kakabukas lang ng mga store.

"Ano ang uunahin natin ian?" Tanong sa akin ni Jin nang makapasok na kami.

"Siguro sa home appliances muna tayo para maipa-deliver ko na agad!" Sagot ko dito saka ako na ang humila sa kanya kahapon nilibut ko ang mall kaya alam ko na kung saan ang mga store na pupuntahan ko.

"Maganda yang naisip mo? . . .teka may mag re-recieve ba? May tao ba sa condo mo?" Tanong pa ulit nito.

"Sinabi ko na yun sa lobby bahala na sila kung saan nila ilalagay" sagot ko.

Agad naman narating namin ang home appliances hinila ko si Jin patungo sa gawi ng mga kama. Binati ako ng dalawang salesman doon ang sabi kung Mamimili na daw ako, sinagot ko sila Oo gusto ko yung pinili ko kahapon.

Isa ito queen size bed na may mahabang upuan sa paanan nito na pwedeng lagyan ng kung ano-ano ang loob. Isang kama lang ang kinuha ko kahit na tatlo kwarto ng condo ko.

Kumuha din kami ng vanity para sa room ko, anim na pirasong unan na nag biro pa si Jin kung marami ang ulo ko, matapos naman ay nanghingi ako ng sampong set ng bed cover, pillowcase blanket, curtains na iba't ibang klase ng design na si Jin pa ang pumili ng iba.

Nandun narin naman kami kumuha na rin ako ng curtains ng mga bintana ko sa Sala at sa dalawang kwarto, kumuha din ng sampong iba't ibang design ng comforter na  makakapal para kung may makitulog man sa mga kaibigan ko may higaan sila.

"Kung yan ang plano mo dapat may extra pillows ka" Ani Jin kaya naman ng hingi pa kami ng lima pang extra pillow.

Sunod kong kinuha ang makakapal na towel sampong piraso iba't ibang disenyo at iba't ibang size, kumuha din ako ng mga hand towel at kung ano-ano pang towel nag biro pa si Jin na mas marami akong towel sa isip-isip ko gagawin ko yang basahan haha.

Sunod namin pinuntahan ang section ng mga sofa, nag patulong ako kay Jin kung ano ang maganda. Pinili nya ang kulay black na sofa bed mahilig daw syang manuod ng TV habang nakahiga,parang kanya yung bibilhin nya pero yun na rin ang pinili ko saka dalawang pang isahang upuan. Isang set yun kaya may kasama na itong table na kulay black din, na salamin ang ibabaw, Kumuha din kami ng dalawang cover ng sofa set tatlo lang kasi ang available design nito.

Gamit sa mga cr ang aming sunod na kinuha, pumili din ako ng buffet table na kulay itim para pares sa sofa ilalagay ko kasi ito sa pagitan ng Sala at dining. Sinunod namin ang study table ko set na rin yun may kasama ng office chair, kumuha din ako ng dining table dapat yung pang apat lang na tao ang kukunin ko pero mapilit si Jin kunin ko yung pang walo-han pito daw kaming mag kakaibigan may balak talaga itong mag stay sa condo ko.

Dahil mapilit sya yun na nga kinuha ko saka kinuha ko na rin yung gusto kung table set ilalagay ko sa aking beranda. Matapos kami doon sa may appliances naman kami una namin pinuntahan ang mga pridyider natipuhan ko ang isang kulay gray na malaking pridyider na may dalawang pinto.

Nang makapili sabi ni Jin sya na ang titingin kung okay yung babalutin ng mga nag a-assist sa amin mamili na daw ako saka iutos ko sa salesman na nakasunod sa akin ang mga dapat i- testing muna dalhin sa kanya, kaya naman wala akong nagawa kundi sumangayun dito.

Matapos mag hiwalay dalawang salesman ang nakasunod sa akin na may tulak pareho ng dalawang cart na walang laman, nang mapadaan ako sa may oven lumaki ang mga mata ko ito ang kailangan ko sabi ko sa sarili ko.

Pumili ako ng hindi man kalakihang oven yung tama lang na makaka-bake ako ng cake, di kuryente ang kinuha ko mas mahal ang gas keysa sa kuryente.  Sinunod ko ang microwave at oven toaster, kumuha din ako ng blender at dalawang klase ng waffle maker.

Sinunod ko naman ang isang electric air pot at three layer ng electric steamer, rice cooker at water dispenser, matapos yan umalis na yung isang salesman para ihatid kung saan naruon si Jin ang mga nasa cart na dala nito.

Marami pa akong kinuha mga gamit sa pagluluto katulad ng kaldero, kawali at kaserola at iba pa. Pinggan, kutsara, tinidor, baso at lahat ng gamit ng kusina,Kumuha din ako ng gamit sa pag-bake.

Anim na electic fan ang kinuha ko limang stand at isang hanging, napunta ako sa section ng mga TV kaya agad akong pumili ng isang malaking TV na ilalagay ko sa Sala sabi nung salesman pag yun daw ang bibilhin ko may free na TV rack pwede pa daw pumili ng disenyo may speaker din daw itong kasama, at Computer set para sa pag aaral ko.

Napadaan ako sa mga halaman kaya nag laro ang imagination ko sa gagawin ko sa beranda ko kaya kumuha din ako ng maraming halaman.

Pag kalampas ko doon napa-ikot ako kaya nadaanan ko ang mga washing machine kaya kumuha na din ako pati na isang set ng plantsa sa damit, pati na isang clothes steamer, at iba pang gamit sa paglalaba.








----itutuloy--------

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon