CHAPTER 1

1.6K 58 10
                                    

Kinabukasan ay naghanap agad kaming tatlo ng trabaho, nahiwalay kaming tatlo at agad akong naghanap ng hiring na masahista pero wala talaga. I went home tired and hungry. Ganon din ang mga kaibigan ko.

"Unang araw pa lang, wag tayo mawalan ng pag-asa." Kaye said cheerfully. We nodded at kumain.

Kinabukasan ganon parin ang nangyari, walang hiring parang gusto ko na lang umiyak sa pagod. Pero hindi, wala pang buwan kaya hindi dapat ako mawalan ng pag-asa.

After 3 days nakahanap ako ng trabaho, hindi ganon kalaki ang sahod pero okay na 'yon kesa sa wala diba? My friends found a job too, si Kate ay pumasok bilang waitress sa isang club, nag-alala pa kami dahil club 'yun. Hindi maiiwasan na mabastos siya. Pero sabi niya okay lang dahil waiter lang naman siya. Si Gel naman ay isang cashier sa isang mall. Maayos naman ang trabaho namin for 2 months, not until Nanay called crying.

[Nak, nasa hospital kami ngayon.] My chest bounced so fast dahil sa kaba. Nag-aalala ako para kay Tatay, at Nanay.

"Bakit ano nangyari, nay?" nag-aalala kung tanong. I heard her sobbed and sighed.

[Inatake sa puso ang itay, sabi ng doctor kailangan daw ito mabantayan ng maiigi kaya dapat manatili ito sa hospital.]

"Sige nay, maghahanap ako ng trabaho para makatulog."

[Nak, pasensya kana ha. Ikaw pa ang nagpasan ng problema namin.] I shook my head and chuckled.

"Nay naman, sobra-sobra pa nga ang ginawa niyo sakin eh. Wag ka mag-alala nay, maghahanap ako ng trabaho. Magpagaling lang si itay at ikaw rin, wag papabayaan ang sarili." paalala ko sa kanya.

[Mag ingat ka d'yan nak.]

Nagusap pa kami nang madali ni Nanay bago niya ibaba ang tawag dahil oras na ng gamot ni Tatay. I sighed heavily and looked at the ceiling.

Saan naman ako mag hahanap ng malaking pera para sa gamot at bills ni Tatay. Si Nanay ay may sakit rin kaya kailangan niya rin ng maintenance. Hindi sapat ang sahod ko, dahil kailangan ko pa mag-ambag dito sa upa.

Kinabukasan habang nasa hapag ay tinananong ko si Kate.

"Kate...malaki ba ang sahod mo sa club?" Sabay napatingin ang dalawa kung kaibigan sakin. Nakasalubong ang kilay nila.

"Oo. Bakit?" nagtatakang tanong ni Kate, pero mukha may hinala na siya.

"Nako, hindi ko gusto yan. Beb ha," reklamo ni Gel.

"Kailangan ko ng pera." giit ko.

"Pwede ka naman mag apply ng ibang trabaho ah."

"Umaga ang trabaho ko, kaya may oras pa ako mula 7pm. Sayang din 'yon."

Makakatulong 'yun sa pangangailangan ko. I'm rich. I can just go back to my family. I'm the only daughter but no. I have my pride. Hindi ako babalik sa buhay na meron ako noon.

"Kahit sabihin natin malaki ang bayad doon hindi parin magandang trabaho 'yun." paninindigan ni Gel. Napailing nalang si Kate at nagpatuloy sa pagkain.

"Gel, walang trabaho na nagsisimula nang 7pm." depensa ko.

"Nagpapa-table ako kaya malaki ang sahod ko. Plus may tip pa." sabi ni Kate.

"Waitress lang ako." paawa kung tinignan si Gel na mukhang hindi parin sangayon sa desisyon ko. Wala na akong oras mag nahanap ng trabaho dahil nasa hospital na si itay. Maraming gastusin. Kaya dapat malaki ang sahod.

The Billionaire's TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon