Chapter 4

19 3 1
                                    

Kath's Pov

Ang tahimik, kahit saan ka tumingin puti lang ang makikita mo, ramdam mo ang lungkot sa lugar na to
Napatingin ako sa taong nakahiga sa hospital bed, walang malay at tanging makina na lamang ang bumubuhay
Linapitan ko siya.

"Hi, sorry ngayon lang ako nakadalaw" para akong tangang kumakausap ng walang malay dito

"Namimiss na kita, namimiss ko na ang ate ko, ang kambal ko"
yes, kapatid ko siya at kakambal ko pa pero matanda siya ng 3mins sa akin

"Sorry ate" naalala ko nanaman yung araw na yun, ang bangungot ko, ang nagbabago ng lahat

Kung bakit nawala ang lahit sa akin.

Everything changed

Flashback

"Kath ano ba, magagalit na sila mama sa atin niyan e." Sabi ni Julia

"sis, trust me ok? Ang boring kaya dyan sa party na yan puro mayayaman."

"pero Kath naman e. Baka hinahanap na tayo" sagot niya at nag alala

"Julia stop being good girl muna ok? Alam mo namang di nagagalit sila mama sayo kasi favorite ka niya."

"Kath di totoo yan pantay lang tayo kay mama"

"whatever, tara na ok?" Sagot ko

"Kath naman e."

"Fine! Kung ayaw mo edi wag." Sagot ko then tumakbo tumawid ako and di ko na pansin na

*beeep beeep*

"Aaaaahhh" tinulak ako ni Julia kaya siya ang natamaan ng truck

"Juliaaaa" si dj

Pinuntahan ko siya kahit madami akong gasgas, nakita ko siyang duguan

"K-kath" may konting luha siya sa mata

"Julia sorry. Hold-on please. Tulong"

Dahil siguro sa ingay ng truck kanina at sa sigaw namin nagsilabasan ang mga tao

"Julia anak! Jusko" tinulak ako ni mama at agad na niyakap si Julia

"Tumawag kayo ng Doctor" sabi ni Dad

At dun lang natauhan si Dj dahil natulala siya at tinignan ako ng masama

nililigawan ni Dj si Julia that time.

"Ikaw kasalanan mo to!"sabi ni mama habang tinuturo ako

"Sorry , I'm sorry hindi ko sinasadya , sorry" sabi ko habang umiiyak.

"Pag may nangyaring masama sa anak ko hinding hindi kita mapapatawad."

Agad siyang pinigilan ni Dad

"Hon, ano ba anak mo rin yan" suway ni Dad

"Wala akong anak na ganyan ang ugali" sabi ni mama sabay umalis

That time I felt that I'm alone, I had nothing and I lost everything

That was 4 years ago

That party para sa amin yun at birthday namin yun.
--
"Sorry Julia , sorry, kasalanan ko kung bakit nangyari to, s-siguro karma ko na to. " I said while crying

"Bakit ganun sis, ako yung nasa tabi nila ngayon pero bakit ikaw pa rin ang hinahanap nila? P-parang di ako nag eexist kay mama. Everybody hates me, s-si mama, si dj and I-i know sinisi rin ako ng barkada , kahit na pinagtatanggol nila ako, noong nawala ka nafeel ko yung paglayo nila sa akin p-pero alam kong napatawad na nila ako , pero si Dj,
Hindi niya ako mapatawad" pinunasan ko ang luha ko
"I tried everything para mapalitan ka sa puso nila, para mawala ang pangungulila nila sayo, ginaya ko nga ang pananamit mo e, wala na yung Kath na boyish, pero alam mo kung anong sinabi ni mama" napapikit ako habang inaalala yung pangyayaring yun

Flashback

3 days mula ng macoma si Julia lagi nalang umiiyak si mama kaya naisipan kong gayahin si Julia dali-dali akong pumunta sa closet namin at kinuha ko nag dress ni Julia, ito ata yung regalo ni mama nung birthday namin last year, kinulot ko rin yung baba ng buhok ko then tumakbo ako palabas at agad na pumunta kay mama

"Mama look oh, bagay ko po ba?" Sabi ko while smiling pero nagulat ako ng hinawakan ni mama yung braso ko
"M-ma nasasaktan po ako"

"Bakit mo suot yan! Hubarin mo yan kay Julia yan!" Pilit niyang inaalis yung suot ko

"M-ma gusto ko lang naman pong maging katulad ni Julia"

"kailanman HINDING HINDI KA MAGIGING SI JULIA!"

"See? Pero hindi ako sumuko kaya ito ako ngayon ang bagong Kath, sweet, fashionista , makulit at mahinhin, I wanted to be like you. I want to be the best pero bakit parang may kulang ginawa ko na lahat pero ikaw pa rin ang the best. I'll always be your shadow."

"Sana ako nalang ikaw or better kung ako nalang ang nabangga para wala ng nasasaktan pa"
I laughed , tawang walang emosyon

"Sorry ah? Ang drama ko e kasalanan ko naman to. Sige alis na ko. Birthday na natin sa susunod na araw sana gumising ka na" I said before I left.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chased by Past (KathNiel /JulKath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon