Chapter 3

21 2 0
                                    

Kath's Pov

"Hi Dj Good Morning"

masigla ko siyang binati pagkarating na pagkarating ko sa tambayan . namiss ko siya grabe .

"Pwede ba ang ingay mo alam mo yun?" Sagot niya habang nakapokerface

"Dj naman e. Namiss lang kita" Sabi ko habang nakapout

"Stop being childish. can you?" Inis na sagot niya.

So I decided titigilan ko na siya ngayong araw lang.

"Fine. I'm sorry" I answered sabay yuko

"Kathy ko. Good Morning." Biglang dumating si Miles at sobrang sigla niya pa

"Morning" sabi ko ng walang kabuhay buhay

"Oh? Anyare? Hoyyy DJ INAWAY MO NANAMAN BA TO?!" Galit na sigaw ni Miles

Alam na alam niya kasi pag naiinis si dj sa akin bigla akong nalulungkot

"kasalanan ko bang nakakairita siya? feeling bata di naman bagay!" Sigaw ni Dj

Feeling ko nagkakainitan na sila so pinigilan ko na agad sila.

"Miles stop. it's my fault ok?" Hinawakan ko yung kamay niya para di niya sugurin si Dj

Umpisa pa lang ayaw niya si Dj para sa akin kasi daw lagi daw akong sinusungitan ni Dj. Sus! If I know crush niya rin ako

Haha sige kath maganda yan paasahin mo pa sarili mo!

"Anyways Kath kamusta na siya?" Tanong ni Kuya Neil na kararating lang

"Ahh ano kuya ganon pa rin " sabi ko habang nakayuko

"Kasalanan mo" narinig kong bulong ni Dj kaya mas lalo akong napayuko

"I'm sorry" yan nalang ang nasabi ko

"Sa tingin mo may magagawa yang sorry mo?" Ramdam ko ang coldness ni Dj kaya naiiyak ako agad namang lumapit si Miles at niyakap ako

"Ano ba Dj! Walang may kasalanan non ok?" Suway ni ate Yen

"Sus ang drama" sabi ni Dj bago umalis.

Buti nalang nagring na yung bell pero nagditch na lang ako ng class.

Naalala ko nanaman yun, ang bangungot sa buhay ko

The reason why I lost everything.

Gusto kong pumunta sa tahimik na lugar so I decided to go sa Garden.

And there I cried silently.

Bakit ba lahat sila gusto siya? Paano naman ako? Wala na ba talagang natitira para sa akin ? Lagi nalang akong 2nd option.
Bakit ganun? Kahit wala ka na, ikaw pa rin ang hanap. Ikaw pa rin ang the best.
Kahit sana si Dj lang , kahit siya lang ang pumansin sa akin. Pero bakit ganun ? Karma ko ba to?

"psh. Ingay" napalingon ako at nakita kong si Dj pala ang nagsalita

Agad kong pinunasan ang luha ko

"I-i'm sorry" yun na lang ang sinagot ko.

"So feeling mo pag umiyak ka , may magbabago?"

Hindi ako sumagot sa tanong niya.
Pagtingin ko sakanya naglalakad na siya paalis.

Nasasaktan ako pero I know matatapos rin to, siguro pagbumalik na siya.

Chased by Past (KathNiel /JulKath)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon