CHAPTER 1

18 0 0
                                    

CHAPTER 1: A PROMISE TO MY SELF


[YANI'S POV]


"Hoy kanina ka pa tahimik dyan ah?" biglang basag ni Blaise sa katahimikan ko.



"Pakialam mo ba?" sabay irap ko sakanya.



"Tsk. Halimaw." pang-aasar ni Blaise.



"Panget!" sabay belat na sabi ko sakanya.



"Tomboy!" pagbabalik nya.



Babatuhin ko na sana sya ng throw pillow na nasa tabi ko ng biglang magsalita si Aiden.



"Hoy Blaise, tigilan mo na nga yan. Bahala kang maglinis ng bahay mo pag may mga lumipad na kung ano-ano dito. Gusto mong bagyuhin tong bahay mo? Aso't pusa na naman kayo eh." nakangising sabi ni Aiden.



"Sya kasi nauna eh. Nakita ng nanahimik ako dito biglang mang-aasar. Tsh." nag-pout naman ako.



Pinatong ni Aiden yung kamay nya sa ulo ko tsaka sinabing, "Yaan mo na yan, sadyang love ka lang nyan kaya palagi kang napapansin."



"YUCK/GROSS!!!" sabay naming sabi ni Blaise.



Nagtawanan naman ang mga mokong kong barkada dahil sa reaction namin ni Blaise. -_____-



Tumayo ako sabay sabi ng, "Ay ewan sainyo! Matutulog nalang ako sa taas. Ang ingay nyo. Mga lalake pa naman kayo pero ang iingay nyo!" sabay belat ko kanila.



"Ayaw mo bang sumali? Mag-iinuman kami. Maggagabi narin eh. Tamang tama." singit ni Zeke.



"Pre, alam mo namang di umiinom yan niyaya mo pa. Good girl yan pre siga lang." sagot ni Aiden kay Zeke.



"Tsh." pailing iling na sabi ni Zeke.



"Hey, gusto mo samahan kita matulog? Okay lang sakin?" ngiting halimaw naman si Kael.



May evil plan na naman ata ang mokong.



Tumigil ako saglit. Umupo sa sahig..... *wuuuush!* at may lumilipad ng sapatos papunta kay Kael.

Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon