The heart breaking part

19 3 1
                                    

⇨⇨⇨Recess

"Hello kim!"

"Hi" ano ba yan?! Pang100 nabati na sakin yan halos lahat na ata ng girls sa campus babatiin ako ngayong umaga! Nakakainis talaga yung kumag na yun wag lang siyang magpapakita sakin kala niya!

"Bes anyare sa muka mo?"-alexa

"Common sense naman alexa sa dami pa namang bumati sakanya ngayong araw at sa dami pa naman ng nakakakilala sakanya ngayon sa tingin mo sisigla araw niyan? Ni ayaw nga niyang naiinvolve siya sa buong campus"buti pa si jess alam eh minsan kasi slow din tong si alexa eh

"Si josh oh!"-alexa

Nasan?! Nasan?! Teka? Sino yung babaeng nakakapit sa braso niya?! Papatayin ko!!!!!

"Hi kim! Nga pala si rhaine girlfriend ko"-josh

G-girlfriend?? Nananaginip ba ko? Kung nananaginip ako gisingin niyo ko sa bangungot na to!!!!!!!!

"Ahh he-hello rhaine congrats"

"Hi thanks una na kami ng my loves ko ah bye"-rhaine

"Sige kim alis na kami"-josh

"Si-sige"

Hindi pwede to! Hindi!! Ayaw ko!!! Akin lang si josh!! Akin lang!!!!!!

"Bes..."-jessica

"Tama si alexa...kung ano talagang nakatadhanang mangyari,mangyayari at mangyayari pa din yun.."

"Okay lang yan madami pang iba diyan"-jessica

"Oo nga yung mas deserve ka"-alexa

"Iwanan niyo muna ako gusto kong mapagisa.."

"Pero bes.."-jessica

"Please?"

"Kim lalaki lang yan wag ka namang ganyan"-alexa

"Gusto ko lang mapagisa"

"Sige.."-alexa and jessica

----------------------------

@ the school garden

Masakit T_T kanina pa ko iyak ng iyak dito....bakit?! Pano?! Bakit ngayon pa! Hindi to nangyayari! Mahal ako ni josh alam ko yan hinug pa nga niya ako tapos sakin lang siya laging masaya! Pero bakit ganto?! Ganto ba ang kapalit ng paghihirap kong mapasakin siya?! Sana pala hindi ko nalang siya minahal sana pala di ko na siya nakilala! Masakit! Feeling ko parang dinurog na paminta tong puso ko! Waaaaaahhhhhhhh!!!!!!

"Uy nerdy witch bakit wala ka sa room magi-skip ka ng class noh?! Lagot ka sumbong kita"-john

"Wag mo nga akong pakialaman!"

"Ito naman binibiro lang sorry na! Bakit parang mugto yang mata mo ha?! Umiyak ka ba?"-john

"Hindi ako umiyak! Sinapak ako kaya mugto mata ko! Nakita na ngang may luha natural umiyak!"

"Bakit anong nangyari?"-john

"Wag mo ng tanungin! Umalis ka na nga!"

"Alam mo lalo ka lang masasaktan kung lalo mo siyang iiyakan.." aba't tumabi pa sakin ah! Sabi ko ng umalis kainis!

"Akala ko ba di mo alam?!"

"Nakita kita kanina sa canteen kausap mo yung josh ba yun? tapos narinig kong pinakilala niya yung gf niya sayo tapos sabi ng mama mo crush mo daw yun since grade 8 nung nakita kita halos parang sinakluban ka ng langit at lupa tapos ayun sinundan kita dito nakita nalang kitang umiiyak at nakaupo ng magisa sa ilalim ng puno na parang baliw"

"O talaga?"

"Pilosopo. Alam mo kung ako sayo wag mong iyakan yung paasa mong crush at tsaka mas mabuti nga na mangyari yun eh"

"Mabuti? Sa tingin mo mabuti ha? Di mo kasi alam nararamdaman na masaktan at umasa kaya para sayo easy lang ang lahat! At tsaka aminin mo na natutuwa kang makita akong umiiyak!"

"Yan mahirap sayo ako na nga tong dinadamayan ka ako pa lumalabas na masama! Ang sinasabi ko lang mabuti pa na nangyari to atleast hindi ka magiging isa sa mga babae nung josh na yun!At nga pala bago ka magkacrush sa isang lalaki alamin mo muna personality nila hindi yung nakikita mong perpekto sila!"

"Sinabi ko bang damayan mo ko?! Pinapaalis na nga kita tapos sasabihin mo ikaw lumalabas na masama?!"

"Alam mo kim tama ngang nangyari sayo yan ng matauhan ka, makaalis na nga! Bahala ka sa buhay mo nerdy witch!"

Bakit ba sa lahat ng magiging kababata ko eto pang si john! Lagi nalang niya akong inaasar hindi lang asar sermon pa! Akala niya kasi lahat ng bagay madali lang! Kung alam ko lang na mangyayari to hindi na sana ako umasa! Hindi na sana ako naghintay ng dalawang taon! At hindi na sana ako nagpakahirap na gawin lahat ng projects niya! Pero wala nangyari na, nangyari na ang pinakamalas na araw ko! Ayoko na! Ayoko ng mabuhay! Lagi nalang akong nasasaktan! Lahat ng naging bf ko sinaktan lang ako! Pinaglaruan! Nihindi man nila ako minahal ng totoo...

------------------

"Class dismissed"-sir

"Kim okay ka lang kanina ka pa tulala at naliligo sa luha mo"-alexa

"Oo nga kanina ka pa pati napapansin ni sir"-jessica

"wag niyo akong kausapin wala ako sa mood.."

Hindi ko na kayang pumasok bukas at sa susunod na bukas at sa susunod pang bukas ayaw ko na....masakit na dito pa nga lang sa corridor ng building tanaw ko na ang landian nila josh at ang masakit dun hinalikan ni josh si rhaine....antanga ko nagkagusto ako sa taong hindi naman ako kayang mahalin..

"Kim ano ba ha?! Ganyan ka nalang ba buong araw hindi ka lang sinakluban ng langit at lupa eh nagihuan ka pa ata!"-alex

"Sige una nako...babay na" matamlay kong sabi sakanila nihindi ko na kayang maglakad pauwi nihindi ko na rin kayang magsalita sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko

"Sige ako ng bahala sakanya ingat nalang kayo"sabi ni john sa mga kaibigan ko

"Sige salamat ingat kayo"-jessica

"Sige"-john

"Mauna kana ayoko pang umuwi.." sabi ko kay john wala akong ganang makipag asaran at makipag away sakanya

"Mag-usap tayo"sabi sakin ni john sabay hila sakin palabas ng school

"Saan tayo pupunta?"

"Basta sumunod ka nalang" di naman ako makapalag dahil parang hinigop ng ipo ipo ang buong enerhiya ng katawan ko...

@ the park...

"Mag-usap nga tayo!"-john

Sermon nanaman to panigurado..

"Ge lang"

"Ikaw nga magayos ka ha! Di lang si josh ang lalaki sa mundo kaya wag kang parang ewan diyan! Nerdy witch ka na nga mas lalo ka pang naging witch! Kamuka mo na kaya yung matandang mangkukulam sa snow white"

"Salamat sa compliment"

"Your welcome, mag ayos ka ng hindi ka naman nag mumukang mangkukulam diyan ayusin mo sarili mo uuwi na tayo wala naman akong mapapala kahit ano namang sabihin ko di ka makikinig masasayang lang laway ko sayo"

Hay salamat buti nalang nalaman niyang masasayang lang talaga laway niya hayss

"Buti alam mo"

"Mag ayos ka na makita ka pa ni tita magtaka pa yun sa itsura mo"

******************

Next chapter na po yung kadugtong masyado na pkng mahaba eh salamat sa mga bumabasa!! <3

DreamDonde viven las historias. Descúbrelo ahora