Prologue

14 0 0
                                    

This story is a work of fiction. Names , Characters, business, places, events and incidents are all the products of my imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is  purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission to the author.

Reminder: Plagiarism is a CRIME!!

Advanced sorry for my grammatical errors  also sa typo's please bear with me because I made this story using my cellphone

Moreover, I would like to take this opportunity to say thank you sa mga readers ko. I truly appreciated you all! Kayo ang dahilan kung bakit gusto ko pang gumawa ng story. Again, thank you and I promise to do my best para mabigyan kayo ng magagandang story.

That would be all!

Enjoy reading:>
_______________________________________

"Patago ka pa rin palang nag aaral! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag kanang mag aral at mag trabaho kana lang para makatulong ka man lang saamin!" sigaw ng aking ina na bumisita sa bahay ng aking lola. Pagka lipas ng anim na buwan na pag dala saakin ni lola rito sa probinsya nila.

"Ano ka ba naman...hayaan mong mag aral ang anak mo..mabuti nga at kahit na tayo ay kapos sa buhay may pangarap pa rin ang anak mong mai-ahon tayo sa hirap." Sabi ng aking lola. Siya lang ang tanging kakampi ko sa pamilya namin dahil kahit ang iba kong kamag-anak ay hindi maayos ang trato saakin. Hindi ko alam kung ano'ng nagawa kong mali. Namulat nalang ako sa mundong ito na galit silang lahat saakin.

"Maiahon sa hirap?...Nay...'wag kang nag papadala sa mga sinasabi ng babaeng 'yan. Pagkatapos niyan mag-aral iiwan rin tayo niyan!.." humarap siya saakin at tinuro niya ako gamit ang hintuturo niya "Anong maaahon sa hirap ang sinasabi mo ha?! e ngayon pa nga lang pinapahirapan mo na kami dahil diyan sa mga gastos para sa school mo at sa pangkain mo sa araw-araw!"

"Mama mag tatrabaho naman po ako para po sa mga gastusin ko sa school"

"At ano?...hindi ka tutulong sa mga gastusin sa bahay ha?!" Napayuko ako dahil sa lakas ng sigaw niya

"Mag-bibigay naman po ako kapag may sobra sa sahod ko" mahina kong saad

"Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa'yo na huwag kanang mag-aral para maibigay mo lahat ng sahod mo para sa mga gastusin dito sa bahay!..pinayagan na nga kitang mag-tapos ng highschool tapos mag-co-college ka pa! Alam mo ba kung gaano kagastos ang college?!"

"May scholarship po doon sa school na papasukan ko, susubukan ko pong mag apply roon"

"At sa tingin mo ba makakapasa ang isang kagaya mo doon?" Ang kanina ko pang pinipigilang luha ay bumuhos na sa pisnge ko

"Eda!.." pumagitna saamin si lola para harapin ang kaniyang anak "Sumosobra kana, hindi kita pinalaking ganyan!...bakit pilit mong pinipigilan mangarap ang anak mo?...imbis na matuwa ka dahil iniisip niya ang hinaharap nating lahat nagagalit ka pa!"

"Nay naman...hindi mo alam kung anong mangyayari sa hinaharap. Sinasabi lang ng babae na 'yan natutulungan tayo in the future pero kapag-nakamit na niyan ang pangarap niya at magkaroon ng maayos at disenteng trabaho, iiwan din tayo niyan! Kagaya nalang ni tatay na tinalikuran tayo matapos mong tulungan na makapag tapos ng pag aaral noon!" Bata palang sila mama iniwan na sila ni lolo dahil nakahanap ng iba sa trabaho, engineer ang lolo ko at hindi naman niya iniwan ang responsibilidad niya sa kaniyang pamilya. Kaya't ang dalawang anak ni lola ay nakapag-tapos, si mama lang ang hindi dahil mas piniling mag asawa ng maaga. May kapatid akong mas nakakatanda saakin at hindi nila tinatrato ng ganito, tanging ako lang ang kinasusuklaman nila sa hindi ko malamang kadahilanan.

"Magka-iba ang apo at ang ama mo, Eda!...huwag na huwag mong ikukumpara ang anak mo sa ama mo!"

"Pwede ba...hindi ko 'yan anak!" Ani mama at tinalikuran kami para pumasok sa dati niyang kwarto na ginagamit ko ngayon. Tinapon niya ang mga unan at kumot ko sa labas ng kwarto pati na rin ang mga damit ko

"Eda!" Sigaw ni lola pero hindi siya nito pinansin at pinag-sarahan lang ng pintuan

"Okay lang po lola" pinunasan ko ang mga luha ko at nginitian si lola. Isa isang pinulot ang mga gamit ko.

"Ilagay mo roon sa kwarto ko, tabi nalang muna tayo matulog" tumango ako sa sinabi ni lola at pumunta na sa kwarto niya para i-ayos ang mga gamit ko.

My whole life was miserable. Nakakalimutan ko lang ang problema rito sa bahay kapag nasa school ako. Minsan naiisip ko na umalis nalang at magpaka layo-layo but when I think of my grandmother it made me feel that I needed to stay. Araw-araw niya akong sinasabihan na 'wag sumuko kahit ano mang-mangyari. She is the only source of my strength and I don't want to disappoint her.

Simula bata palang ako si lola na ang takbuhan ko. Napilitan si lola na tumira kasama namin sa manila para lang mapigilan niya si mama na saktan ako. But that didn't stop my mother to hurt me. Yes, she can't hurt me physically because my lola is there. Pero nasasaktan niya ako emotionally the way she treat me na ibang iba sa nakakatanda kong kapatid. Pakiramdam ko hindi ako belong sa pamilya nila. Ang papa ko naman ay walang paki-alam. Hindi ako sinasaktan ng papa ko pero okay lang rin sakanya na saktan ako ni mama. It hurts how my whole family dislike me. Even my own sister can't treat me well. She treat me like a trash, like a maid.

My life was a mess. It's full of black which represents my loneliness and sadness at kahit saan ako tumingin wala akong makitang liwanag. I can't even call my house our home because I never felt that it was my home. I have no one but my grandmother. The only person who give me the reason to keep going in life is my grandmother.

Anim na buwan na ang nakakaraan nang i-uwi ako rito ni lola sa kanilang probinsya. Nag transfer ako at nag tapos ng highschool sa paaralan rito. Hindi alam ni mama na pinag patuloy ko pa rin ang pag-aaral ko rito. Pilit niya akong pinapatigil pero hindi ko ginawa. Lagi akong nag hahanap ng paaraan para makapag aral ako. Sa edad na sampu natuto na akong magtrabaho, kung ano-ano na ang napasukan kong trabaho para lang makapag aral.

Sa anim na buwan namin rito sa probinsya gumaan ang pakiramdam ko. Hindi sumasakit ang ulo ko sa mga masasakit na salitang lumalabas sa bibig ng pamilya ko. Anim na buwan akong nakahinga. At tama nga sila may hangganan ang lahat. Kaya't alam ko na ngayong araw nagtatapos ang pahinga ko sa lahat ng problema ko.

_______________________________________

Kung ang lola ni Jamaica ang source of strength niya...well, saakin naman kayong mga readers ko ang source of strength ko to keep doing my passion, ehe.

PLEASE VOTE AND COMMENT FOR THIS STORY :>

The Real BuenvenidaWhere stories live. Discover now