I feel hurt, suffocated, frustrated in one word, pained. I feel it...again. Pinaramdam na naman sa akin ng tadhana ang pinaka-ayaw ko na ulit pa'ng maramdaman at maranasan. Paulit-ulit nalang, eh. Palagi nalang ako'ng sinasakal ng pag-ibig na ito.
Sa naalala ko binigay ko ng buong-buo. Oo, buong buo! Tapos ngayon? Ano na? Wala! Lahat sila ganoon ginawa sa akin. Sa bawat nangyayari iyon sinasabi ko sa sarili ko na sa susunod na mahuhulog ulit ako ay ipaparamdam ko kung ano 'yung nag kulang kung bakit nila ako iniwan, 'edi ako na si tanga, binigay ko lahat lahat. Pero umalis pa din, kaya sa susunod na dadating na lalaki iyon 'din ang ginawa ko, dinoble ko pa. Pero...parihas lang.
Napatingin ako sa kaibigan ko'ng wala ng preno ang bibig.
"Hindi ka pa ba natututo, ha? Isabelle?" pinagtaasan pa niya ako ng kilay. "Kay rupok 'din ng puso mo'ng iyan eh 'no?"
Sumimangot lang ako dito bago pinagmasdan ang bote ng alak na hawak ko. Hay...ano ba yan Isa. Akala ko ba pagod ka na kakaiyak? Hindi ko naman kasi maiwasan na namang isipin ang nakita ko noong nakaraang gabi.
"Ano yung sinabi ko sa iyo 'nung una? Unang kita ko palang 'don sa jowa mo kuno, pangit na pakiramdam ko kasing pangit niya. May balak ka 'pang sinrain ang kung anong mayroon sa atin para sa lalaking iyon? Ano yun? Higit pa ba 'yun sa gold, Isa para isalba mo ang isang 'yun kesa sa akin? Sa amin?" umiling-iling ito'ng tumingin sa akin. "Matanong ko nga, Isabelle. Hinigitan pa ba niya ang worth ng highest historical gold?"
Tumalikod ito sa akin saka naglakad papunta sa kusina na katapat lang din ng sala saka nag hila ng upuan doon at umupo tapos pinaningkitan ako ng mata niya. "Ang boba mo din 'eh 'no? Iniiyakan ang lalaking hindi dapat iyakan." tumungga ito sa hawak na alak. "Bronse lang naman iyon sa junk shop na napagpilian na."
Wala siyang balak uminom ngayon dahil daw may hang over pa siyang kaunting natira pero hindi naman ako tinanggihan nang ayain ko siya para naman may kadamay ako pero imbis na kadamay at advices ng isang tropa ay sermon ang inabot ko.
Makita ko lang talaga yung pinalit ng lalaking iyon akin, sabunutan talaga kami. Mag rambulan pa kami sa gitna ng kalsada. Alam naman 'ata niya siguro na may girlfriend na 'yung tao tapos nilalandi pa.
Umilaw ang cellphone ko kasabay ng pag tunog nito hudyat na may tumawag kaya nalipat ang tingin ko doon.
Lalove ko is calling....
Mapait ako'ng napangisi habang binabasa ang nakatakatak na pangalan sa cellphone habang hawak ko sa kamay.
Tangina eh. Nakakainis naman ito'ng sarili ko. Mahal pa 'din kita kahit ginago mo na ako... Ano na Isa? Tuloy pa ba din?
"Oh, ano? Sagutin mo na kung gusto mo'ng magpababoy ng paulit-ulit." tumayo ito at umalis. Bago pa man ay nagawa pa ako'ng irapan.
Bibili pa ata iyon ng stallion beer sa labas.
Marahan ko'ng dinala ang cellphone sa tenga ko saka tumitig sa kawalan. Hindi ko alam kung epekto lang ba to ng alak. Hindi ko pa nga naririnig yung boses niya, nasasaktan na naman ako.
"Love?" iyon ang ang salubong ng tawag sa akin. Iyon yung salubong palagi sa akin tuwing pag gising ko ng umaga, kapag may ginagawa ako, tuwing gabi, yung mga late night talks namin, tapos yung pasimleng date, at kapag magkikita kami. Ano ang lahat ng iyon? Tatapusin nalang ba yun? Sayang naman....
"Buti at sinagot mo na. Kagabi pa ako tawag ng tawag hindi ka manlang sumagot. Nag alala ako sayo, eh. Pinag alala mo ako." tahimik lang ako habang nakikinig sa kaniya sa kabilang linya pero binagsag iyon ng hikbi ko na kumawala sa aking bibig. Hindi naman ako umiiyak—umiiyak ako pero walang luha ah. Last na ata yung kanina. Sana naman at tiniming niyang umiiyak pa ako.
YOU ARE READING
03-16
No FicciónGirl Gang Series #1 He graduated with the course of BHM and because he has a talent for cooking and his skill were really good, he was able to build his own small restaurant in their area. He thought he would cook for the rest of his life for people...