Crazy for YOU #3

28 0 0
                                    

Hello guys Ü keep reading and enjoy ^___^
------------------------------------------------

Ivan's Pov

Hayy naku si mama talaga kung kelan 2nd quarter na tsaka pa ko pinalipat ng school -____"

Andito ako sa may tambayan namin kasama ang dalawang ungas kong kaibigan.

Papakilala ko muna ang sarili ko.

I'm Ivan Monteroso 16 year old, 4th year high school. Nag-iisang anak nina Ivon Monteroso at ni Isaac Monteroso. Mayaman, gwapo, matalino at habulin ng mga babae. Meron kaming mga branch ng sasakayan which is si daddy ang nagpapatakbo habang si mama naman ay may clothing line sa iba't-ibang bansa.

"Oh pare anung mukha yan?" Tanong ni vicent sakin ng may bitbit na can ng beer.

Vicent Lopez isa sa tropa ko mayaman, gwapo pero MAS gwapo ako syempre, chick magnet mas malakas mangchicks sakin yan.

"Mukha ng gwapo" walang ganang sagot ko

"Hahaha ayus mukha pre" natatawang sabe ni james sabay bato sakin ng unan na syang sapul ko sa mukha.

James Fortes mayaman, matalino, gwapo rin pero MAS gwapo talaga ko, sya lang mabait samin pero minsan malakas din mangtrip, loyal at stick to one.

"Fuck" binato ko sa kanya yung unan tarantado tong lalaking to kitang namumrublema yung tao eh.

"HAHAHAHA" Sabay namang natawa yung dalawa

Kahit kelan talaga tong dalawang to sarap upakan eh -___-"

"Haha di nga pre bat ganyan mukha mo nakabusangot?" Natatawang tanong ni james

"Naku mukhang alam ko na kung bakit haha" natatawa namang sabe ni vincent

"Talagang tinotoo ni mama yung pagtransfer ko kaurat -___-" naiinis talaga ko

Gusto nyo malaman kung bakit ako papalipatin ng school ng nanay ko? Dahil nakastrike 3 na ko sa kanya.

Dahil sa pakikipag away ko sa school once na umabot ng tatlo yung record ko palilipatin nya ko ng school -___-"

Sa GWAPO kong to! Kasalanan ko bang maraming ma'insecure sakin dahil MAS GWAPO ko sa kanila! Psh -__-

"Haha don't worry bro aasikasuhin na din namin ang paglipat sa school mo" sabe ni james. Sabe kasi nila once na pinagtransfery ako nila mama ay magtatransfery sila para sama-sama kaming tatlo.

"Salamat pre" buti na lang kahit may sapak minsan yang mga yan napapagkatiwalaan ko.

"Syempre naman ganun ka namin ka mahal fafa ivan" sabe ni vincent na pang gay na tono sabay yakap sakin

Kadiri tong lalaking to!

"Yuck pare! Lumayo ka nga! May payakap yakap pa! Kakilabot ka!" Pagpapaalis ko kay vincent talagang tinutulak ko sya.

"Fafa ivan" pag uulit ni vincent

"Fuck vincent! Layuan mo ko masasapak talaga kita!" Sigaw ko sa kanya ayaw kasing umalis sa pagkakayapos sakin bakla atat to eh.

"HAHAHAHA" Si james naman ayun tawa ng tawa bwisit kung tinutulungan nya kaya ko dito!

"Hoy james! Tulungan mo nga kong paalisin tong lalaki nato!" Sigaw ko sa kanya habang pinipilit tanggalin sa pagkakayakap si vincent sakin.

"Haha kaya muna yan pre" sabe ni james sabay layas!

PUTSA! >___<

Pag ako nakawala dito masasapak ko talaga to kahit kaibigan ko pa to!

Atlast! Humiwalay din sakin pakshet to -___-

"Fuck vincent! Sa susunod gawin mo ulit yun makakatikim ka ng sapak sakin" inis na sabe ko sa kanya

"Hahaha kinilig ka naman" aba ang gago tawa ng tawa loko talaga to

"Gago" mura ko sa kanya

Nagpaalam muna ko sa dalawa na aalis muna ko. Tinanong pa kung saan daw ako pupunta nung sinabe kong maghahanap ng chicks nagprisintang sumama si vincent.

Tsk! Pag chicks talaga ang usapan laging ready to.

Sumakay na ko sa kotse ko bahala na kung saan ako pumunta magpapalamig muna ko ng ulo ko bago ko pumunta sa condo ko dun muna ko magpapalipas ng gabe.

May condo unit na ko regalo sakin nila daddy nung birthday ko pero minsan ko lang to magamit kasi madalas sa bahay ako nauwi kasama nila mama.

Habang nagmamaneho ako sa inis ko di ko na malayang may tumawid kaya naman kamuntikan ko ng masagasaan buti na lang nakaiwas agad ako.

Bumaba ko ng kotse ko para matignan yung kamuntik ko ng mabangga.

Hoy di ako yung tipong hit and run no.

Pagkalapit ko babae pala yung kamuntik ko ng mabunggo at ang daming na tapon na cupcakes sa sahig.

Tsk! Mukhang mapapabayad pa ko nito ah.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Hello guys (*^_^*) ayan na meet nyo na ang tatlo pa nating character sa story na to (^_^) keep reading guys ^^ 

Crazy for YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon