Hello guys ^^ enjoy :) vote and comment.
-------------------------------------------------------Ivan's Pov
Aba bwisit yung babaeng yun matapos akong batuhin ng libro sa ulo ko at sigawan ulit ng "CHE" sa mukha ko na may kasama pang tumalsik na laway!
Kahit kelan kadiri yung babaeng yun!
Ang sakit nung ulo ko ah, kasalanan ko bang haharang harang sya sa daan.
Psh!
Makapunta na nga sa may school garden. Kanina pa ko siguro hinihintay nung dalawang ugok na yun.
Dun namin na pag-usupan na dun na lang kami magkita-kita. Wala kasi masyadong na punta na mga istudyante dun.
Pagkadating ko nakita ko si james na nakaupo isa sa mga bench dun habang umiinom ng coke in can.
Habang si vincent naman ayun may ka-akbayan na dalawang istudyanteng babae magkabilaan pa.
Tsk! Grabe ang bilis talaga nitong lalaking to -__-
"Oy pre" bati sakin ni james nung makalapit ako sa kanila
"Oh ivan andyan kana pala" parang timang ma sabe ni vincent
"Tsk" napa ismid na lang ako
Naupo na lang ako sa swing na nandito sa may garden.
Nakaka wala ng stress yung atmosphere dito sa may garden mabuti na lang dito namin naisipan na tumambay.
Kahit papano nawawala yung inis ko dun sa babaeng yun.
Baliw na ata yun eh. Tsk! -___-"
Bigla namang lumapit sakin si james at naupo sa katabi kong swing.
"Oh pre prublema mo nakasimangot kana naman dyan haha" natatawang sabe ni james pagkaupo nya
"May baliw kasi dito" inis na sagot ko
Anu bang klasesng school to pumapayag sila na may makapasok na baliw dito -___-
"Baliw? Haha may mental pala sila dito" kahit kelan minsan may sapak din tong lalaking to kahit na sya pa yung matino saming tatlo
"Adik" sabe ko sa kanya sabay batok pinagsasabe kasi
"Aray naman pre" reklamo nya sabas himas sa ulo nya
"Naalala mo yung kinwento kong babae sa inyo?" Tanong ko kay james
"Yung babaeng kamuntik munang mabunggo at nagpaulan ng laway sa mukha mo hahaha" sabe nya tapos tawa sya ng tawa
Walang hiya to tuwang tuwa ang loko.
Sya nga pala kaya alam ni james about dun sa babaeng baliw na yun dahil na ikwento ko sa kanila ni vincent yung nagyare.
"Tsk" napa ismid na lang ako.
Umayos na sya ng upo at huminto na sa kakatawa.
"Di nga pre anong meron dun sa babaeng yun?" Tanong nya
"Dito sya nag-aaral" tipid kong sagot
"Oh tapos?" Tanong ulit nya tino nito kausap oh -__-
"Nagkita kami kanina tapos binato nya ko ng libro sa ulo at sumigaw ulit sa harap ng mukha ko kaya ayun naulanan na naman ng laway nya" urat na sabe ko
Inis talaga yung babaeng yun -___-"
"Hahaha kawawa ka naman tol mukhang destiny kayo ah" sabe nya at tumawa na naman
Destiny?
Yuck di na uy! Kung sya lang din naman magiging destiny ko hwag na lang!
"Yuck pre destiny? No way" sabe ko sa kanya at tawa pa rin sya ng tawa
Tsk! Walang kwenta kausap -___-
"Ge tol balik na ko sa classroom ko" paalam ko sa kanya pati rin kay vincent na hanggang ngayon busy parin sa chicks nya.
Pagkabalik ko sa classroom na upo na ko sa upuan ko. Sinalpak ko yung earphone ko at tumungo na lang sa armchair ko.
Makatulog muna tutal di pa naman tapos ang breaktime.
Shane's Pov
After kumain ni abi bumalik na kami sa classroom namin pareho. 15 minutes na lang naman din before the bell.
Nung makabalik na ko sa classroom may nakita kong lalaki na nakatungo dun sa tabi ng upuan ko.
Teka parang di si francisco to maliit lang naman si francisco eh.
Nung nakitang kong pumasok ng classroom yung seatmate ko na si francisco ay agad ko naman syang tinanong kung sino tong nakatungo na to.
"Ah sya yung isa sa bagong transfery dito sa school natin. Eh diba late ako kay sir kanina kaya bakante yang upuan ko. Kaya dyan na lang sya umupo pero ok lang dun na lang ako sa may bandang dulo" sabe ni francisco at pumunta na sya dun sa pwesto nya.
Umupo na din ako sa upuan ko at di na lang pinansin yung katabi ko. Mukhang natutulog kasi.
BINABASA MO ANG
Crazy for YOU
Teen FictionIsang simpleng babae na maganda, mabait, matalino at higit sa lahat mapagmahal. Sa kabila ng ugali nyang yan sya rin ay isang babaeng makulit, kalog minsan at higit sa lahat baliw na baliw sa isang lalaking kinababaliwan nya. Isang lalaki na kahit i...