CHAPTER 1: Shekinah International Academy

110 28 302
                                    

CHAPTER 1: Shekinah International Academy

CHAPTER 1: Shekinah International Academy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Yen Ara's Pov

"Congratulations, Ms. Chaves! You are qualified for the full scholarship to Shekinah International Academy!" masayang sabi ni Mayor Tolentino.

"T-talaga po, Mayor? Full scholarship po?" Napatayo ako sa aking upuan sa harap ng table ng Mayor.

Napatayo rin siya sa kaniyang upuan at nakangiting tumango. "Yes, narito ang certificate ng iyong scholarship. Sa Lunes ay sasamahan ka ng aking secretary sa SIA upang ipaalam sa kanila na isa ka sa aking mga scholars."

"Thank you po, Mayor Tolentino! Malaking tulong po ito para sa amin ng pamilya ko. Makakapag-aral na po ako sa isang magandang eskuwelahan at walang iintindihing tuition fee."

"Of course, Ms. Chaves, you deserve it dahil matalino kang bata. Naipasa mo ang entrance exam nila and you are qualified according to our survey. Don't worry dahil bibigyan ka rin nila ng part-time sa library. At s'yempre may monthly allowance ka rin na matatanggap mula sa akin," malawak ang kaniyang ngiting paglalahad.

Bahagyang namilog ang aking mga mata at agad na napatakip sa bibig ko. "Thank you po talaga, Mayor. P-pero hindi n'yo na ho siguro ako kailangan pang bigyan ng monthly allowance. The full scholarship is more than enough na po."

"No, I insist that, Ms. Chaves. Kailangan mo iyon..." he said as he nodded.

"Salamat po, Mayor! Promise po pagbubutihin ko po ang pag-aaral at maging ang trabaho ko sa library."

"You're welcome, Ms. Chaves! Good luck!" nakangiti siyang nakipagkamay sa akin.

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi nang makalabas ako ng office ni Mayor. Hawak ko ang certificate na nagpapatunay na scholar ako ni Mayor sa Shekinah International Academy. Ang pinakasikat at pinakamalaking school dito sa Pampanga. Hindi ako makapaniwalang nakapasa ako sa entrance exam nila, gano'n din sa exam na ibinigay sa akin sa munisipyo.

Ang laking tulong nito para sa amin dahil hindi ko na kakailanganing magbayad pa sa matrikula ko. Medyo kapos na rin kasi kami dahil matumal ang gawa ni Papa sa construction site. Gano'n din sa panahian ni Mama na mababa ang benta rito.

Karamihan kasi ngayon sa mga mayayaman ay mas gusto nila ang branded na mga damit. At sa mga mall sila bumibili ng mga dress, gown, barong, at iba pang mga damit na signatured design.

Afford naman kasi nilang bumili ng mga iyon...

Nang makauwi na ako sa bahay namin, masaya kong ibinalita kina Mama na nakatanggap ako ng full scholarship mula kay Mayor. Maaari na rin akong mag-transfer doon simula sa Monday. Natuwa rin naman sina Papa at Mama, sinabi nilang pagbutihin ko raw ang aking pag-aaral. Para hindi masayang ang scholarship na natanggap ko.

Masuwerte ako dahil makakapag-aral ako sa SIA, marami kasing nangangarap na makapasok doon. Dahil isa sa pinakasikat na school iyon dito sa'min. Halos lahat ng mga students doon ay mga anak ng mga mayayaman. May iilan din naman gaya kong nakatanggap lang din ng scholarship kaya nakapasok sa school na 'yon.

Reach Upon A Star (BYEOL SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon