CHAPTER 7: She's Back

60 12 85
                                    

CHAPTER 7: She's back

Hindi ko naintindihan ang sinabi sa'kin ni Vance no'ng nakaraang araw. Bigla ba naman kasing dumagundong ang music sa speaker ng field na pinapatugtog doon ng mga player. Tinawag na rin siya ng mga teammates niya para bumalik sa practice, kaya hindi ko rin naman siya nakausap. Pero nagtataka talaga ako kung bakit niya ako biglang niyakap no'n...

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano bang sasalihan ko para sa nalalapit na Foundation week namin. Wala rin pa naman akong sinalihang club dahil transferee lang naman ako rito. Hindi naman ako marunong sumayaw, hindi rin ako kumakanta, hindi naman ako maganda para sumali sa pageant. Wala akong talent...tutulong na lang siguro ako sa pag-aayos ng program.

Bahala na si Bathala...

"Is it true? She's back na raw?"

"Yeah! I heard it too! My gosh! After how many months, then now she's back!"

"For sure, she'll get of everyone's attention again! How I wish, hindi na lang siya bumalik!" Dinig kong bulungan ng mga junior students dito sa library.

Sino naman kaya ang pinag-uusapan nilang nagbalik na? Grabe, hindi talaga mawawalan ng mga chismosa sa mundo. Kahit saan ka yata magpunta mayroon at mayroong chismosa.

After ng twenty minutes kong duty sa library, nagmamadali akong bumalik sa room namin dahil ayokong ma-late sa next period namin. Algebra pa naman ang next subject namin, masungit din kasi ang teacher namin do'n. Patakbo kong tinatahak ang hallway, when I suddenly bumped to someone. Our arms hit hard, causing the book I was carrying and her bag to fall.

"S-sorry...sorry miss—"

"It's fine. Just be careful next time," tipid siyang ngumiti sa'kin. Saka dinampot ang nahulog niyang bag, pinulot ko rin ang nabitawan kong libro.

Saglit pa akong napatitig sa maamo niyang mukha. Mayroon siyang singkit at kaibig-ibig na mga mata, mestiza, balingkinitan ang katawan, at lampas hanggang dibdib ang itim na bagsak niyang buhok.

Para siyang isang sikat na modelo...

Napataas siya ng kilay nang mapansing nakatitig ako sa kaniya. Marahan naman niyang hinawi ang kaniyang buhok at saka siya naglakad papalayo. Naiwan ako sa kinatatayuan kong napanganga sa kaniyang kagandahan.

Hindi ko alam kung estudyante rin ba siya rito sa SIA dahil hindi naman siya nakasuot ng uniform gaya sa'min. Nakasuot siya ng puting skirt na above the knee ang haba, at baby blue off shoulder blouse long sleeve. Simple lang pero ang lakas ng dating niya dahil magaling siyang magdala...

Bumalik lang ako sa ulirat nang makarinig ako ng bungisngisan ng mga babae. Nakangisi nila akong pinagmamasdan habang magkakrus ang kanilang mga braso sa dibdib nila.

Malalim akong napabuntong-hininga nang makita sila, tiyak na may masasabi na naman silang hindi maganda tungkol sa akin. Bahagya pa akong napaatras nang sabay-sabay silang lumapit sa'kin, at hindi mawala ang ngisi sa kanilang mukha.

"Well, well, well...good luck to you, poor girl. The real queen is back!" Nagitla ako nang tinapik ni Kira ang kaliwa kong pisngi.

Kaya't bahagya pa akong napapikit sa ginawa niyang 'yon. Dinig ko pa ang nakakainis na sabay-sabay na pagtawa nilang tatlo.

"Let's see kung makalapit ka pa kay Vance..." sambit ni Roxy, 'yung maputi sa kanila. Sinadya pa nilang banggain ako sa balikat. Saka sila naglakad papalayo sa'kin habang nanatiling nasa kanila ang aking paningin.

Ano bang sinasabi nila? Naguguluhan ako, hindi ko sila naunawaan. Real queen? Sino? At ano naman ngayon kung bumalik na siya? Mga nahihibang na talaga sila, malakas na yata talaga ang tama nila kay Vance.

Reach Upon A Star (BYEOL SERIES #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon