Short author's note:
Guys, sorry for the poor sound effects. Sa Simula lang po ito. I promise :D Please bear with me guys! Muah :*
.
.
.
.
.
.
*KRING KRING*
*KRING KRING*
*KRING KRING*
"Hello?"
"Gee!! Good heavens! Anong oras na? Nakalimutan mo na bang ngayon yung flight mo?!" Napadilat ako ng wala sa oras. Lahat ng antok, nawala ng parang bula.
"Anak naman! Haaaaayyy. Dalian mo na, two hours nalang bago yung flight mo!" Mabilis na napasapo yung palad ko sa noo ko. Patay!
"Omy!" Yun nalang nasabi ko sa pagkabigla.
"Haha. Ikaw talaga. O sige, dalian mo nang pagbibihis ng makaabot ka. Tumawag ka samin pagdating mo doon. Mag ingat ha? We love you." And agad ng binaba ni mama ang phone. Bigla nalang akong nakaramdam ng sobrang adrenaline sa katawan. Sa grabeng pagmamadali ay nakaligo, nakapagbihis, at naka alis na ako ng bahay sa loob ng thirty minutes. Gosh! Buti nalang at twenty minutes lang yung byahe ko papuntang airport. Binayaran ko na rin ng doble yung driver ng cab para mas bilisan niya yung pag d-drive niya.
after fifteen minutes, nakarating na ko. Thank God!
Papunta na ako sa assigned seat ko ng napansin ko yung lalaking magiging katabi ko. Siya yung nasa window seat. Infairness! Malakas ang dating ni Kuya. Kahit mejo mahaba na yung buhok niya, di maitatago yung brown na mga mata niya. Bagay na bagay sa kanya yung messy style ng buhok niya. Parang napakalambot kapag pinasadahan ng kamay. Kahit nakaupo siya ay kitang kita mo na maganda yung pangangatawan niya kasi maganda siya tumindig. Great God! I really am checking him out! Haha.
Yun nga lang, parang masungit. Nakakatitig lang siya sa harap niya na parang may malalim na iniisip.
Habang nakatayo ako at nag aayos ng luggage sa compartment, nahuli ko siyang tinitingnan ako habang nakakunot ang noo. Agad kong sinalubong ang tingin niya. I immediately grabbed the opportunity na kausapin siya.
"Hi, I'm Gee. Clarisse Gertrude....." Iaabot ko sana yung kamay ko ng pinutol niya ang pagsasalita ko.
"Santos."
"Wait. Do I know you?" May pagtataka sa tono ko. Paano niya naman ako kilala. Nagkita na ba kami? Sa isang party? Imposibleng makalimutan ko ang isang gwapong to.
Di na niya sinagot yung tanong ko at bumaling nalang sa bintana. Now what?? Basta sinaksak ko nalang sa compartment yung duffel bag ko at umupo agad sa tabi ni Mr. Sungit.
"Excuse me Sir pero nagkakakilala na ba tayo somewhere?" Di ako matahimik. Kinakalabit ko siya ng bigla siyang lumingon sakin at tumitig ng matalim. Hinintay ko na magsalita siya pero tumingin lang siya sa mata ko ng diretso.
Napalunok ako ng di oras kasi parang may nagbara na kung ano sa lalamunan ko. Bigla ako nakaramdam ng kaba. Pinagpawisan rin ako ng malamig.
Pagkatapos ng malalim na pagtitig niya sakin ay umiwas na siya ulit ng tingin . Nagsuot nalang siya ng headphones at pumikit ng mariin habang nakasandal ang ulo sa head rest.
Nang natauhan ako ay napatitig ako sa natutulog na si Mr. Sungit. Napakatulis na ilong, manipis at mapula ang labi, yung jawline na alam mong nagtatangis pag naiinis siya, at yung malalim pero expressive na mga mata. Lahat perpekto. Maliban lang sa isa, napaka SUNGIT.
"Who are you?"
Author's note:
Thank you! Thank you!
Thank you kasi kahit first try ko palang, binasa niyo parin. Di ko alam san ako nakahugot ng lakas ng loob i-publish to dito sa Wattpad. Nahihiya pa talaga ako I post tong story pero gusto ko kunin to as a challenge to myself para mas pag-igihan ko pa.
Dun sa kaibigan ko na nagpumilit kanina, thank you :* haha.
Feel free to comment your judgement about sa pagsusulat ko. Pagiigihan ko pa lalo tutal I have all the time in the world naman para seryosong makapagsulat.
That's all! Love y'all! Peace out! :D
BINABASA MO ANG
My heart says you (On-hold)
General FictionPaano mo ba masasabi na nagmamahal ka na ng totoo? Paano mo ba malalaman kung seryoso na ang nararamdaman mo? Yun ba ay nasusukat sa tagal ng feelings mo? or sa lakas ng impact sayo?