"Ano ka ba naman Gee?! Sa dinami-dami ng lugar na pwedeng puntahan, bakit ba dito mo pa naisipang magbakasyon sa Makati?" Bulyaw ni Dane sakin habang nasa taxi kami. Dane has been my friend since highschool. Graduation day pa namin yung last na nagkita kami. After graduation, I immediately boarded my flight to U.S.
Kababalik ko pa lang ng Pilipinas, bunganga na agad ng kaibigan ko nag welcome sakin. Great! Just great!
"Dane, hindi ako bumyahe ng halos isang araw para lang magpabunganga sayo. Tsaka hindi ako magbabakasyon, I went here to work. Sinabi ko na sayo yun nung nandun palang ako sa states. Andito rin ang bahay namin sa Makati." Inis kong tugon sa kanya. After I graduated college, I worked as a news writer for a newspaper company for 3 years. I decided to leave America and work here in the Philippines kasi gusto ko ng bagong environment. I also want to experience working without the influence of my parents. Lagi nalang kasi napapadali ang trabaho ko kasi kilala ako bilang only child ng dalawa sa magagaling na doktor sa America.
"But Gee.........." Sagot niya na pinutol ko naman agad.
"Wait! Stop! Bago mo ulit ibukas yang bibig mo at magtatalak, pakinggan mo muna yung sasabihin ko. First, ayoko muna mag travel kung san-san. Gosh! Kararating ko palang. Pwede naman tayo mag stroll nalang sa mall. Shopping! Second, I'm freakin' tired. Pagpahingahin mo muna ako. Bukas mo na ko tadtarin ng mga plans mo." I declared with exhaustion.
"Sorry na. Namiss lang talaga kita. Kahit nags-skype tayo madalas, e iba parin naman pag magkasama na tayo." Biglang yakap niya sakin sabay pout. Kung di ko lang to namiss...
"Hahaha. Okay. Okay. Wag ka na magdrama. Nakauwi na ako oh?! Namiss rin naman kita. Here's the thing, sabi mo may party sa Friday sa isang club na malapit sa bahay diba?" Tumango siya. Nakita ko agad yung pagkinang ng mga mata. Haaaaaaayyyy.. Buti nalang may tatlong araw pa bago mag Friday. Pwede pa akong makapag ayos sa bahay.
Pagdating ko ng bahay agad akong sinalubong ng housekeeper at saka ng mga maid namin. Sa sobrang pagod ko, di ko na naramdaman yung gutom. Agad nalang akong sumalampak sa kama ko then everything went black..
~
For two days, naayos ko na yung mga damit na dala ko. Dumating si Dane para manggulo. Este makipag chikahan.
"Ito lang talaga mga dala mong damit?" Tanong ni Dane habang sinisilip yung cabinet ko.
"Oo e. Ayaw ko nang masyadong maraming dala nung bumyahe ako. Plano ko na dito nalang din bumili ng mga pwede kong idagdag jan." Sagot ko sa kanya ng diretso para di na siya magsermon ulit.
"So, Gee! Kwentuhan mo naman ako ng balita sayo nung nasa U.S. ka!" Excited na tanong niya habang niyuyugyog yung kama ko.
"Alam mo naman halos lahat e. Minsan minsan rin naman tayo nags-skype diba??"
"Oo. Pero "halos" nga e. Anu? May naging boyfriend ka ba dun? Naalala ko na may nakita ako sa fb na naka-tag sayo. May kasama kang guy. Ang hot! Boyfriend mo??? O naging boyfriend???? Dali na! Kwento na!!!" echosera talaga to kahit kailan. Iiling iling at ngingiti ngiti ko nalang na pinanuod yung pagwawala niya habang nagyuyugyog ng kama.
Mejo nakapag adjust na rin ako sa init dito. Buti na nga lang air conditioned yung bahay.
Pagkatapos mag breakfast, biglang dumating si Dane at naghatak na papuntang mall kasi mamimili pa daw kami ng mga damit. Wala parin pala akong damit para sa party mamaya. Sabi kasi ni Dane, marami daw na mga sikat na mga tao ang pupunta kasi bandang midnight, may tutugtog na sikat na banda. Ewan. Di naman ako updated sa mga nangyayari na dito.
One hour before start ng party kami umalis ng bahay. May pagkasira rin kasi tong kaibigan ko, sabi niya mas maganda daw pag mejo late para makaagaw ng pansin sa mga nauna na roon. Nakabili ako ng black na tube dress then ni-pair ko nalang sa isang black na wedge shoes. Hinayaan ko nalang rin na nakalugay yung pagkahaba haba kong buhok.
"Grabe ka Gee, ang ganda ganda parin ng buhok mo hanggang ngayon. Tsaka mejo may curls narin yung dulo. Pwede nang pang shampoo commercial !!" Impit na tili ng kaibigan kong nababaliw habang nakasilip sa front mirror. Napailing na lang kahit na nangingiti dahil sa kalokahan nito.
Nasa backseat ako nakaupo kasi nasa front seat si Dane habang nasa driver seat naman yung boyfriend niya na si Ryan. Napairap nalang ako. Edi siya na may boyfriend.
"Sa ganda mong yan, imposibleng walang lumapit sayo na mga boys!! " Sige, mambola pa.
Pagdating namin dun, ay maingay na sa loob. Wala rin naman halos pinagkaiba sa mga party sa States. Agad rin akong humiwalay kanila Dane. Itetext ko nalang siya pag nabagot na ko.
Umupo ako sa may bar at nag signal sa may waiter. Agad kong nilagok yung in order ko na tequila. I'm not alcoholic. Ni hindi ako mahilig mag party kahit nung nandun ako sa U.S. Napapasama lang ako kapag may gatherings or ayaan ng mga kaibigan ko kasi pare parehas narin kaming busy sa trabaho.
"Buy you a drink, sweetie?" Anang ng lalaking biglang tumabi sakin. He was wearing a Gray V-neck shirt inside his brown leather jacket. Naka faded jeans and naka Topsiders na brown din. Hmmmm. Not bad.
"Sure." Then I gave him my sweetest smile.
"May I?" He asked, pertaining to the empty stool beside me.
"Yeah, sure. Suit yourself."
Sa ilang oras na pagkikipagkwentuhan, mejo nakapalagayan ko na rin si Lance. Im not into dancing. Kaya ko makipagsayawan pero hindi talaga ako mahilig. Kaya mas okay na makipagusap nalang. Kailangan ko rin maging updated sa mga nangyayari ngayon para hindi na ako mahirapan makarelate sa mga trends ngayon, lalo na't sa Monday na ko magsisimula. Madalas ay about sa business and politics napapadpad yung usapan namin. Nakakatuwa kasi akala ko ipi-flirt lang ako nito. Hindi naman sa may pagka-assumera pero nasanay na rin kasi ako na ganoon madalas ang nangyayari nung nasa States pa ako.
Kahit may kabaitan si Lance, I can see the aura of being a playboy around him. Sa mga galawan at pag ngisi palang ay makukumpirma ko na. Well, it doesn't matter. His my only companion for tonight, so might as well not to spoil it.
Dumating na yung band na inaabangan ng lahat. Sabay kaming napalingon ni Lance paharap sa stage. Halos puro OPM yung mga compositions nila. I haven't heard OPM songs since after highschool. Bilang bago sa aking tenga, I can say na magaling na talaga sila. Halos lahat ng tao na mahahagilap ng mata ko ay sumasabay sa kanta.
"Lance!" Someone shouted from somewhere sa mga nakatayong nakikinig at nanunood sa live band.
"Bro!" Nakangiting sagot ni Lance sa papalapit sa amin na lalaki.
"I'll go ahead na. I'm beat. Nakakaboring dito." Sabi nung lalaki kay Lance. When our eyes met, mariin at matalim na titig agad ang nakuha ko. It took me seconds to realize kung sino ba tong kaharap ko.
"You." Halos pabulong ko nang sabi.
BINABASA MO ANG
My heart says you (On-hold)
General FictionPaano mo ba masasabi na nagmamahal ka na ng totoo? Paano mo ba malalaman kung seryoso na ang nararamdaman mo? Yun ba ay nasusukat sa tagal ng feelings mo? or sa lakas ng impact sayo?