Chapter 4

23 2 0
                                    


Nag di-drive na ko pauwi pero feel ko lumilipad parin yung isip ko. Nababaliw na ko! Hindi ko makalimutan yung titig niya. Napakalapit ng mga mukha namin isang tingkayad lang ay mahaha... Arghh!!

*dug dug*

Leche! Ayan nanaman tong kabayo sa dibdib ko. Kanina ka pa ah?! Anu toh, may after shock pa??

Kung akala niyo ay may nangyari pa pagkatapos nun,

WALA NA!

Sino bang makakatiis na magstay pa ng isang minuto after na pangyayaring yun. Tignan lang natin kung di bumigay yang tuhod mo! -_- Sa sobrang hiya ko ay nagpumilit na ko na umuwi. Tango lang ang sagot niya sa lahat ng sinabi ko. Tinulungan niya lang ako magdala nung mga pinamili ko papuntang kotse saka siya nagpaalam.

Pagkauwing pagkauwi ko ay halos nakatulala nalang ako. Lipad na lipad yung utak ko, leche! Imbis na mag dinner, dumiretso nalang ako sa kwarto ko at natulog.

~

Kinaumagahan, dumating si Dane saka niransak yung buong bahay. Kwento siya ng kwento tungkol sa naging date nila ni Ryan, pero ako wala talaga akong naririnig. Pasok sa kaliwa, labas sa kanan -_-

Napanguso siya ng nakitang nag s-space out ako. "Anu ba yan?! Parang di ka naman ineterasado! Anu ba nangyari sayo at nagkakaganyan ka??"

Namula ako ng di oras nung tinanong niya ko. Binaha agad yung isip ko ng memories ng nangyari kahapon. Sh*t!

"A-anu?! Wala kaya! Anung pinagsasasabi mo jan?!" Agad kong sigaw sa kanya.

"Asus. Defensive! Anu ba kasi nangyari??!" Hindi ko ikukuwento kahit anung mangyari! Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero, panu ko naman makakalimutan yung isang bagay kung lagi ko na lang babanggitin.

"Wala naman talaga!" Nakakainis naman kasi! Napanguso nalang ako ng di oras. Si Dane naman ay tawa ng tawa sa pagkabwisit ko.

~

"Anu guys? Ready na ba kayo sa vacation trip natin?" Excited na tanong samin ni Rhea.

"Vacation trip ka riyan?! Team building yun!" Sagot kaagad ng katrabaho ko na si Jed.

"Parang ganun din yun! Sa Pagudpud tayo pupunta. Sa beach! Makakapag-swimming tayo, so ibig sabihin, makakapagrelax!" Sigaw sabay belat kay Jed. Parang mga bata. Hahaha! Napapailing nalang ako sa dalawa.

"Anu? Nakapagready ka na ba, Gee?" Tanong ni Celine, isa rin sa mga nakaclose ko dito.

"Uhm, kelan ba yan? Di ako na inform jan ah." Nakataas na yung kilay ko. Eh sa bago lang ako dito! Malay ko ba!

"Bago ka nga lang pala! Haha. Next week na. 4 days and 3 nights tayo nandun. Tsaka di mo mararamdaman na team building yun kasi maluwag naman si Sir Ace satin. Parang treat niya nalang sa department tong vacation trip na to." Natatawang sabi niya.

Wait! Teka! Teka! Sinong kasama?! S-sinong k-kasama??!!

"K-kasama si Sir Ace?? B-bakit??" Wala sa sarili kong tanong. Parang ayaw ko na sumama!

"Anong bakit?! Malamang siya Editor-in-chief natin! Haha. Eto talaga oh! Napaghahalataan ka. Haha!" Tawa ni Celine. Oo nga naman! Natatanga ka na ba Gee?! Argh!

Hinayaan ko nalang sila magkwentuhan buong break time hanggang sa nagpatuloy na sa kanya kanyang gawain. Wala na talagang pumapasok sa isip ko hanggang mag end yung shift ko. Sh*t! Naalala ko nanaman yung nangyari dun sa mall.

"Oh Gee, busy ka ba mamaya? Sama ka samin, mag b-bar tayo? pamapatanggal stress lang." agad ko siyang nilingon pati narin yung mga kaibigan ko na naka tayo narin, nag aayos na ng kani-kanilang desks para makaalis na.

Friday naman ngayon, tapos rest day na bukas. Wala naman sigurong masama.

"Uhm, o sige. San ba kayo? Para makapagtaxi agad ako after ng shift ko." Agad kong payag sa kanila. Nakita kong nakangiti na ng todo si Rhea, halatang nagbabaka-sakali pa kanina.

"Wag na. Sumabay ka nalang kay Alex. Parehas naman yung time ng out niyo, right?" Ah oo nga pala. Si Alex, isa ko pang katrabaho.

"Wag na, ako na maghahatid sayo. Sakin ka na sumabay." Biglang may sumabat sa usapan namin. Oh my!!!!! Sh*t! Sh*t!!!

"A-ahhh. O-okay. S-sige po s-sir." nauutal na sagot ni Rhea. Halatang nabigla rin siya sa sinabi ni Sir Ace. Sh*t! Sh*t! Sh*t!

Ayoko siya lingunin! Di ko na alam I rereact ko! Aaaaaargh!

Buong week kami di nagkita after nung sa mall, tapos ganito siya mambigla?!

"Ms. Santos?" Hindi na talaga maaalis yung lamig sa boses niya. Napaka manly!

"Yes sir!" no choice ako, kailangan ko siyang lingunin!

"Ano oras end ng shift mo?"

"7 pm sir. Ah sir, di niyo na po ako kailangan isabay. Pwede naman po ako sumabay kay Alex." Kinakabahan ako, shemay!

Napatingin siya sa relo niya, inoorasan ata yung tinatrabaho niya. "No, sumabay ka na sakin. I'll meet you at the lobby, dun nalang kita susunduin." Ni hindi man lang hinintay yung isasagot ko at umalis na kaagad papuntang elevator.

Tingnan mo yung isang yun, halata naman na busy siya, nakuha pang sumabat! Tsaka anu raw? Isasabay niya ko? Anong nakain non?

"Oh my!!! Anong meron sa inyo ni Sir?! Magkakilala ba kayo?? May something ba?! Ayiee!" Tukso ni Rhea habang sinusundot sundot pa yung bewang ko.

"A-ano. W-wala! Anu ka ba! Di kami close. Di ko nga alam anong meron dun." agad kong depensa sa pangungulit niya. Ano nga ba problema ng sungit na yun?

"Asus! Kung di ka lang bago rito, sasabihin ko nang may something e. Kaso yun nga e, bago ka palang. Type ka siguro nun! Waaah!" Habang tumatagal, di ko na alam san hahagilapin yung pagkamahinhin ni Rhea. Baliw na ata to!

"Ewan ko sayo, Rhea!" Irap ko nalang sa kanya.

"Rhea! Anu ba?! Makikipag-chikahan ka nalang ba jan? Aalis na tayo!" Tawag ni Jed sa kanya. Nag simula na naman yung mag away yung aso't pusa. Sinundan ko nalang sila ng tingin tsaka kumaway sa iba ko pang kakilala.

Mabilis kong natapos yung trabaho ko kaya may time pa ako makapag retouch ng make up. Balak ko pa sanang umuwi sa bahay para makapag palit kaso sa sabay nga ako kay sungit, kaya wag nalang. Buti naisipan kong mag long sleeved top at skater skirt ngayon. Suot ko rin yung favorite wedge shoes ko. Thank you Lord!

Nakaupo ako dito sa may sofa sa lobby habang nag f-facebook. Simula kanina ko pa inaabangan yung pagbalik ni Sir sa office niya pero wala, di na bumalik. Nasan naman kaya yun? Mag t-thirty minutes na after 7. Sabi niya maghintay raw ako, pero nasan na ba siya? Baka nang indyan na? Eh siraulo pala siya e! May pa no-no pa siyang nalalaman tapos wala naman pala.

Hindi ko na natapos yung pag iisip ko ng bigla siyang dumating. Nakita ko pa siyang naka-half run papunta sa tapat ng glass door ng lobby. Ang hot! Ganun ulit yung get up niya katulad nung unang beses na nagkita kami sa bar, pero hindi siya nakakasawang titigan!

"Kanina ka pa?" Agad akong umiling.

"Tara na." aya niya sakin. Tumayo na rin ako. Sh*t! Nakain ko lahat ng pag-ngingitngit ko kanina!

"Gusto mo muna kumain? Para bago tayo pumunta dun, nakapag dinner ka na." Tanong niya pagkapasok naming dalawa sa kotse niya. Ang bango bango! Eto rin yung amoy nung perfume na naamoy ko sa kanya nung nangyari yung sa..... Kyaaaaah!

"Ah, Sige." Nakakahiya na! Bakit ba biglang bait to ngayon?! Alam ko paulit ulit na, pero ano ba talagang nakain neto?! Nasan na si Mr. Sungit???

"Okay, where do you wanna eat?" tanong niya sa isang malambing na tono.

"Uhm, j-jan nalang." Turo ko sa isang resto na madadaanan namin. Agad niyang niliko yung sasakyan papuntang parking lot. Pagkahinto ng sasakyan ay agad siyang bumaba saka pumunta sa side ko para pagbuksan ako ng pinto.

Letsugas! Ang sarap mag tata-tumbling sa lakas ng kabog ng dibdib ko!

Naglahad siya nang kamay para alalayan ako sa pagbaba. "Let's go?" Wala sa sarili kong tinanggap yung kamay niya.

My heart says you (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon