IASW: 2

14 0 0
                                    

Oh bunso andyan ka na pala?



Ay di, tay. Picture ko lang po 'to

Diba ang cute namin mag usap nang tatay ko? --

Ah ganon? Madali naman akong kausap eh, wala kang baon para sa pasok mo bukas. Bye anak! Ang ganda mo naman picture nagsasalita.



WAAA! TATAY NAMAN EH, PARANG NAG-JOJOKE LANG!



Oh? Ano nanamang pinag aawayan niyong mag-ama diyan?



Eh nay si tay kasi! Di daw n'ya ako bibigyan ng baon bukas.



Mahal naman, baka mag-rebelde bigla 'yang anak natin.



Nay? Ang OA ha!



Osiya siya, halina't magsikain na tayo, bakit ngayon ka nga lang pala, Jassen Aren?



Kailangan talaga full name, tay?



Hep, tayo na't mag-dasal para sa grasya na bigay ng Panginoon.

After mag-dasal galit galit muna sa pagkain. Nagutom ata sila Nanay at Tatay sa pag-aantay sa akin, ang sweet nila no? Inaantay talaga nila ako bago sila kumain. Pero lagi ko sila pinaaalalahanan na mauna na sila pag-gutom na sila, pero sasabihin lang nila, malungkot pag walang kasabay kumain anak, kaya ayon inaantay nila ako.

Nag-iisa lang akong anak eh, sa ngayon ha. 'Yung kuya ko kasi nagtatrabaho na sa ibang bansa, kaya ayon baby na baby ako nila nanay at tatay, I'm not complaining though, ang sarap kaya mag-lambing ng mga magulang. Kaya kayo kung buhay pa ang mga magulang n'yo, spend more time with them, tumatanda rin kasi sila.

Bunso nakausap ko pala ang kuya mo kanina. Tumawag ka naman raw sa kanya at namimiss na daw n'ya ang pangit mong boses.



Tay oh! Si nanay at kuya, pinagtutulungan na naman ako.



Bunso, tanggapin mo na lang ang katotohanan.

'Yan ganyan sila, namimiss ko na rin si kuya. Pero paano ko tatawagan 'yon kung sira pa 'tong cellphone ko? Hindi ko naman pede sabihin kina nanay, mag-aalala lang 'yon, baka ibili pa ako ng bago. Ayoko, dagdag gastos lang eh.

Hmp! Lagi na lang ako walang kakampi dito.

Humanap ka na kasi ng boyfriend, bunso.



Tay, si nanay oh? Binubugaw na ako?

Halika nga kayong dalawa d'yan!

At nag-group hug na nga kami. This is probably the best place I'll ever be in to, in my tatay's arm, together with my nanay. And soon again together with kuya. 

Oh baka mag-drama ka d'yan, tay ha?

Biro ko kay tatay, super bigla kasi nag-seryoso. Dinamdam ata 'yung joke ni nanay.

Bunso, wag ka muna mag-boboyfriend ha. Makakalbo ako agad pag bigla ka nag-boyfriend.



Mahal, darating talaga ang panahon na magkakaroon ng kasintahan 'yang anak mo, ano ka ba? Natural na nasa lahi natin ang magaganda at gwapo, kaya wag ka na mag-taka. Pero mag-tiwala tayo sa bunso natin.



It all started...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon