Hi. Ako nga pala si PJ. Kumbaga, yan ang lesbian name ko. Hayskul ako noon. Masyadong naging magulo ang mga pangyayari. Simulan natin noong nagkakilala kaming dalawa. Kaklase ko siya since frosh days. Siyempre hindi niya alam na tomboy ako. Natatakot akong sabihin sa kanya dahil ayokong mapagchismisan sa klase. Hindi din kasi alam ng pamilya ko na ganito ang kanilang anak. Isang TOMBOY. Kung malaman nila, siguradong ikakahiya nila ako. Kaya mas pinili kong itago iyon sasarili ko. Ang pangalan niya nga pala ay 'Grace'.
Dati, hindi pa kami malapit sa isa't isa. May iba siyang mga kaibigan at mayroon din akong ibang mga kaibigan na kagaya ko. Secretly tomboy. Apat kaming ganito. Ako, si RJ, si Pio at ang pinsan niyang si Lennie. Hindi alam ng mga pamilya namin na pusong lalaki pala kami. Naging malapit kaming apat dahil na din sa kadahilanang kami kami lang din ang nakakaalam kung ano talaga kami. Kami lang din ang nagdadamayan sa mga problemang napagdadaanan namin. Pareho pa kaming mahihilig magdrawing.
u
Isang araw, nagparegister kaming apat sa isang poster making contest. Pinaghandaan namin iyon. Pero nang dumating na ang araw ng paligsahan, na ospital ang isa naming kasama. Si Lennie... kinailangan din siyang puntahan ni Pio.Naiwan kami ni RJ sa school para pagsabihan ang teachers namin. Yung contest? Napagpasyahan naming ipaalam sa art teacher namin na hindi kami makakasali dahil kulang na kami ng kasamahan.
"Nako. Hindi kayo pwedeng magback out. Sayang. Alam ko pa naman ang kakayahan ninyong dalawa. Wag kayong mag-alala. Maghahanap ako ng ipapapares sa inyo." sabi ng titser namin.
"Ma'am di na rin po kami makakasali." sabi ng isang babae. Si Grace. "May emergency din po kasi kina Ria at si Heidi naman po ay may chicken pox." sabi pa niya.
"I have an idea! Wag kayong magbaback out. Dahil kung sakali, wala nang magrerepresent sa klaseng ito... Kaya ang gawin niyo, magmerge na lang kayo nina PJ sa iisang grupo." sabi ni Ma'am. Pumayag naman si Grace at ang isa pa niyang kasama.
Pagdating ng hapon, nagsimula na ang paligsahan sa paggawa ng poster. Pero sa susunod na araw pa malalaman kung sino ang nanalo. Naging maayos naman ang contest. Nagkakasundo naman kami nina Grace sa kung ano ang gagawing layout. Pagkatapos ng paligsahan, Niyaya namin ni RJ sina Grace na kumain sa canteen. Pumayag naman ang dalawa. Nagkausap kami doong apat. Hindi ko inakalang iyon ang araw na hihilingin kong, sana ay di na nangyari sa buhay ko.
...
"Congrats RJ and friends! Kayo ang nanalo sa poster making contest." bati sa amin ni Ma'am ng sumunod na araw. Dahil doon, nagdiwang kami. Ang unang pagyaya namin kina Grace ay nasundan ng pangalawa. Hanggang sa naging palagian na.
Simula ng mga araw na iyon, naging malapit kami ni Grace sa isa't isa. Mas nakilala ko ang isang 'Grace'. Mas nabigyan ko siya ng pansin. Mabait naman si Grace.. Maalalahanin.. Masayang kasama.. Makulit.. at Maganda. Sa katunayan nga eh habang tumatagal ang mga araw na magkasama kami, mas lalo siyang gumaganda.
Naging matalik ko siyang kaibigan. Madalas kaming lumalabas. Hanggang sa nawawalan na ako ng oras para sa barkada. Pero... Mas lalo akong naging tutok sa pag-aaral. Nakapasok pa nga ako sa Top 10 ng klase. Ang saya ko! Salamat kay Grace.... Siya ang naging inspirasyon ko kaya nakamit ko ito.
...
Lumipas ang maraming araw. Natutunan ko na siyang mahalin. Hindi bilang Grace na kaklase ko. Kundi bilang Grace na parating sinusuportahan ako. Na parating nandiyan para sa akin. Sa tuwing nagkakaproblema ako tungkol sa pamilya ko. Sa tuwing may maririnig kasi silang issue na tomboy ako, ay sinasaktan ako ng Tatay ko. Si grace lang ang naging lakas ko ng mga araw na yon kung saan inaalipusta ako ng pamilya ko.
...
Hindi nagtagal, ramdam ko na ring napapamahal na si Grace sa akin. Hudyat na iyon para umamin ako.. Nagkita kami sa park kung saan kami parating namamasyal tuwing walang pasok. Inamin ko sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Na siya lang ang tangi at unang babaeng minahal ko. at mamahalin pa..