Story #2

1.9K 7 0
                                    

Ako si Mara. 26 years old. Isa akong doktor. Ang bata ko pa hindi ba? Haha. Alam niyo naman na siguro ang trabaho ng isang doktor. Siyempre madalas akong busy. Wala na nga akong oras para sa ibang bagay eh. Pero ok lang naman yon dahil mahal ko naman ang trabaho ko.

...

"Ma'am I am sorry to tell you but only a miracle can save your daughter's life." sabi ko sa nanay ng batang pasyente ko. May brain cancer kasi ang bata. Diretsa ko nang sinabi sa Nanay ng bata dahil bilang isang doktor, kailangan kong maging prangka sa kalagayan ng bata. And in her case.. "Mas lalo pang lumalala ang cancer niya. Kumalat na ito sa iba pang parte ng katawan niya at wala na kaming magagawa para maisalba siya.We did everything we can... I'm sorry."

Humagulgol sa iyak ang nanay ng bata at nahimatay. Sinalo naman siya ng kanyang asawa.

" I'm sorry Sir. Maiwan ko na po muna kayo at may aasikasuhin pa akong ibang pasyente." sabi ko sa tatay at saka umalis na.

Sabihin niyo mang ang rude ko pero kailangan ko rin maging ganito. Siguro dati, oo nahihirapan ako. Pero ngayon, nasanay na rin ako. Ganon din naman talaga ang patutunguhan ng lahat ng tao. Lahat tayo ay mamamatay sa huli. It's a common thing and I don't really understand why people can't accept the fact that someone they love will leave their lives soon. Wala namang imortal na tao kaya hindi ko maintindihan bakit pa nila iniiyakan ang mga yumao nilang mahal sa buhay. Weird.

...

Nang sumunod na araw....

...

"Good morning po dok." bati sa akin ng medical secretary ko dito sa office.

"Good morning din Karen. Ilang pasyente ang magpapacheck up ngayon?" tanong ko habang nakahawak ako sa knob ng pintuan ng office ko.

"Well, doc, meron pong nakalistang 23 patients as of now. And by the way doc, Mrs. Reyes called---"

"Ah. Yah. Make her a priority." sabi ko saka pumasok na sa office ko.

Umupo ako sa revolving chair ko at kinuha ang folder sa drawer ng desk. Files ni Mrs. Reyes. Oo nga pala. Kaibigan ko si Misis Reyes. Kaklase ko siya noong college.

*telephone rings*

*answers*

"Hello?"

"Dok nandito na po si Mrs. Reyes."

"Sige papasukin mo na siya."

"Ok po dok. Ma'am pumasok na daw po kayo."

Pagkababa ng tawag ay siya ring pagpasok ni Patty sa pinto.

"Goodmorning Mars!!" bati niya sa akin at mabilis na umupo sa upuang nasa harap ng desk ko.

"Good morning din sa'yo Patty. So ahm... Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko dito.

"Medyo ok na rin naman."

"Good. I'm happy to know that you are having a fast recovery. Pero paalala lang ah? Wag masyadong maglilikot at baka bumukas iyang tahi mo." sabi ko.

"Ano ka ba. Oo na. Alam ko na yun no.. At saka magaling naman na eh. Wala na ang sugat." sabi niya pa.. " Uy eto nga pala oh." saka lagay niya ng isang ticket sa desk ko.

"Para saan yan?"

"Concert ng paborito kong band. Punta ka ah! Kumpleto ang barkada. Wag kang mawawala! O siya na. Aalis na ako." sabi niya saka tayo.

"Uy teka teka. Hindi pa kita naeeksamin ah!"

"Hindi ako magpapacheck sa'yo kung hindi ka pupunta. Sa susunod na bukas yan. Wag mong kalilimutan!" sabay lakad niya palabas ng pinto. Pero hindi naman ako pwede sa susunod na bukas. Marami pa akong dapat asikasuhin kaya sinundan ko siya palabas ng pinto.

Lesbian Love - One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon