Chapter 1

10 2 0
                                        


"Matutunaw na yan si De Castro kakatitig mo." rinig kong sabi ni Belle.

Hindi ko siya nilingon at patuloy pa rin ako sa kakatitig kay France De Castro. Ang kaisa-isahang lalaki na umagaw sa attention ko. If  multiverse
are true, I'd rather be his eyeglasses. Kasi sa ganung paraan matitigan niya ako.

He's my first crush since I step on this school. Sino ba naman ang hindi magkagusto sa kanya.

He's a consistent President Lister since first year in Political Science and soon he will become a lawyer. Aside from that, he's also a chess master, and a President of student council of this university.

Hindi lang matalino higit sa lahat gwapo. He's a stiff person, yung tipong hindi mo siya nakikitang  ngumiti. Tapos laging magkasalubong ang kilay. A typical genius man.

He's a perfect man actually!

Samantala ako halos itawid na lang ang kurso ko. I'm not smart enough to be with him. Pero maganda ako at sexy. Pero sakto lang din. Hindi pang head turner.

Kumunot ang noo ko ng lumapit sa kanya ang kaklase niyang si Vian. She's also a dean's list and secretary of student council.

"Kailangan ko ata maging kasing talino ni Vian bago ako makalapit kay France babe."

"Bakit kasi sa daming lalaki dito sa university e dyan ka pa sa taong robot na inlove. Shuta ka!" sabay hampas ni Belle sa braso ko.

"Eh ang gwapo at talino niya e. Bakit may nakalagay ba na placard dyan sa harap niya na bawal siyang hangaan?" nakangusong tanong ko.

"Ewan ko sayo. Alis na ako." sabi niya at tumayo na.

"Ge, mamaya na ako."

Magka-iba kami ng course ni Belle— BSE-Math siya ako naman ay Office Administration.

Tiningnan ko ulit si France nasa libro pa rin ang tingin niya habang si Vian nagsasalita.

Nagpukos ako kakatitig kay France. Bakit ang gwapo niya kahit nakayuko at may salamin. Ang tangos din ng ilong niya. Tapos ang linis at plantsado ang uniform. Relo lang ang tanging suot na accessory.

Isinandal ko ang mukha ko sa palad ko. Ano kaya ang pakiramdam na nasa harap niya?

"Hoi Clara!" rinig kong tawag sa pangalan ko.

Hindi ko pinansin.

"Clara!"

Naputol ang titig ko kay France ng umupo si Jake sa harap ko.

"Ano ba yun?" inis na tanong ko. "Umalis ka nga diyan." at inabot ko ang braso niya para gumilid siya.

"Sino ba yang tinitingnan mo?"  tapos lumingon siya sa likod. "Ah si De Castro na naman."  tapos humarap sa'kin.

"Paki mo ba."

Ngumisi siya. "Ano ba nagustuhan mo diyan maliban sa matalino?"

"Syempre gwapo." sagot ko agad.

Umismid siya sa sinabi ko. Tumayo ako at niligpit ang gamit ko.

"Ewan ko sayo, dyan ka na nga." sabi ko at binitbit na lahat ng gamit ko. Naglatag ako ng libro hindi ko naman binasa.

Pakiramdam ko kahit tingnan ko lang si France tatalino na ako.

Bumalik ako ng classroom at naramdaman kong nakasunod lang si Jake.

"Tol, may kakilala ka ba sa HRM?" tanong niya ng sumabay sa'kin.

"Oo, bakit?" tanong ko.

Siguro may babae na naman itong po-pormahan.

All of SuddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon