CHAPTER 25

555 22 2
                                    


Shocked




"Sama ka na sa amin mamaya, Mave!" pagpilit ni Jane sa akin.


Nakaupo kami ngayon sa aming classroom, tahimik na nagkwekwentuhan.


Bilang lamang ang estudyanteng narito dahil lunch break. Hindi naman ako bumaba dahil busog pa ako, halos hindi makaramdam ng gutom.


Si Ronald naman ay bumaba para bumili ng pagkain. Sinabihan niya akong maghintay dito at siya na lamang ang bababa at pipila sa cafeteria upang makabili ng makakain namin. Tatanggi sana ay hindi na ako nakaangal pa sa kaniyang gusto. Tinalikuran kaagad ako nito pagkatapos magpaalam. Hindi binigyan ng pagkakataon para sabihin ang hinain.


Kanina pa ako ginagambala ni Jane sa kaniyang lakad. Pupunta raw ito sa bagong bukas na bar dahilan upang ayain niya ako. Pumayag na raw kasi sina Cindy, Ross, at Ian kahapon pa. Ako na lamang ang tanging hindi niya pa napapapayag.


Wala naman akong rason para tumanggi. Isa pa ay matagal na rin simula nang sumama ako sakanila. Pakiramdam ko ay ang dati kong malayang oras tuwing weekends na laging nakatuon sakanila ay kay Ronald na lamang napunta. Hindi naman nila alam iyon dahilan upang hindi sila maghinala.


Hindi ko rin naman pinagsisisihang kay Ronald ako sumasama. Pakiramdam ko ay laging buo ang araw ko tuwing nandiyan siya sa aking mga paningin. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig?


Ngunit, para kay Ross ay nakakapagtaka iyon. Hindi niya pinapaniwalaan na nasa bahay lamang ako tuwing weekend. Hindi ko ba alam kung paano niya iyon nasabi gayong ang ibang kaibigan ko naman ay paniwalang-paniwala sa akin. Siguro ay dahil kilalang kilala niya lamang ang pagkatao ko.


I sometimes feel bad for lying to them. I'm still not sure when or where to explain what's been going on in my life over the last few months. Maybe, one day I'll have the courage to tell them all.


"S-Sige... pero malalate ako ng konti," paninigurado ko sakaniya.


"Okay..." pagsang-ayon ni Jane. "Isa pa, ilang linggo ka ng nasa bahay niyo lang. Hindi ka ba nabobored? Matagal na rin ang huli nating labas na kasama ka," dugtong niya.


Tanaw ang pintuan ng classroom ay pilit kong nililinga ang aking sarili upang hindi lamang siya matignan sa mga mata. Pakiramdam ko ay malalaman niyang nagsisinungaling ako kapag tumingin ako sakaniya. Hindi pa naman ako magaling sa ganitong bagay.


Wala namang masama sa ginagawa namin ni Ronald ngunit hindi ko pa iyon handang ipaalam sa aking mga kaibigan. Siguro ay dahil na rin wala naman akong dapat na ipaalam sakanila bukod sa nagkakamabutihan at napapadalas ang pagsasama namin.


Hindi niya naman ako nililigawan dahilan upang wala kaming relasyon. Wala ring saysay kung ibabahagi ko sakanila ang bagay na iyon. Magmumukha lamang akong desperado kay Ronald kung sakali.


"Oo... medyo busy kasi sa bahay," pagsisinungaling ko.


Dirty SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon