CHAPTER 12

806 33 0
                                    


Lust | R-18




Nagising na lamang ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sa akin. Madilim ang loob nito kaya hindi ko masyadong makita ang detalye. At isa pa, nahihilo pa ako para tuluyang makabangon. Ang tanging ilaw lamang sa lampshade sa aking kanan ang nagsisinding ilaw sa loob ng silid na iyon.


Kumunot ang noo ko kung nasaan ako ngayon. Ang huling natatandaan ko lamang ay nasa bar ako. Ang ibang detalye at nangyari ay hindi ko na alam. Hawak ang aking ulo ay mariin kong hinilot iyon na para bang mapapawala nito ang sakit ng ulo ko.


Ilang segundo ang lumipas bago ko napagtanto kung ano nga ba ang nangyari sa akin. Ang natatandaan ko ay nasa birthday party ako ng Ate ni Jane! Pero, bakit ako napunta rito? Sa bar iyon ginanap kaya hindi imposibleng nakainom ako. Ngunit, ganoon ba karami ang nainom ko para sumakit ang ulo ko ng ganito? Siguro ay nabigla ito gayong matagal na rin simula ng huli akong uminom.


Mukhang naparami ata ako. Alam ko naman sa sarili kong hindi ko kaya ang marami tuwing umiinom ng alak ngunit hindi ko ata napigilan ang sarili ko sa oras na iyon. 


Napaayos ako ng tayo nang tumunog ang pintuan sa kwartong iyon. Hawak ang aking ulo ay mabilis ako bumangon para makita kung sino ang nagdala sa akin rito. 


Nanlaki ang aking mata nang tumambad si Ronald na akin na may hawak ng tray. Tingin ko ay gamot iyon at tubig. Teka, bakit siya ang nagdala sa akin rito? Hindi ko pa rin matandaan ang nangyari!


"Gising ka na pala," pambungad niya sa akin. 


Hindi pa rin maalis ang pagtataka sa aking mukha hanggang sa maupo siya sa tabi ng kama. Sa gilid lamang iyon ngunit umuga ang buong kama ng maupo siya dahilan nang pagbilis nang tibok ng puso ko. 


"A-Anong nangyari?" tanong ko. "N-Nasaan ako? Bakit ako nandito?" sunod-sunod kong tanong sakaniya. 


Marami ang bumabagabag sa aking isipan. Ayoko rin pangunahan ang mga bagay at magisip ng masama tungkol sakaniya. Kahit pa gustong gusto kong makasiguradong mabuti ang kaniyang intensyon sa pagdala sa akin dito. At kung ano nga ba talaga ang nangyari.


"Lasing na lasing ka kaya sinundan kita sa restroom na pinuntahan mo... hindi ka makalakad nang maayos kaya sabi ko ay kailangan kitang sundan," pagpapaliwanag niya.


Tumango tango naman ako sa narinig kahit pa hindi pa rin maalala ang tunay na nangyari. Kahit pa ang pagpunta sa restroom ay hindi ko maalala.


"Then, I waited for you to open the cubicle that you used... but you suddenly passed out," sambit niya ngunit hindi mapirma ang mga mata sa akin.


Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga sinasabi niya ngunit mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Sana nga lang.


"Kaya dinala kita sa condo ko..." pagpapatuloy niya.


Dirty SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon