Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sobrang sakit ng buong katawan ko. Lalong lalo na ang aking tiyan.
Sinapo ko ang tiyan ko at saka pinilit gumalaw ngunit hindi ko magawa. Tumutulo din ang dugo sa aking mukha kaya naman nahihilam ako.
Pero pinilit kong tinignan ang katabi ko, nakasubsob ito sa harapang bintana ng kotse. Nakatalikod ang mukha nito sa kaniya kaya hindi niya makita.
Naluha sya sa pinag halong sakit at pag aalala. Pinilit niyang abutin ang kaniyang asawa subalit mas lalo lamang siyang namilipit sa sakit.
Maya maya pa ay hindi na niya napigilan ang kaniyang mga mata, kusa na itong pumikit.
Ang huling narinig na lamang niya ay ang tunog ng sirena ng ambulansya bago sya tuluyang sakupin ng kadiliman.
BINABASA MO ANG
Taming My Billionaire Husband (TBC 2)
General FictionDating make up artist sa isang Club na ngayo'y isa nang business owner. Marami man ang problemang kanilang kinaharap noon, kasama ang asawang si Prince Jacob Montréal Eleazar, ay nalagpasan nila ito ng magkasama. Sobrang nag mamahalan, nag tutulung...