CHAPTER 20

1.1K 40 12
                                    

THEA ALLIAN SANTOS POV

Hindi pwede na sa Fletcher pa kami humingi ng tulong, baka malaman ni Clark.

"Anak maraming connection ang mga Fletcher na pwede nilang mahingian ng tulong sa loob lang ng isang araw, kapag kinakailangan lang sa Fletcher Hospital." – Kuya said to me seriously.

"Hindi pwede kuya, ayokong malaman ni Clark nama'y sakit ako." – I said irritated

"Are you crazy? What are you afraid of if Clark finds out about your illness? It may be less than a month after the surgery when we tell Clark about your condition." – sigaw niya sa akin.

"Ayoko lang kase na problemahin pa niya ang sakit ko at ayoko maging pabigat pa sa mga ginagawa niya marami na siyang problema Kuya ayoko ng dagdagan pa." – I said sadly.

"Even if it doesn't cross my mind that you've become a burden in my life baby, remember that! Ikaw ang dahilan kung bakit lumalaban parin ako sa mundo kong magulo." – nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

Ayokong lumingon dahil sa mga sinabi ko nakakahiya. Napalunok laway ako ng bigla akong yakapin ni Clark mula sa likod ko.

"Tito, isasama ko si Thea papunta sa maynila para tignan ang kalagayan niya." – nakakakilabot na pahayag niya sa Papa ko.

"Pinapayagan na kita ipunta siya sa maynila, kami naman dito aasikasuhin namin ang mga papeles ni Thea patungkol sa kalagayan niya seven years ago, pagkatapos namin asikasuhin ay susunod kami papuntang maynila." – saad ni Papa.

Walang imikan kami ni Clark sa loob ng kwarto ko dahil kukunin ko ang mga gamit ko, ang dami kong dinala dahil 2 months kami dito  pero naging ilang araw lang dahil sa sakit ko langhiya.

Nang matapos ko maligpit lahat  ng mga damit ko kinuha ito ni Clark at siya na ang humila ng maleta ko, masama parin ang tingin niya sa mga nadadaanan niya palabas ng bahay na kinabahala ko talaga ng husto.

Agad naman ipinasok ang aking mga maleta sa loob ng isang van na hindi ko pamilyar, siguro ito ang van na ginamit ni Clark papunta dito.

Namangha ako sa nakikita ko ng buksan ng isang tauhan niya ang pinto ng Van. Para siyang Van ng mga artista.

May nakaharang sa pagitan ng Driver seat at sa back seat, kapag nakatingin ka mula dito nakikita mo ang Driver pero kapag mula sa driver tas titingin dito hindi makikita, ang astig!

Pagkarating namin sa Maynila agad ako pinunta sa Hospital at inasikaso ako, kinakabahan ako sa kakalabasan nito. Siguro tumagal ng ilang oras natapos ang pagsusuri nila sa katawan ko.

Tahimik na nag-aantay kami ni Clark sa labas ng opisina ng doctor na tumingin sa akin, simula ng umalis kami sa bahay hindi pa niya ako kinakausap pero sobra ang pag iingat  niya sa akin sa bawat paglakad namin ni Clark. Napatayo kami ng biglang lumabas ng opisina niya ang Doctor.

"Tatapatin na kita Ms. Santos, hindi na maganda ang kalagayan mo ngayon." – deretsyong saad ng doctor na kinabigla ko.

"Gawan niyo ng paraan para gumaling ang fiance ko." – maotoridad na utos ni Clark sa doctor.

"Ginagawan na namin ng paraan, kung maaari ay pwede na siyang operahan ngunit hindi pa handa ang katawan niya."

Mr. Rich meet Ms. Fishball (Fletcher Series2) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon