PROLOGUE

13 2 1
                                    


"Nakshie, nabalitaan muna ba?" habang inaayusan ako ng buhok kasi may dadaluhan kami at magkakaroon ako ng award na hindi ko alam kung ano yun. Hindi naman kasi ako kagalingan sa mag arte pero gustong gusto ko talaga maging artista. "Ang alin meme???" Casual kong pagkakasabi sa kanya. Inayos nya muna yung buhok ko bago nya ako hiniharap sa sarili nya

"May bagong makaka loveteam si donny nakshie, alam muna bayon?" Nag aalalang sabi nya sakin, alam nya kasing may may gusto ako kay donny na hindi ko maamin amin sa publiko dahil ayoko pangunahan ng mga fans. Okay na akong makasama sya, dahil kuntento naman na ako kung ano meron saaming dalawa ayoko naman mag demand na gustuhin nya ako. Matagal na kaming love team ni donny na pinangalanan na DONKISS, fans ang nag pursue na nun at natutuwa ako sa kanila dahil mahal na mahal nila kami at nagpapasalamat ako dahil maraming nagmamahal samin. Tapos na pala ang PLAYHOUSE na ipapalabas sa tv, back to study na namin, second year college na pala kami ni donny at same school kami napasok.

"Okay lang yun meme, I'm happy for him" nakangiti kong sabi sa kanya

"What if magu--" pinutol ko na kaagad kung ano ang sasabihin nya "walang kami meme, saka ako lang ang nagkakagusto sa kanya ano kaba" sabay sandal sa may upuan at pumikit. May 15mins pa bago mag start. Hindi ko alam ano mararamdaman ko kung magkakaroon ng bagong loveteam si donny, siguro masasaktan ako? Maybe dipendee pero masaya ako sa kanya kasi magkakaroon sya uli ng project.

-

Kakatapos lang ng STAR AWARDS at papunta na ako sa parking lot para maka uwi kaagad gusto ko na magpahinga at makapag isip isip naman ako nang maayos, masyadong blanko utak ko right now sa nalaman ko kay meme hanggang ngayun kasi ayun pa din nagpapagulo sa sakin. Pag pasok ko sa sasakyan bigla akong napasandal at pumikit sabay hilot sa sintido "iiwasan ko na ba sya? Para di ako masaktan?" Grrrr idunnoo what to do, shocks im so frustrated tsk! Napadilat na lang ako sa taong kumatok sa sasakyan ko at bigla akong kinabahan at hindi ko alam gagawin ko. Si donny...

Binuksan ko yung bintana ng sasakyan ko para magpakita kay donny kahit hindi ko alam gagawin ko.

"Uuwi kana?" Naka ngiting sabi ni donny sakin. Mga ngiti nyang lalong nagpapahulog sakin at lalo na yung mata nyang parang kumikinang kapag nakikita ako.

"Yes, i have to go na dahil hanap na rin ako nila mommy at daddy. Ikaw hindi ka pa uuwi?"

"Pauwi na rin ako, hindi mo ako gaano pinapansin sa loob may problema ba?" Nagtataka nyang sabi sakin. Hindi ko alam ano sasabihin ko dahil totoo nga hindi ko sya gaano pinapansin at kinaka usap kasi umiiwas na ako sa kanya ayoko masyado masanay lalo sa presence nya at baka hanap hanapin ko. Magkakaroon na sya ng loveteam "nevermind siguro pagod ka lang. Ingat ka ha?"

"Ah oo, sige ingat ka din. I have to go" sabay sara ko ng bintana. Siguro  dito na lang magtatapos saaming dalawa. Iiwasan ko na sya hindi na ako magbibigay ng gestures sa tuwing may mga event kami. Matatapos na rin naman ang event at pagtapos nun magfofocus na uli ang mga tao sa bagong loveteam ni donny. Hanggang sa muli my donato, mahal kita.

-

MALL SHOW

tinawag kami ni donny ng emcee para kumanta ng 'pretty boy' paglabas namin galing sa likod nag hiyawan kaagad ang mga fans. grabe ang daming nagmamahal samin, mahal na mahal rin namin kayo donkiss family. alam ko sa susunod na araw masasaktan namin kayo kasi mabubuwag na ang donkiss at eto ang last mall show namin na magkasama kami ni donny bilang loveteam. habang nakanta kami hindi ako maka tingin sa mga mata ni donny habang sya naman titig na titig sakin, hindi ko kayang tumingin sa mga mata mo baka malaman mo kung gaano akong nasasaktan ngayun dahil eto na ang last nating dalawa bilang loveteam. ayokong mabasa mo ang emosyon ko hanggat maaari iniiwasan ko tumingin sayong mga mata. nilahad ni donny yung kamay nya habang nakanta sya kinuwa ko yun para kahit papaano hindi sya makalahata na iniiwasan ko sya. ngumiti din ako sa kanya pero yung ngiting pinapalaya na sya. habang nakanta si donny gumagawa na lang ako ng step para madivert ko yung paningin ko sa kanya. ngumingiti ako sa mga fans nya pero sya titig na titig padin sakin. 'sorry donny pero hanggat dito na lang talaga tayo' hindi ako magpapahalata na naiiyak at nasasaktan ako, ayoko ipakita yun sa mga fans. nung tapos na yung kanya parang ayaw bitawan ni donny yung kamay ko, ano ba donny ang gulo hindi ko maintindihan yung pinapakita at pinaparamdam mo sakin.

(watch nyo dito yung last mall show nila https://youtube.com/shorts/tos8xpMCnmU?feature=share credits kay micasssaaa💕)

*Walang basher sana dito. Lovelots!!

INAYOS KO MASYADONG PANGET PROLOGUE KO HAHAHAHA PARANG LUTANG BUMUO NG STORYA MWAH

Wings | DONKISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon